Autograph

44 4 0
                                    

I'll engrave your name in my heart and I'll keep it forever.

------

Roses, chocolates, teddy bears, love letters. Senyales na dumating na nga ang Love Month sa buong campus grounds. Mula sa 'di-kalayuan ay natatanaw ko ang dalawang pares ng mag-irog na nagde-date sa Lovers booth ng campus.

Itinuon ko ang atensyon ko sa ibang direksyon at at agad na napadapo ang mga mata ko sa isang lalaking nakasuot din ng school uniform hawak ang bungkos ng mapupulang rosas. Tinatahak niya ang daan palapit sa akin at bahagya pang napaawang ang labi ko nang wala sa oras at agad din iyong itinikom.

"For you." Nakita kong ibinigay niya ang bungkos ng mga bulaklak sa babaeng nasa harapan ko na abala sa pagtipa sa cellphone niya, waring hindi alintana ang guest speaker na nagsasalita sa harapan.

Napaismid nalang ako. Halos lahat ay parang sapatos na dapat ay may kapareha. Samantalang ako ay parang sipilyo na dapat pang-isahan lang, for personal use lang.

Okay na ako.

Iyon ang pilit kong sinusuksok mula sa pinakadulong bahagi ng aking utak. Pero batid kong hindi, hindi maatim ng memorya ko ang mismong araw na ito.

Ang araw kung kailan hindi ako sinipot ng boyfriend ko sa pesteng anniversary namin, correction, EX-BOYFRIEND.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na iyon. Halos magka-eyebags na nga ako kinabukasan dahil sa sobrang excitement dahil sa kakaisip buong magdamag kung ano ang surprise niya sa akin. Ni hindi na rin ako nagbreakfast at kumain nalang ako ng Sky flakes noong lunch para lang magkasya ang dress na susuotin ko na binili ko pa sa Divisoria. Ang hirap kaya noon! Nag-effort pa akong gumising ng maaga at unahan ang pagtilaok ng manok ng kapit-bahay namin makapag-jogging lang! Hayts. Sobrang saya ko noong araw na iyon na natiis kong maglakad ng ilang kilometro nang naka-stiletto heel kahit pa namamaga na ang mga paa ko matakasan lang ang traffic at masipot siya on time.

Pero lahat nang iyon ay nauwi sa wala dahil hindi ako sinipot ng walanghiya kong boyfriend. EX-BOYFRIEND I mean.

Naghintay ako dahil akala ko mahuhuli lang siya saglit pero pinagpiyestahan na lang ako ng lamok sa dinner date namin ay hindi pa rin siya dumating. Huhuhu. Walang boyfriend na dumating. Tanging ang waiter lang na kaharap ko sa mesa na naghihintay kung ano ang oorderin ko.

Naghihimutok talaga ang kalooban ko nang lisanin ko ang restaurant na iyon na tanging tubig lang ang nainom. Imagine?

 Ang dami ko kayang tiniis para lang sa pesteng anniversary na iyon! Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan at magmula noong gabing iyon ay hindi ko na nasilayan ang anino ng kabute kong EX-boyfriend na hindi ko na alam kong saang lupalop naroroon.

Hay! Bahala nga siya kung saang lungga siya magtago. Wala na akong pakialam sa kanya magmula noong araw na nilisan niya ako. Tss. At correction, HINDI AKO BITTER! Ampalaya lang ang pumapait. Wala sa vocabulary ko ang pagiging bitter.

"Okay! To make this program more refreshing, we have prepared a simple game for you guys." Masiglang saad ng Emcee.

AutographWhere stories live. Discover now