See, pinapatuloy lang ako sa bahay ni Tita Ameliora at pinapakain ako sa tuwing nandoon ako pero sa lahat pa ng ibang gastos ay ako na ang bahala sa sarili ko.

Magmula nung tumungtong ako sa High School ay natuto na akong magtrabaho kahit sa maliit na paraan lang. Sa trabaho ko ngayon ay nakiusap lang ako na kunin nila ako dahil sa katunayan, hindi pa talaga pwede dahil hindi pa ako nasa tamang edad.

Paglabas ko ng school ay bumungad sa akin ang pinaka-ayaw ko — ang rush hour. Ayaw ko kasing nakikisabay sa labasan ng ibang estudyante dahil napupuno ang kalsada dahil sa kanila.

Karamihan sa mga pumupunta sa school ko ay nakasariling sasakyan kaya dumadagdag sila sa traffic dito.

Dahil wala akong matanaw na jeep ay tumakbo ako papunta sa panggagalingan nila para lang makasakay dahil baka puno na kung naghintay pa ako doon.

"Kuya! Isa lang!" pagpapara ko sa isang jeep na dumaan pero nag-signal ang driver na puno na daw.

Naramdaman kong umabot na hanggang sa may dibdib ko ang pawis na tumutulo.

Grabeng hassle naman nito! Kung hindi lang malayo ang eatery na pinapasukan ko ay siguradong nilakad ko na lang.

Napatigil ako sa paglalakad nang marealize ko na lalakarin ko na lang dahil wala rin naman talagang dumadaan na jeep. Nagpalit ako ng direksiyon at tinahak na ang daan papunta sa trabaho.

Marami akong kasabayan na naglalakad nalang din. May mga nakita pa ako na bumaba sa jeep na sinasakyan nila dahil talagang walang usad ang traffic. Halos tatlumpung minuto na akong naglalakad nang matanaw ko na ang signage ng Rosario's Eatery.

Naramdaman kong nagvibrate ang luma kong cellphone na basag na ang screen at sinagot ko ito. Si Sir Marasigan ang tumatawag. "Good afternoon po, Sir?" patanong kong bati sa kanya.

"Astraea, pwede ba kitang matawag saglit dito sa faculty? ASAP sana." sabi niya sa kabilang linya, dahilan para manlaki ang mata ko.

Lumingon ako sa paligid. Masyado na akong malayo! "Bakit po, Sir?"

"Kasama ko kasi ngayon ang susunod na iinterviewhin for the next feature. Pag-usapan niyo na sana ang schedule niyo para makapagsimula na kayo." paliwanag ni Sir.

Hindi pa ako nakapagsasalita kaya sinundan niya ito, "Sorry sa late na pasabi, 'nak. Nasa faculty lang kami. See you." sabi niya bago ibaba ang tawag.

Napakapit ako sa mga tuhod ko at hinahabol ang hininga. Kapag kasi sinabi ni Sir na ASAP ay talagang as soon as possible, kahit imposible ay kailangan kong gawing posible. Ilang minuto nalang ay makakarating na ako sa eatery pero sumakay na ako sa jeep na dumaan pabalik sa school.

Hindi na gaanong congested ang daan kaya mabilis akong nakabalik. Halos labag sa loob ko ang pag-aabot ng bayad dahil nanghihinayang ako sa pamasaheng pauwi na sana.

"Saan ka, Ma'am?" tanong ng guard sa akin habang nagsswap ako ng I.D.

"Pinapatawag lang ako ulit sa loob, kuya..." paliwanag ko. Kadalasan kasi ay hindi na pwedeng pumasok ang mga estudyante kapag nakalabas na. Ipinakita ko sakanya ang identification card ko na galing ako sa publication.

Inilahad niya ang daan, signal na pwede na akong pumasok. "Oh sige."

Pagdating ko sa tapat ng faculty ay humarap muna ako sa salamin na pintuan saglit at inayos ang buhok kong gulong gulo na. Nagtungo ako sa cubicle ng department ni Sir Marasigan at itinaas niya ang kamay niya at kinaway ito nang matanaw ako.

"Sorry, sir. Natagalan."

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi niya. Matangkad siya at dahil sa hindi niya maayos na pagkakaupo ay halos masakop ng mahabang binti niya ang maliit na cubicle.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now