HFM 44 [Kenna&Silvia]

Start from the beginning
                                    

Matapos namin pag usapan ang mga dadalhin ay nagpaalam na pupunta na siya sa dorm niya dahil mag reready na din siya.





Umaga kami aalis at bago sumikat ang araw ay doon kami aalis. Nakita ko ang dama ko na inaayos ang gamit ko.





"Hindi kita isasama sa pupuntahan ko, lalo na delikado ito"sabi ko dito at tututol sana ito ng tignan ko ito ng masama.





"Babalik ako nang ligtas lalo na hindi ko hahayaan na iwanan kita mag isa"sabi ko dito at niyakap siya. Dahil para ko na din siya Ina dahil siya ang nag alaga sa akin simula ipanganak ako.






"Pangako yan ah"tumango ako dito at pinagpatuloy nito ang pag aayos. Bali isang bag ang dala ko para sa damit ko at dalawang bag naman ang dala ko para sa pagkain namin.






Pinasobrahan ko ito lalo na hindi rin sigurado na kung talaga bang tatlong araw lang kami mawawala.





Kinabukasan ay dumating si Silvia ng 4:30am at buti na lang nakapag ayos na din ako.




Dinala ko ang tatlong bag pero kinuha ni Silvia ang dalawa, nag iwan ako ng sulat sa dama ko para may makasama siya ay doon muna siya kay Ashley sa pinsan kong nasa kindergarten ng Academy.





"Halika na"sumunod ako dito at nakita namin na hinihintay kami ni Ate Yuna.





"Mag iingat kayong dalawa, alam ko na delikado ang mission na ito lalo na meron din na portal na bukas doon. Kaya maaaring may lumabas na kalaban kaya maging alerto kayo"paalala nito sa amin at pinakabit sa damit namin ang tracking device na binigay niya.





"Kapag alam niyong delikado na at hindi niyo na macontrol ang pangyayari pindutin niyo lang ang button na nasa damit niyo ng makapag padala kami ng reinforcement"doon ko nalaman ang purpose ng tracking device na binigay niya sa amin.






"Ang item na hahanapin niyo ay ang Fairy wand at wala din kasiguraduhan kung sakali man mahahanap ang magical item na yun dahil libong taon na ang lumipas ng huling makita ito"tinignan ko si Silvia at talagang nakikinig ito ng mabuti.






"Hanggang dito na lang ako lalo na hindi ko kayo maaaring samahan sa mission niyo"yumakap ako dito at maging si Silvia dahil alam ko na nag aalala ito para sa amin.





"Simulan na natin maghanap ng pwede natin pagtayuan ng tent lalo na at kailangan sa ligtas na lugar tayo maglatag"sinundan ko ito papasok ng Mystic Forest. Kung dati ay maaliwalas dito at makakarinig ka ng mga huni ng ibon.






Malaki ang pinagbago ng lugar na ito sa loob ng ilang buwan dahil sa pagsulpot ng mga portal.




"Dito tayo mag tatayo ng tent, lalo na kailangan muna natin magpahinga para mahanap na ang magic tower"hindi sila nagtanong sa akin kung kailan ako babalik..






"Latag na natin ang mga tent para kung sakali makabalik agad tayo ay deretso agad tayo makakapagpahinga"ilang sandali lang ay pumikit si Silvia at nagkaroon agad ng dalawang tent.






"Yan, sayo ang kulay pula at sa akin yung itim"sabi nito at pumasok na din ako sa loob ng binigay niyang tent.





Namangha ako ng makapasok ako dahil kung sa labas ay maliit ito tignan pero pag nandito kana sa loob ay malawak at may sariling banyo at kwarto dito.





Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now