TOH Chapter 40: Who's who?

Start from the beginning
                                    

"Ah yun ba? Ano kase, yung tungkol sa accuma ko.. hmmm pwede na pala siyang pag-usapan, actually kanina pa dapat pagkasimula na pagkasimula natin kase,,," putol kong wika dahil nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko na ba talaga o hindi.

"Kase? Teka! What do you mean na dapat pagkasimula na pagkasimula pa lang natin?" naguguluhang tanong ni Terrence.

"Ah...eh ano kase.....ang totoo niyan eh....wala talagang nagmamanman sa'tin rito sa loob da-dahil we're trapped here inside the forest," may kaba kong pagpapahayag sakanila.

"Eh di ba may mga flappy birds naman dito ah at yun ang nagsisilbing camera rito?" tanong pa ni Faith.

"Hindi sila kontrolado ng Academy Faith. Nakulong tayo sa isang kulang lilang dome at walang sinuman ang maaaring makapasok rito sa loob," diretsong sagot ko naman.

"Paano mo naman nalaman ang lahat ng 'yan?" may himig ng inis ni Cynthia.

"Sa isang kaibigan, na hindi pa ang takdang oras para makilala niyo siya," natataranta kong sagot.

"You-you're just joking Ash, right?" may takot na tanong ni Terrence.

Napansin kong napatigil na pala ang lahat sa paglalakad dahil sa'king sinasabi.

"Sana nga nagbibiro lang ako Terrence pero hindi eh," malungkot kong tugon rito.

"PERO BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!!!" sigaw ni Gary na sobrang nagpagulat sa'kin.

Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng boses at halos manghina ako sa tinging ipinupukol nito sa'kin. Nakikita ko sakaniya ang mga tingin sa'kin ni Papa bago saktan physically, at ang pagsigaw niya ang nagdala muli sa'kin sa ala-alang ayaw ko ng maalala kahit kailan.

Namalayan ko na lamang na umiiyak na pala ako kung kaya't agad akong napatungo.

"Pa-pasenya na ku-kung ngayon ko lang sinabi. Gu-gusto ko kaseng makuha niyo na muna ang inyong mga accuma para magawan natin ng paraan sa huli. So-Sorry!" wika ko at hindi ko napigilang mapaiyak habang nagpapaliwanag.

Naramdaman ko naman ang paghimas ng hindi ko mabilang na kamay sa'king likuran upang damayan ako.

"Hindi mo na dapat siya sinigawan Gary. Sana hinintay mo na lang muna siyang magpaliwanag bago ka magreact. Akala ko mas kilala mo na siya dahil mas nauna kayong nagkakilala pero mukhang nagkamali ako," rinig kong sabi ni Cynthia kay Gary.

"Shhh! Tahan na frenny! Nabigla lang ang kapreng 'yon! Hindi niya 'yon sinasadya!" pagpapatahan naman sa'kin ni Eon. Itinaas ko ang aking paningin, habang pinupunasan ng aking kamao ang aking basang mata.

Nakangiti sa'kin si Eon, kaya natigil na rin ako sa pag-iyak.

Habang inaayos ko ang aking sarili ay, narinig ko ang boses ni Gary sa'king harapan kung kaya't agad akong napaharap sakaniya.

"Ahmm. Ash,.... sorry kung nasigawan ki-kita, tama si Eon, nabigla lang ako," kamot-batok at nahihiyang nakatulong wika niya sa'kin.

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Gary. Akala ko'y galit talaga siya sa'kin.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na nangingibabaw sa'kin kung kaya't mabilis pa sa hangin ko siyang niyakap ng mahigpit at muli ay napaiyak akong muli.

Alam kong nagulat siya pero ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pag-alo na niya sa'kin, sa pamamagitan ng paghimas sa'king ulo at likod.

"Shhhh! Tahan na bunso! Pagpasensyahan mo na si Kuya, okay? Sorry talaga kung napaiyak kita," rinig kong sabi niya.

Kunot-noo naman akong napatingin sakaniya dahil sa tinuran nito.

"Ayaw mo ba? Hehehe! Sige, Ash na lang. Sorry Ash!" nahihiyang wika niya ulit.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now