TOH Chapter 2: Behind the Walls

1.4K 112 17
                                    


✨Keith Ash POV

🧝


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa mahimbing na tulog. Napagtanto kong nakahiga pala ako sa isang malambot na kama. Teka? Ang aking higaan ay hindi ganito kalambot at ang aking silid ay hindi rin ganito kagara. Bakit ako nandito? Kung ganoon baka nakatulog ako sa kama ng parents ko. Hala, lagot. Mapapatay nila ako nito. Kailangan ko ng bumangon.

Naupo ako at ginusot ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng buong silid. Kung sino man ang nagmamay-ari ng silid na ito ay paniguradong hilig niya ang kulay itim at pula. Obvious naman kase sa kulay ng kwarto niya. Tsaka ko lang napagtanto na hindi ito ang kwarto ng parents ko. Nasaan ako? Hindi pamilyar ang kwadradong kwartong ito sakin. Mas higit na mas maganda ito kaysa sa totoong kwarto ko.

Bigla kong naalala ang isang kotse kung saan ako nakasakay at ang sleeping pills na ipinainom sakin ni Noel. Teka, nasaan si Noel? Inilibot ko ang aking paningin pero wala siya rito sa silid.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahang tumungo sa bintanang natatakpan ng bloody red na kurtina. Hindi pa rin kase totally healed ang physical body ko. Nakakaramdam pa rin ako ng konting pananakit.

May napansin lang ako na parang mabigat sa may bandang sikmura at likuran ko. Hinubad ko ang polo shirt na suot ko. Nadiskubre ko na may gumamot pala sa mga sugat ko at pinalibutan lang nila ito ng puting tela para hindi mainpeksyon. Nasa school na siguro ako kung saan ako mag-aaral.

Binuksan ko ang kurtinang nakatabon sa bintana at bumungad sa akin si Haring Araw kung kaya't napatakip ako sa aking mukha dahil sa pagkasilaw. Mula sa bintana, I saw a large square courtyard na napalilibutan ng mga buildings. Napliligiran ito ng mga kulay luntiang damo at nagtataasang mga puno. tapos yung mga buildings ay mukhang luma na at antigo.

Wala akong nakikitang tao kahit isa. Hindi ko naman sila masisisi dahil madaling araw pa lang naman. Sa aking pagmamasid ay nakaagaw-pansin saking mga mata ang isang napakalaking oak tree sa gitna ng eskuwelahan. Para bang it was built with a purpose. Hindi ko lang alam kung ano yun.

Kung titingnan, mukha na itong matanda ngunit napakaganda pa rin. May mahahaba itong mga sanga at berdeng mga dahon. Nais ko itong makita ng malapitan.

Narealize ko na magulo pala ang buhok ko kaya humanap ako ng suklay para mag-ayos. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang isang suklay na nakapatong sa isang mesa. Katabi nito ay ang aking suitcase. Pagkatapos kung mag-ayos ng buhok, binuksan ko ang aking suitcase. Hindi na ako nagexpect na mag-lalagay ang parents ko ng something expensive dito. I was right. Ang nakalagay lang sa loob ay mga gamit na kailangan lang talaga dito sa school. Mayroong toiletries, bed sheets, at ang aking libro. Niyakap ko ang libro na tila ba isa itong anghel na ginagabayan ako na nagmula sa kalangitan. Nais ko sanang basahin ulit ito ngunit gusto ko munang magexplore dito. Minsan lang naman mangyari to sa buong buhay ko.

Inayos ko ang aking sarili pagkatapos ay tumungo na papalabas ng pinto ng aking silid. Nasa pinakangdulo pala ang silid na mapunta saken. Namangha ako sa pintuang mayroon ang silid na ito kase kulay abo ito.

May mahabang corridor ang building na ito. Pagkasarado ko ng pinto, nag-isip muna ako kung saang way ako tutungo. Pinili kong lakarin ang kanang bahagi. Tahimik lamang ang aking ginagawa upang hindi makagawa ng ingay. Habang nag-lalakad ako, nakikita ko ang mga wooden doors sa bawat sides at feeling ko bedroom din yun kagaya nung sakin kanina kaya hindi ko ito binuksan. May mga makukulay rin na paintings at mga litrato ng mga hindi ko kilalang tao.

Nakaabot na ako sa dulo ng corridor and I found out na nasa 2nd floor pala ang kwarto ko. Nakita ko kase ang isang spiral stairs pababa. Tulad kanina, tahimik kong binaybay ang hagdan habang nakahawak sa handrail nito. Nakarating na ako sa pinakangbaba ng hagdan ngunit hindi pa pala dun nagtatapos ang lahat dahil may tatlong passages na nakaharap sakin.

The Omnikinetic HeirDove le storie prendono vita. Scoprilo ora