CHAPTER 29

6.5K 331 28
                                    

BoysLoveStories||B.L.S

ASH POINT OF VIEW



Marahan ang pagbuga ko ng hangin habang nakatingin sa mga taong nakatayo ngayon sa aming harapan,Ang dami nila sa tingin ko ay dehado kami dito kung hindi kami mag-iingat kailangan namin maging ligtas lahat.At makauwi ng buhay.Halos kalahati din ng tauhan nina tito arys ay pumanig kina Rome ang iba naman ay sa tingi  ko ay nirikrut lang nila.Pinagma-masdan ko ang mga ito at tingin ko naman lahat sila ay may ibubuga pagdating sapakikipag laban.

"Kamusta Arys anak" boses ng isang lalaki,nang gagling iyon sa speaker sa bawat sulok nitong lumang pabrica.Sabay sabay naming inilibot ang aming paningin para hanapin ang tao na yon.

"Lumabas ka Rome ng matapos na tong kahibangan mo" madiin na sabe nito tito arys dito,bakas ang matinding galit sa boses nito.

"Mamaya pa Arys,wala pa sina Camia diba gusto niyo silang makita" natatawang sabe pa nito.Nagkukuyom ang kamao ko habang pinapakinggan ang boses nito Rome,Katulad lang din siya at nila Camia mga sabik sa yaman handang pumatay ng kapwa para makuha lang ang ninanais.

Pero hindi namin pwedeng hayaan yon.

Habang nakikipagtitigan ako sa mga bata ni tito Rome ay sya naman ang bukas ng malaking pinto dito sa lumang pabrica,Nasa kabilang side ang mga ito ng malaking pinto habang ang bumungad samin ay ang mga bata din nila Camia.

"Pasensya na at na huli kami,tapos na ba ang laban?" natatawang sabe ng isang babae,si Camia katabi nito ang kanyang asawa na si Dante. "Sa tingin ko naman ay hindi pa tapos kaya maaari pa kaming sumali" biglang seryoso nitong sabe.

"Ash" tawag sakin ng isang boses,mabilis akong bumaling kay Jason. "Ipangako mo sakin sis pagkatapos talaga ng gulo na to ay mabubuhay pa tayo" pang-iinganyo nito sakin,isang tango at isang ngiti ang sinagot ko dito.

Ito na ata ang pinaka biggest fight scene na gagawin namin sa tala ng aming buhay,Mabilis ang bawat tibok ng aking puso alam kong walang kasiguraduhan kung maymawa-wala ba sa amin o lahat ba kami ay mabubuhay kaya hindi ko maiwang kabahan hindi lang para saking sarili kundi para sa aming lahat na nandito ngayon.

Inihanda ko ang aking sarili ng magsimulang lumapit ang mga tauhan nila Camia pati narin ang mga tauhan ni rome.

"Lahat tayo magkakalaban dito hindi bat nakakatawa bawat grupo ay mayipinaglalaban" natatawang sabe ni Rome.

"Kaya lang sino kaya satin ang mag uuwi ng tagumpay" biglang seryoso nitong sabe,ilang beses akong napalunok nangmarinig ko ang masakit sa tengang pagfeedback ng mic sa speaker mula sa micropono na yon ay maririnig mo ang paghakbang ng tao.Hanggang sa tuluyan naming makita si Rome sa ikalawang palapag nitong Pabrica,kasama nito ang iba pa nyang bata at kanyang anak na si Lorcan ang ama ni Clein pero ang kanyang anak na si Clein ay wala,mabilis na napakunot ang nuo ko dito.

"Akala ko nagsisimula na kayo" natatawang ani pa ng isang boses galing ito sa aming likod kaya dali dali kaming napalingon dito.

"C-Clein" bulong ko sa pangalan nito katabi nito si Aliana habang ang mga tauhan nito ay nasa kanyang likod.

"Hi Mom,Hi Dad" tila isang anak lang si Aliana nung batiin nito ang kanyang mga magulang.

"buti na lang pala talaga at nakahabol kami" natatawang sabe pa ni Clein.

"Shall we begin" boses ni Tito Arys. " wala na bang inaantay" sabe pa nito.

"Mano mano ang magiging labanan ng malaman natin kung sino ba ang masmalakas" boses ni Rome,

" pano kami makakasiguro na walang baril at patalim na gagamitin"  biglang singit ko dito.dahilan para mapabaling sakin si Rome.

"Ow hi Ash hindi kita na pansin,hindi ko akalain na magmamana kadin sa papa mong si Lacuster" natatawang sabe nito sakin.

