Beautiful Creatures

2 0 0
                                    


Back then, when I was a child, most of the time, when I first read the words ‘Beautiful Creatures’ the first thing that comes into my mind were creatures like nymphs, dwarves, giants and the likes. Or maybe those young, beautiful princesses in long, vivid, colorful gowns, or it may some grotesque creatures that we rarely see, but have a fantastic kind heart.

Different stories filled my head, filling it of different kinds of images, creating different kinds of creatures. But then, while I’m growing up, I learned what are those beautiful creatures really are.

You wanna know what are those beautiful creatures are?

*****

“Pearl, anak, mauna na ako sa’yo ha at dadaan pa ako kay Aling Tisay para kunin ang mga lalabhan mamaya,” dinig kong malakas na wika ni inay mula sa labas ng kwarto ko.

Binilisan ko ang pagbibihis at kahit hindi pa nakakasuklay nang maayos ay lumabas na ako ng maliit kong kwarto.

“Sasabay na po ako, inay.” Nagmamadali akong humabol kay inay na palabas ng maliit at gigiray-giray naming bahay.

Dalawa na lang kami ni inay sa magkasama sa buhay at tulad ng mga normal na kwento, iniwan daw kami ni itay noong bata pa lang ako dahil hindi niya kayang panagutan si inay at hindi niya kayang akuin ang responsibilidad ng pagiging ama ko. Ngunit, hindi kagaya ng ibang kwento, wala lang sa’kin kung ganoon ang ginawa niya. Masaya ako na kasama si inay at masaya siya na kasama ako. Mahirap man ang buhay ang mahalaga lang sa’min ay ang magkasama kami.

“Maaga pa ah,” puna ni inay.

Alas-singko y’ media pa lang nang umaga pero handa na ako para pumasok.

“May mga gagawin po kasi ako,” nakangiting wika ko kay inay habang sabay kaming naglalakad sa unti-unti nang lumiliwanag na daan.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa pagod na mukha ni inay. Bata pa siya kung tutuusin pero dahil sa hirap ng buhay at sa pagnanais niyang mabigyan ako ng magandang kinabukasan ay nagkakandakuba siya sa pagtatrabaho. Sa umaga’y nagtatrabaho siya sa palengke bilang tindera, sa hapon ay naglalababada at kapag araw naman nang Sabado ay namamalantsa siya para lang kumita. Dalawang taon na lang at nasa kolehiyo na ako at iyon ang labis pinaghahandaan ni inay.

“Alam kong kaya maaga ka na namang papasok ay dahil marami kang tanggap na gawa kahapon,” masuyo at puno nang pagmamahal na ani inay sa’kin.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at iniangkla ko ang braso ko sa maliit at payat niya ng braso.

“Pearl, gusto kong ituon mo na lang ang pansin mo sa pag-aaral at hayaan mo na lang akong magtrabaho. Kaya na ni inay ang lahat, ‘wag ka nang tumanggap pa ng mga paggawa mula sa mga kaklase mo,” hindi pa ring nagbabago ang tinig na ani inay.

“Sayang naman po ang kikitain ko tsaka okay lang naman po, at least, nahahasa pa ako lalo sa mga assignment at projects nilang ginagawa ko.”

Elementary pa lang ako’y ginagawa ko na iyon, ako ang gagawa ng mga assignment at projects nila kapalit ng tamang halaga. Noong una, sinasabi ni inay na tinuturuan ko lang daw ang mga kaklase kong maging tamad pero ipinaliwanag kong marami rin naman sa kanila ay kumukuha ng tutor.

“Hayan na ang bahay ni Aling Tisay,” turo ni inay sa isang kulay krema na bahay na bato. Parang ice cream na keso ang bahay sa malayo kapag tinitigan dahil sa kulay nito.

“Sige po, inay. Mag-iingat kayo palagi.”

“Ikaw rin, Pearl. Mahal ka ni inay.”

Pagkatapos kong magmano at bigyan siya nang yakap ay mabilis na akong naglakad papunta sa school. Kinse minutos ding lakarin bago ako nakarating sa pampublikong paaralan na pinapasukan ko, at dahil 6:40 pa naman ang simula ng klase naming mga junior high ay dinala ko muna sa kaniya-kaniyang classroom ang mga paggawang assignment at project.

Beautiful ShotsWhere stories live. Discover now