Beautiful Faith

3 0 0
                                    

"One of the hardest parts of being an offspring is to be an eldest one, especially when you came from a large yet..."

Mataman lang na nakikinig si Fatima kay Mrs. Moreno, ang guro nila sa Values Education na binabasa ang isa sa parte ng nakita nitong sanaysay mula sa isang libro. Hindi pa natatapos nito ang binabasa ay binalingan na siya nito. Blangko ang ekspresiyon ng mga mata ni Fatima habang may nakauunawa namang tingin si Mrs. Moreno. Gayunman, hindi nagbaba ng tingin si Fatima at diretsa pa ring tinitigan ang guro.

"Bukod sa ating mga magulang at pati sa mga guro, may mga tao rin na siyang tumatayong pangalawa nating nanay at tatay, at iyon ay ang mga ate natin," hindi inaalis ang tinging paliwanag ni Mrs. Moreno, isang bagay na hindi gusto ni Fatima. "Sino ba dito ang may ate?" kapagkuwan ay tanong ni Mrs. Moreno bago inalis ang tingin sa kaniya.

May mangilan-ngilang nagtaas ng kamay pero hindi si Fatima. Bakit siya magtataas ng kamay eh wala naman siyang ate?

"Marami akong ate kaya marami ring bumibili ng damit para sa'kin," proud at nakangiting kwento ni Rosa, isa sa kamag-aaral niya.

"Katulong naman nina mama at papa sa pagtatrabaho si ate," kwento naman ng isa pa.

"Marami palaging uwing magaganda at bagong damit si ate sa t'wing umuuwi siya galing ibang bansa kaya naman tuwang-tuwa ako sa kaniya," pahabol pa ng isa sa kaklase niya.

Humalumbaba si Fatima habang patuloy na pinakikinggan ang mga kaklase niya. Para sa kaniya, normal lang ang lahat ng mga bagay na naririnig niya. Ano pa nga bang gawain ng isang ate kundi ang gawin kung anong ginagawa ng mga magulang nila? May pagpipilian ba sila?

"Marami rin pa lang may ate rito," simula ni Mrs. Moreno nang tila humupa ang kaniya-kaniyang komento ng bawat mag-aaral. Pinagdaop nito ang dalawang palad at malapad ang ngiting tumingin sa kanila. "Kung kayo ay may mga ate, sino naman dito ang ate sa kanila?"

Nagusot ang mukha niya sa tanong ng guro. Grade ten na sila at para sa kaniya ay hindi na mahalaga kung anong katatayuan mo sa isang pamilya. Ang gusto niya lang ay matapos ang klase at matigil ang kakaibang kislap ng awa sa mga mata ng guro habang nakatingin sa kaniya.

Mas kokonti ang nagtaas ng kamay sa mga kaklase niya habang nanatili lang siyang nakahalumbaba.

"Hoy! Iyong ate daw sa kanila!" siko sa kaniya ng kaibigang si Maya.

Sinulyapan niya ito at iningusan ito. "E, ano naman?" mataray niyang tanong.

Magsasalita sana si Maya pero mabilis itong umayos ng upo. At hindi na niya kailangang itanong pa kung bakit. Sumandal siya at humarap sa unahan at hindi siya nagkamali ng sapantaha, nasa harap na niya ang guro, nakatingin sa kaniya.

"Fatima, can you share some tips to your classmates how it is to be a good ate?" Mrs. Moreno asked as she beamed at her.

Labag sa loob na tumayo si Fatima ngunit wala naman siyang pagpipilian. Wala rin naman siyang balak bastusin ang guro niya. Ipinaskil niya ang ngiting kadalasang ipinapakita niya sa lahat sa kabila ng katotohanang kabaligtaran noon ang nararamdaman niya.

"For me, to be a good ate, you don't have to be as perfect as anyone could be. You could be a good sister just by simply loving your siblings and your parents. If you have the love, affection, and the will to provide for them, straighten them, and help them, everything will come naturally..."

Hindi pa natapos roon ang tanong ni Mrs. Moreno sa kaniya at gaya noong una ay may ngiting sumagot siya. Ngiting simula ata nang mamulat siya sa realidad ng buhay ay nakasanayan na niyang ipaskil sa mga labi.

*****

"Hindi ka ba sasama, Fatima? Mura pa naman ang milk tea doon dahil kabubukas pa lang ng shop," pangungulit ni Maya sa kaniya habang nagpapatas sila ng upuan.

Beautiful ShotsWhere stories live. Discover now