TOH Chapter 28: Cursed Flower

511 47 1
                                    


✨Terrence a POV✨

⛑️

Nakarating na kami sa pwesto kung saan may nakita raw si Pareng Gary na nakakuha ng atensyon niya.

Hindi ko pa ito makita dahil natatabunan ito ni Gary pero nang kumilos siya paupo, ay malaya ko na itong nasilayan.

At first, nagandahan rin ako like his reaction pero nang matagal-tagal ko na'tong titigan, ay biglang may pumasok sa isip ko na related sa bulaklak na nasa harap namin ngayon.

Isang imahe ng bulaklak na may parehong itsura at kulay. Nakita ko na ito dati, hindi ko lang maalala, pero bakit imbes na matuwa ay bakit may kaba at takot akong nararamdaman sa imaheng iyon?!

Habang iniisip kong maigi kung kailan at saan ako nakakita ng katulad nito ay, biglang humarap sa'kin si Gary na may pagtataka. Siguro naguluhan siya  expression ko ngayon.

Mabilis din naman itong tumingin muli sa bulaklak habang ako naman ay nagiging Detective Conan na naman. Una kong naisip na balikan ang past ko, baka kase may may maalala akong makakasagot sa mga katanungang nabubuo sa'king isipan habang hindi ko pa rin inaalis ang paningin kay Gary.

Maya-maya pa ay, napansin ko ang paglapit pa nito sa bulaklak. Akmang hahawakan niya ang ito nang pigilan ko siya.

Nagtaka pa nga siya sa'king sinabi ngunit muli niya namang binalik ang kaniyang kamay sakaniyang tagiliran kahit na napipilitan.

Mas lalo naman itong nainis nang sabihin kong bigyan ako ng limang minuto para matandaan kung ano ang bulaklak na nasa harapan namin.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil agad din naman akong tumalikod.

Isang ala-ala ng kabataan ang nangingibabaw sa aking isip. Ala-alang hinding-hindi ko makakalimutan dahil doon naasukat ang pagiging kuya ko sa aking nakakabatang kapatid.

•Flashback•

"Kuya, kuya!! Tara na kase sa garden! Hindi naman nagre-rain sa labas eh!" pagpupumilit sa'kin ng nakakabata kong kapatid na si Abegail.

Tandang-tanda ko pa ang senaryo ng araw na iyon.

Nakadapa ako sa couch ng aming sala habang nagbabasa ng medication books, ngunit may isang nilalang na nakasakay sa aking likuran at ginagawa akong tila kabayo habang nagpupumilit na samahan siya sa aming family garden.

"Hindi nga kase pwede bunso kase wala ngayon sina Mama at Papa, baka may mangyari sa'tin doon, eh wala pa naman tayong experience sa pagiging healer natin bunso," mahinahong sabi ko rito sabay balik sa pagbabasa.

Nakatanggap naman ako ng pag-aalog-alog sa aking likuran at balikat habang may sinasabi siya kung kaya't napatingin ako sakaniya. Nararamdaman ko na nga ang pananakit ng aking likuran pero ininda ko pa rin ito.

"Eeeehhh Kuya Terrence naman eh! Promise magbebehave ako atsaka, I will hold your hand para mamake sure mo na hindi ako mahihiwalay sa'yo! Promise!  Pretty Pleaseeeeeeeeeeeeee!" pagmamakaawa pa nito sa'kin sa pamamagitan ng pagbeautiful-eyes at pagpout na hindi ko kailanman nahindian sa tuwing humingi ito ng favor sakin. Ang cute kasi ng batang to'! Arghhhh!

Tinitigan ko pa nga siya ng ilang segundo upang ipahiwatig na ayoko pero nakakasuko ang itsura ng bunso kong iyon dahil patuloy pa rin siyang nagpapaawa gamit ang mukhang binanggit ko!

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now