"Oo at hindi ko rin inaasahan na magiging katulad mo ang apo mo sugapa sa yaman" biglang sabe ni Papa dito,dahilan para mawala ang ngiti nito.

"Alam mo napakademonyo mo at nang anak mo wala kayong pinag-kaiba,minana talaga sayo ni Lorcan ang pagiging demonyo mong hayop ka" dugtong pa ni Papa dito.Muking sumilay ang ngisi kay Rome.

"ang dami mong sinasabe lacuster eh mamatay kadin naman mamaya" natatawang sabe ni Lorcan kay Papa,hindi ko mapigilang maslalong magkuyom ang kamao ko dito.

"don't worry Lacuster hindi kana mahihirapan at mga anak mo sa wala niyong kwentang buhay,i wiil finished this as soon as possible" hagalpak na tumawa si Rome.

"Tumawa ka lang ng tumawa Rome dahil mamaya lang ay maliligo kana sa sarili mong duga,magtatampisaw ang anak mong si Lorcan sa sarili niyang dugo" malamig na turan ni Tito arys dito,

"nagpa-patawa kaba Arys anak,sa tingin ko kailangan mo munang maubos ang mga tauhan ko at mapatay sina Camia bago mo magawa sakin yon" natatawa pa uling sabe ni Rome dito,Bahagyang ngumis si Tito Arys dito.

"wag ka maga-alala pwede ko naman kayong pagsabayin eh," parang isang demonyong sabe ni Tito Arys dito,bahagya itong nakangiti kay Rome,kita ko ang bahagyang paglunok ni Rome habang masama itong nakatingin kay Tito arys.

"magagawa mo bang patayin ang sarili mong ama Arys" nagma-makaawang pagkukunyare ni Lorcan dito. "kapatid mo ako Arys dapat magtulungan tayo" sabe pa ni Tito Lorcan kay Tito arys.

"kahit kailan hindi ko itinuring na isang ama ang isang demonyong katulad ng ama mo Lorcan" sabe ni tito arys dito "Tulungan mo ang ama mo Lorcan dahil mamaya lang magsa-sama na kayo sa impyerno,"

"Sandali nga lang nandito pa kami nila Camia baka gusto niyo kaming kausapin tungkol sa pagkamatay niyo mamaya" natatawang sabe ni Dante.

"mabuti pa ay magpaalam na kayo sa isa't isa" natatawa pang dugtong ni Camia dito.

"umasa ka pa Camia,kahit kailan hindi kayo magtatagum,nagbago lang ang muka niyo pero hindi ang idad niyo,Matanda na kayo ang dapat sa inyo ay nagpa-pahinga na dapat camia ay ipinagta-tahi mo na lang si Dante habang si Dante naman ay binabasahan ka ng Diyaryo" natatawang sabe ni Tito Lucien dito,kahit ako ay hindi ko mapigilang matawa sa sinabe nito,agad naman na wala ang ngite ni Camia dito.

"hayop ka" gigil na sabe ni Camia kay Tito Lucien.

"Mas hayop kang matanda ka" ang sabe ni Tito Arys dito.

"Tama sila Dad,Mom dapat naka upo na lang kayo at nagpa-pahinga ngayon,matatanda na kayo" Singit ni Aliana, "Hayaan niyo na samin ang mga ito kami na ang gagawa ng paraan para patayin sila o baka naman gusto niyo kayo muna ang mauna" natatawa pang sabe ni Aliana dito,Mabilis na bumaling si Camia kay Aliana.

"wala kang utang na loob pagkatapos ka namin ampunin at palakihin binihisan ka pa namin,wala kang utang na loob" hasik ni Camia dito.

"Mas wala kang utang na loob pagkatapos kong magsunod sunuran sa inyo,isipin mo na lang patas na tayo Camia" madiin na sabe ni Aliana dito

"Alam niyo kung meron man dapat magpaalam dito kayo yon ng mga grupo mo Camia,Rome,Clein" Biglang singit ni Jason, "Tandaan niyo kahit kailan walang patutunguhan ang pagiging sugapa niyo" dugtong pa nito.

"Masyado nang nagiging mahaba ang satsatan na ito,tapusin na natin to" malamig na sabe ni Tito Arys,nagsimula kaming maghanda ng ganon din ang mga bawat grupo.

"Tapusin na natin to" makakasabay na sabe namin bago magsimulang sumugod ang bawat grupo.

Sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na ang lahat at maibalik na sa Normal ang buhay namin,Nagsimula akong mapangisi ng makarinig ako ng maraming daing sa bawat grupo.










  - itutuloy-

❤💙💚💛💜

The Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now