TOH Chapter 23: Where's Faith?

619 52 3
                                    


Faith's POV✨

🎤🎶

"Nalibang ka ba sa iyong napanood dalaga?" kalmado ngunit may tuwa sa bigkas ng tinig mula sa aking likuran.

I don't know kung nang-aasar lang ba'tong si Diwata o may pagkachildish lang talaga siya! Kase kung sagot ko lang naman ang hinihintay niyang lumabas sa'king bibig, ano bang gusto niya marinig? Na masaya ako dahil nakikita ko ang mga kaibigan kong nasa hindi magandang sitwasyon?! Pwes, she's wrong beacause I'm starting to get angry to her. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan nina Ash, Eon, Cynthia at Celestina sa babaeng ito dahil pati sila ay isinama sa parusang ginawa niya.

Bakit pa kase ako naglagay ng orange ribbon sa punong ito which happened to be her lair, eh di sana hindi ko napanood ang gusto niyang panoorin ko para hindi ako exception at kung anong nangyayari sakanila, mangyayari din sa'kin para fair and square. Kainis! Nagiguilty tuloy ako!

To answer all the questions, nasaan ba ako ngayon? Remember the big tree kanina? Nandito kami ngayon ni Diwata sa loob ng punong iyon dahil iyon daw ang lair niya. Sino naman si Diwata? Siya iyong babae na nagparusa sa tatlong hotties na kasama namin at the same time ay naglagay sa iba ko pang friends sa iba't-ibang places. Bakit ako nasa lair niya? Dahil sinadya niya akong dalhin pagkatapos mawala ng green mist. Paanong ako lang ang kinuha niya at kinakusap ng feeling close?

Then, here's the flasback. Tingin sa taas dali!

•Flashback•

Here I am sa kanina ko pang pwesto, hinihintay ang pagkawala ng green mist tulad ng sinabi ng babae kanina lang.

Honestly, sobrang natatakot na ako sa mga nangyayari ngayon dahil first of all, I'm not yet prepared into this kind of adventure. What I did earlier in the bunny and the many times of being calm and jolly na ipinapakita ko sa harap ni Ash at ng iba ko pang kasama was just fake, all fake!! Hindi totoo lahat ng iyon dahil all this time, I'm still scared and afraid of this new
environment!

Pinipilit ko lang maging matapang at masiyahin sa harapan nila dahil nakikita ko ang eagerness at determination sa mga mukha nila na matapos ang pagsubok na'to.

Sumama lang naman ako dahil nahihiya ako kay Ash tumanggi dahil siya ang naging dahilan upang matupad ko ang aking pangarap. Siya ang rason sa kung paano ako napabilang sa Luna Granted na siya namang pangarap ko at ng aking mga magulang since my Day 1 ko rito sa Skylar Academy, kaya I don't want to disappoint him for giving me and trusting me this power. Other time ko na lang ikukuwento ang mga reasons ko why I want to be in a Luna Granted Class.

So back to the topic. Takot na takot talaga akong naghihintay mawala ang green mist dahil baka kung saan-saan ako dalhin ng babeng iyon. Sabi niya kase, sa oras na mawala ang mist ay mapupunta kaming lahat sa iba't-ibang lugar except sa tatlong magsasalba sa'min sa pamamagitan ng pagsagot ng kaniyang bugtong. Idagdag pa na paghihiwa-hiwalayin niya kami. Paano na ako nito?!!!!!!!!

Pinikit ko ang aking mga mata at niyakap ko na lang ang aking sarili nang sa ganun ay hindi ako magulat sa sasalubong sa'kin. Wala pa namang nakakaalam sa tinatakbo ng utak ng amazonang babaeng to!

Ilang saglit pa, habang nanatiling nakapikit pa rin ang aking mga mata, isang hindi inaasahang nilalang ang nagsalita mula sa aking likuran gamit ang napakakalmado at relaxing nitong boses na nagpawala ng takot, pag-aalala at kabang nararamdaman ko kanina.

"Maaari mo ng idilat ang iyong mga mata binibini," sabi nito.

Tila nahipnotismo naman ako ng kaniyang boses kung kaya't walang pag-aalinlangan kong iminulat ang aking mga mata.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now