CHAPTER 1

32.6K 847 63
                                    




PAGPASOK ko palang sa Mansion ay hindi ko mapigilang mapaawang ang aking bibig mula sa pagkamangha sa magagandang kagamitan dito sa loob, akala ko ang labas lang ng Mansion ang nakakamangha lalo na pala dito sa loob mula sa pinaka center ng Mansion ay may napakalaking chandelier na nakasabit, inilibot ko pa ang aking paningin sa kabuan ng Mansion hanggang sa mapatigil ako dahil sa mga larawan na nakasabit mula sa pader nitong Mansion.



"Pam, ayos ka lang ba?" Tanong ni Mang Bernard, kaya nawala ang tingin ko sa mga larawan at napabaling kay, Mang Bernard.



"O-opo ayos lang po ako hindi ko lang po mapigilang humanga sa mga nakikita ko, wala po kasing ganito sa probinsya " Sabe ko dito.

Ngumiti ito sa'kin saka bahagyang inilibot ang paningin sa kabuang Mansion.



"Ah..oo, napaka-yaman talaga ng Cortez lalo na nung tuluyang naging mag asawa si Sir Arys, at Sir Lucien"


Mula sa paglibot ng paningin nito sa mansion ay muli itong bumaling sakin " Alam kong masyado ka pang bata nung pumunta ka sa Mansion na ito pero kung mapapansin mo malaki din ang pinagbago nitong Mansion mula sa masayang Pamilya hanggang sa-..." Hindi na naituloy ni Mang Bernard ang kanyang sa sabihin ng biglang bumukas ang napaka-laking pinto mula sa aming tapat rinig ko pa ang paglangitngit ng pinto dahil sa pagbukas no'n.



Mabilis kaming natigilan at natahimik ni Mang Bernard dahil sa mga taong palabas mula sa napakalaking pinto na iyon.



"Mang Bernard!" Tawag ng isang na pakaamong nilalang kay, Mang Bernard.

Halos mapatitig ako sa muka nito dahil sa pagkamangha. Napaka kinis ng balat, wala kang maipipintas sa kanya. Kung susuruin mo talaga sya ay talagang pupuruin mo ang kanyang physical nakaanyuan.



"S-Sir Arys, magandang hapon po ppasensya na po at hapon na din kami nakauwi." Pahayag ni Mang Bernard tumango naman ang tinawag nitong Sir Arys at bumaling sakin.


Kaya agad akong napayukod at bumati dito.



"Magandang hapon, p-po" Medyo utal ko pang bati dito.



Kung titignan ang muka ni Sir Arys ay hindi mo ito mapagka-kamalang lalaki dahil sa pagiging Feminine o pagiging mukang babae nito, napaka puti at napaka kinis nya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napatitig sa mata nitong kakulay ng karagatan.



Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtitig din nito sa'kin diretso sa aking mata.



"Sir Arys, sya po pala ang anak ni Sel sya din po yung batang dinala niya dito." Sabe ni Mang Bernard, kaya agad na wala ang pagka-katitig nito sakin at ilang beses pang napakurap bago bumaling kay Mang Bernard.




"Ayos lang po ba kayo Sir Arys." Tanong ni Mang Bernard dito, agad naman itong tumango bilang sagot 'saka ngumiti.

The Demon's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon