Prologue

34K 919 31
                                    

Warning: I wrote this story 2020, I was 16 years old that time. And not really good to this one. If you find my story cringe and have a lot of grammatical error.  Ngayon palang sorry na agad. I'm not a good writer. Thanks.






Hindi ako maka-paniwala na ngayon ay muli akong aapak sa napakagandang Mansion na ito, Wala namang masyadong ipinagbago mula sa dati nitong ayos ganon padin. Nakaukit pa sa malaking gate ang kanilang apilyido.


Halos nakaka-mangha talaga ang Mansion na ito halata mo na napakayaman ng taong nakatira dito mula sa labas ng Mansion ay makikita mo ang mga nakaparadang mga mamahaling sa sakyan na ngayon ko lang din na kita.


Mula sa pagka-mangha ko sa aking nakikita ay mabilis akong napatigil ng makaramdam ako ng
kakaibang titig mula sa kung saang direksyon, mabilis kong inilibot ang aking paningin para hanapin kung saan ng gagaling ang kakaibang titig nayon.


Halos sunod-sunod na lunok ang aking ginawa habang nakatingin ngayon sa taong nakatayo ngayon sa Beranda ng Mansion, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nang tingin na ipinupukol nito sakin dahil sa wala kang mababakas na ano mang imusyon mula sa tao nayon. Mabilis din akong napahawak sa aking dibdib dahil sa biglaang paghi-girumintado nito.


"L-Lei." Halos walang boses na bigkas ko sa pangalan nito.



Nanatili ang tingin niya sa'kin, napalunok ako at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kanya.

The Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now