ONE

1.5K 65 22
                                    

"Mom-my! D-don't leave me, please. Nooo!"

Napamulat ako. I checked the time, alas tres palang ng madaling araw. Ramdam ko ang lagkit ng pawis na tumutulo sa aking noo kahit naka-centralized ang kwarto ko, isang pamilyar na bangungot na naman. Imbis na bumalik sa pagkakatulog ay mas pinili ko na lamang bumangon at maligo na.

Having that nightmare again means a cold shower in this early hour. . . para magising ang diwa ko.

Isa-isa kong hinubad ang aking saplot, binuksan ang shower at pumailalim sa lamig ng tubig na nagmumula rito. Ramdam ko ang pagdausdos ng tubig sa aking hubad na katawan. Ginigising nito ang ibang nahihimbing ko pang mga ugat.

"I miss you, mom." Tanging lumabas na mga salita sa aking labi at napapikit na lamang ako.

It's been 20 years when my dream to have a happy and complete family was vanished because they ruined it, my unknown enemies ruined it. Ang noong masayang panaginip ay biglang napalitan ng isang bangungot, napakasamang bangungot. Ninakaw nila ang dapat "happily ever after" ng mga magulang ko. Kinuha nila ang buhay ng nag-iisang taong minahal at minamahal ng sobra at totoo ng tatay ko. Don Alesandro Estevan was in deep despair to live a happy life because of the loss of his one great love, Dominica Falcon, my mother.

Everyone in the underground world who harmed our family was dead 15 years ago. My father together with the Costa Nostra killed them all, inubos nila ang lahat ng sangkot sa nangyaring trahedya sa pamilya namin dalawampung taon na ang nakakaraan. Pero alam ko, nararamdaman ko, may mali, may kulang. I will continue this fight no matter what. Cause there seems to be something missing from the inexplicable death of my mother. And I am dying to find that missing puzzle piece to know what really happened 20 years ago to complete the picture and to get the answers I badly wanted to know all this time.

Dahil kahit anong pagpatay ng Costa Nostra sa lahat ng masasamang mafioso ay hinding-hindi sila mauubos, may mawawasak pero paniguradong may mabubuo muli. Hindi pa tapos ang laban, hindi pa ubos ang tunay na kalaban. Napatay nga ang mga galamay, naputol ang mga sanga ngunit buhay na buhay pa rin ang mga ugat kaya hinding-hindi sila mauubos at hinding-hindi titigil hangga't hindi nabubungkal at masunog ang mismong pinagmulan nilang lahat. Sa laki ng mundong ginagalawan namin, never mauubos ang masasamang tao. Hindi matatawag na mabuti ang isa kung walang masamang kapareha.

Kaya kahit masakit tanggapin, my father stopped finding the real culprit. Hindi sa napagod na siya dahil nawawalan na ito ng pag-asa. Ngunit mas pinili niya na lamang tanggapin ang kalungkutan at manatili sa nakaraan kung saan niya masayang nakakasama ang aking ina.

Dahil sa totoo lang, never kaming makakaalis sa nakaraang puno ng katanungan hangga't hindi ito nabibigyan ng angkop na kasagutan. Lumipas man ang panahon ngunit nanatili pa rin kaming lahat sa nakaraan. Lalong-lalo na ang tatay ko, kaya hanggang ngayon ay hindi niya mahanap-hanap ang ganap na kasiyahan sa kaniyang puso na sana makakapagpabitiw sa kaniya sa pagkakahawak sa kamay ng aking yumaong ina, at ang tunay na makakapagpapalaya sa kanilang dalawa sa kulungang kanilang kinasadlakan, ang nakaraan. Hindi niya tanggap ang pagkawala ng ganoon ng aking ina, dahil alam ko, ramdam ko, umaasa pa rin itong hindi totoo ang lahat, na isang masamang panaginip lang ito at magigising din kami, at baka --baka sa pagmulat ng aming mga mata ay nakangiting mukha ng aking ina ang sumilay sa aming lahat.

That even I could not help but hope that Dominica Falcon - Estevan, my mother might still be alive. Kaya ipagpapatuloy ko ang paghahanap ng kasagutan kahit it means breaking my father's golden rule, "Never dare to enter the world he chooses to leave behind 7 years ago." Dahil gusto niya ng normal na buhay para sa amin ng kakambal ko,even if it means sadness and sorrow for him.

But since the day I discovered and fully understood the real deal of our family's tragic past and my mother's death. I have already chosen the path that I want to take and that is to find the missing piece of our family's past 20 years ago. I will do everything to get the answers I wanted for us to be happy and to move on. Even it takes me to find and kill them all with my own bare hands.

Because I am Alexandra Estevan who believes that "Vengeance is beautiful".

***

"Gumagalaw na naman siya."

"She is good."

"She is a pro."

"But she stops a year or two years ago 'di ba. After nang namatay ang Mafia leader ng Russia."

"Di kaya nagsisimula na namang gumalaw ang organisasyon?"

Tinginan ang lahat sa bagong pasok.

"Lix! You're back!"

Lumapit sa harapan ang bagong pasok na lalaki, wala itong kaemo-emosyong humarap sa mga taong nasa loob.

Isinaksak niya ang USB na hawak-hawak sa laptop na nakakonekta sa malaking monitor.

Naka-focus ang lahat sa naka-display na mga litrato.

"Vladimir, the leader of Crucifix... a big Mafia group in Italy."

"Greed, the leader of Spain's Mafia group... La Uno."

"Greg Franchios, the leader of Louvre, the Mafia group in France."

"And Blood, the successor of Delmondo Group, or let say the mafia group in Russia, H20."

"Fontanilla, the leader of La Familia, the group in Asia. That was already under the Crucifix."

"Develon, the Mafia Boss of Job Walkers, the Italian Mobsters."

"Estevan, the Mafia Boss of Costa Nostra, the Fallen Mafia Family in England, Britain and America."

Tinuro niya isa-isa ang mga mukha ng bawat taong binanggit nito.

Napakunot-noo naman ang kanilang matandang team leader habang nakapokus ang tingin sa litrato ng isa sa mga leader ng mga mafia family at nagsalita, "Costa Nostra silently died a long time ago, so let's cross that mafia family out."

"But--"

"No buts, Vergara. Costa Nostra promised me that they would not meddle with any issues relating to the underground world as long as we did not interfere with their lives now. And let's keep that promise. Kaya don't you dare search for more details about their family, umiwas tayo sa mas malaking gulo kapag nasangkot muli ang Costa Nostra sa laban natin sa ibang mga mafioso."

Wala ng nagawa si Elixir kundi sumang-ayon sa isinambit ng kaniyang superior na si Lt. Sergio Falcon. At nagpatuloy na lamang sa kaniyang sinasabi kanina.

"So Costa Nostra is out of the picture, well while staying in England, I received emails about sa pagkabuhay na naman ng underground organization. At mas matindi pa ngayon dahil tatlong grupo ang nadagdag at lumaki sa loob ng dalawang taong katahimikan nila."

Tumango-tango lang ang ibang kasama nito.

"...and the probability is higher dahil sa pagbabalik niya," mapait nitong dagdag, sabay tingin sa unknown persona na may question mark na naka-display sa monitor.






"The Poison."

Wicked InnocenceWhere stories live. Discover now