TOH Chapter 40: Who's who?

Start from the beginning
                                    

"Ah oo nga pala. Sorry na nawili kami sa telenovala niyong dalawa eh. Hehehehe," kamot-batok na wika ni Erick sabay tawa ng pang-awkward. "By the way, tingnan niyo na lang ang nasa harapan namin para malaman niyo," dugtong pa nito sabay tagiligid nito, pati na rin ang dalawang lalaki.

Agad din naman naming tiningnan ang tinutukoy ng tatlo.

Sa lahat ng nakakita, ay ako lang ang masayang nakangiti dahil napakapamilyar ng bagay na ngayo'y nasa aming harapan.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan frenny?" rinig kong tanong sa'kin ni Eon kaya napatingin ako sakaniya, actually sakanilang lahat dahil lahat ng mata nila'y nakatuon sa'kin.

"Masaya lang ako Eon," nakangiting tugon ko sakaniya.

"Masaya? Eh nakita mo lang ang mga kulay lila na bolang liwanag na'to sa harapan natin, ay ngumiti ka na. Sana all may happy pill! Hahahah!" pagbibiro naman ni Faith na ikinangisi at ikinangiti ng mga kasama ko.

"Masaya talaga ako dahil sa mga bolang liwanag na iyan Faith dahil tanda niyan na malapit na tayo sa sentro ng kagubatan!" may galak kong wika sakanila.

Kumunot ang kanilang mga noo na tila hindi naniniwala sa'king sinabi.

"Paano mo naman nasabi Ash? Nakita mo na ba noon ang bagay na iyan?" wika ni Cynthia sabay turo sa bolang liwanag.

"Oo Cynthia! Noong nakuha ko ang aking accuma!" walang preno kong sagot sakanila na mas lalong nagpakunot ng mga noo nila.

"Naki- Wait! Frenny bakit mo sinasabi ngayon yan! Di ba sabi mo prohibited pag-usapan yan dahil may madlang pips tayo sa tabi-tabi?" gulat na turan sa'kin ni Eon.

Hala! Bakit ko ba sinabi 'yon? Sasabihin ko na ba sakanila ang totoong kalagayan namin rito sa loob? Arghhh! Kahit kailan talaga, padalos-dalos ka sa mga sinasabi mo Keith, yan tuloy!

"Ahmm, may sasabihin pala ako sainyo about diyan pero bago 'yon ay uunahin ko munang ipaliwanag ang bagay na nasa ating harapan," panimula kong wika. "Ang bagay na 'yan ay tinatawag na accuma's sphere kung saa'y nagsisilbi itong gabay patungo sa kinalalagyan ng mga accuma," dugtong ko pang wika.

"Kung totoo yang sinasabi mo Ash, paanong magiging gabay to eh iisa lang naman 'to?" nagtatakang tanong ni Gary.

Imbes na sumagot ay tinungo ko nang mas malapitan ang bolang liwanag, pagkatapos ay hinawakan ito

Tulad ng dati'y naglaho ito, at muling lumitaw kaso nga lamang ay hindi kalayuan mula sa pwesto ko.

Lumingong muli ako sa'king mga kasama upang magpaliwanag.

"Sa tuwing hahawakan ang accuma's sphere ay maglalaho ito at lilitaw din naman hindi kalayuan sa naunang nahawakang accuma's sphere, tanda na sundan ito upang marating ang kinalalagyan ng mga accuma," nakangiting paliwanag ko sakanila.

"Kung ganun naman pala, ano pang hinihintay natin? Tara na!!" masiglang wika ni Terrence na ikinatawa namin.

At iyon ang simula ng aming muling paglalakbay na may kasiguraduhan.

I think nakakasampung accuma's sphere na ata kami nang biglang magtanong si Erick sa'kin ng hindi man lang ako nililingon.

"Ash, hindi ba't may sasabihin ka pa? Yung tungkol sa accuma mo?" rinig kong tanong ni Erick.

"Oo nga Ash. Hin..di mo nai...tu..loy iku...wen..to ang tu...ng...kol sa iyo...ng acc...uma," dagdag pa ni Celestina sa sinabi ni Erick.

Walang ng atrasan 'to, tutal makakalabas naman na kami rito, dahil tiwala ako kay Cynthia at Eon na madali nilang makukuha ang kanilang accuma.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now