Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Ano po 'yon?"

Huminga siya ng malalim. "Kasi po 'yong sa Doctors Fee, nagulat lang po kami dahil ang baba ng nakalagay na presyo."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Okay lang po 'yon. 'Wag niyo na ho problemahin ang bagay na 'yon."

"Tsk, yabang," hindi ko na pinansin ang side comment ng anak ni Aling Minda at nanatiling nakatingin sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko. "Pero doctora..."

Umupo ako sa tabi niya. "Aling Minda, okay lang po 'yon basta po huwag na kayong babalik dito ha?" nakangiti kong sabi.

"Aba't, sobra ka naman yata doctor?" nagulat ako ng galit na lumapit sa amin ang anak ni Aling Minda.

Napatayo ako dahil sa ginawa niya. "Bakit?" naguguluhang sabi ko.

Ngumisi siya. "Hindi porket mahirap lang kami puwede mo na kaming sabihan ng ganiyan. 'Wag babalik?" sarcastic siyang natawa. "Bakit sa'yo ba ang hospital na 'to ha doctora?" tinulak niya ako sa may balikat.

"Cali ano ba!" suway ni Aling Minda sa anak.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng ulo sa akin ng anak ni Aling Minda. Sa tuwing bibisitahin ko ang nanay niya ay madalas siyang mag sungit. Naguguluhan ako sa binatilyo na 'to.

Napahawi ako ng buhok at hinarap siya. Napipikon na ako sa ugali niya. "Bakit ano ba ang masama sa sinabi ko ha?"

Tumawa siya. "Nagtatanong ka pa talaga?"

Napailing ako. "Bakit? Ano ang masama sa sinabi ko na huwag na siyang babalik rito? Bilang doctor ganoon ang sasabihin ko sa pasyente ko. Ayoko siyang bumalik dahil inaasahan ko na magiging healthy na ang katawan niya, na hindi niya na kailangan ng doctor sa araw-araw dahil sa sakit niya!" tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Gusto mo pa bang bumalik ang nanay mo dito?"

Natigilan siya at nag iwas ng tingin. 'Yan ang hirap sa kabataan laging init ng ulo at bunganga ang pinapairal. Hindi ko na siya pinansin at nilingon si Aling Minda.

Tipid siyang ngumiti. "Pasensiya ka na sa anak ko doctora," nilingon niya ang anak "Cali! maupo ka nga roon!" mahina ngunit may inis na sabi niya sa anak.

Tumikhim ako at ngumiti. "Ayos lang ho 'yon. Sige at mauuna na po ako madami pa akong pasyente," tumango akong muli at saka umalis.

Inubos ko ang oras ko sa araw na 'to sa pagchecheck sa mga pasyente ko. Nagbilin na din ako kay Doc Gaia, siya ang papalit sa akin habang wala ako.
Nang makabalik sa office ay hinubad ko ang coat ko at naupo sa sofa. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko dahil kailangan kong umuwi ngayon sa bahay, mag tatanong-tanong pa ako kay Mommy about sa probinsya na sinasabi niya.

Ilang minuto din akong nagpahinga sa office, nang makitang hapon na ay nag ayos ako ng sarili para makauwi. Inilock ko ang office ko at saka naglakad sa hallway ng hospital. Binati ako ng mga nurse na nakakasalubong, pati na rin ang mga grupo ng nurse na nakita ko noon, napatingin ako sa roses na hawak at inamoy 'yon. Nakakatuwa naman ang nurse na nag bigay non kaya naman todo tukso ang mga kaibigan niya sa amin.

Natigilan ako ng madaan sa dating office ni Smut na ngayon ay si Vio na ang gumagamit, tumigil ako at sumilip sa may pinto dahil medyo nakabukas ang kurtina non. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi siya makita sa loob.

"Boo!"

Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Nakahawak ako sa dibdib na lumingon dito.

"Ano o sinong tinitignan mo diyan ha doctora?" nanunuksong tanong ni Doc Bria.

Bumuga ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin. "Gaga ka, nagulat ako sa'yo!"

Damn Good Friends (Hide Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora