"Pero ngayon lang pumunta dito si Ms. Aya lalo na yung ibang apo nila maam at sir ay halos pumupunta dito"sabi ng isang babae na matangkad.



"Alam kong sabi dati nila maam at sir lumaki yun sa ibang bansa kanya hindi nakakabisita dito"paliwanag naman ng isa at matapos nila mag usap ay pinagpatuloy nila ang paglilinis.




----

Serene Heaven

"Lili muntik mo na sila matakot"biro ko dito pero tumawa lang ito.



Nakwento niya sa akin na may narinig siyang nabasag kaya pinuntahan niya pero hindi niya akalain na makikita niya ang tatlong babae doon.



Hindi rin daw siya nakapag salita dahil tinitignan niya raw yung tatlo dahil napansin niya na may pagkakaiba ang mga tao dito at sa lugar namin.




"Anong meron dyan lola?"inosenteng tanong niya dito at halos gusto ko ito yakapin ng mahigpit dahil sa pinapakita niya ngayon.



Para siyang bumalik sa pagkabata dahil sa kinikilos niya simula ng makita niya ang labas kanina.




"Mga palabas yan apo, nagtatanghal sila at nagbibigay ng kasiyahan"paliwanag ng lola niya habang ang lolo nito ay busy sa pagbabasa.




"Aishelle gusto mo ba sumama sa amin? Kayo ni Serene para makalibot muna kayo bago niyo gawin ang dapat niyong tapusin"sabi ng lolo niya ng mababa ang binabasa na babasahin.




"Saan po tayo pupunta?"tanong nito at ngumiti ang mag asawa sabay tingin sa amin.




"Sa company natin, lalo na alam kong makakatulong sa inyo yun dahil may pinapunta ako doon para samahan kayo sa black market"sabi ng lolo niya at napangiti naman ako dahil kakasabi ko lang sa kanila na kailangan namin ng makakasama para pumunta doon.



Mabilis nila ginawa ang hiniling ko at nalaman ko na magkakaroon ng auction doon.



"Wow, thank you lola and lolo"hinalikan niya sa pisngi ang dalawa at pagkatapos ay tumabi na ulit ito sa akin sabay yakap.




Narinig ko na napasinghap ang mga katulong dito dahil sa ginagawa ni Lili.




"Alam mong gagawin ko ang lahat para sayo hindi ba? Hanggat kaya namin tutulungan namin kayo"masayang sabi ng mag asawa at tumango ito.




Ilang sandali lang ay pumunta na kami sa kwarto at hinatid kami ng babae na nakabasag kanina ng baso.



Tinitigan ko ito at napansin ko ganun din si Lili, parang may iba sa kanya na hindi ko matukoy.




"M-mauna na po ako"nagmadaling umalis ito at pumasok na kami ni Lili dahil magpapalit pa kami ng damit.



"Nini, may napapansin ka ba sa kanya? May nararamdaman akong hindi mapaliwanag lalo na bumabalot sa aura niya"sabi nito sa akin habang tinitignan ang mga dress na gagamitin niya.



"May iba din ako napansin sa kanya pero sa ngayon isipin muna natin ang mission tapos doon natin alamin ang tungkol sa kanya"pagkasabi ko nun ay tinulungan ko ito magpalit ng damit.



Sinabi ko pa naman sa kanya na kailangan niya na matuto mag isa pero ang ginagawa ko ay tinutulungan ko pa din siya.



Binigay niya sa akin ang pulang dress at sinuot ko ito sa kanya. Pagkatapos ay sinuklay ko ang buhok nito at hanggang bewang na ang haba nito.



Sumunod naman ay ako na ang nagbihis iniwan ko ito mag isa sa kwarto at pumunta ako ng banyo.


Nag dress din ako ng kapareho sa kanya pero kulay itim ang ginamit ko. Paglabas ko ay tapos na ito mag suot at nakita ko na nag flat shoes lang ito.



"Suklayan kita Nini"lumapit ito sa akin sabay pinaupo ako sa kama. Sinuklayan nito ang buhok ko. Napansin ko na kasing haba na din ng buhok niya ang sa akin.



"Mag heels ka Nini"inabot nito sa akin ang sandals at napaatas ako ng kilay ng makita ko na boots na may takong ang inabot niya sa akin.



"Namiss kong makita ka na ganyan ang suot Nini"hinalikan ako nito ng mabilis at siya ang nagsuot sa akin ng boots.



Siya nag ayos sa akin matapos ay yumakap ito sa akin habang nakatingin kami sa salamin.




"Tapusin na natin agad ang mission Nini, tapos maglibot tayo dito sa mortal world"bulong nito sa akin at nginitian ko ito at hinalikan siya sa labi.




"Let's go"sabay kuha ko sa kamay niya.



Paglabas namin ay kami na lang pala ang hinihintay, tinignan kami ng mga nandito ngayon na may pagkamangha.




"Bagay na bagay sa inyo ang suot niyo"sabi ng lola niya at ngumiti lang ako dito.



Pumasok na kami sa sasakyan at bago yun tinignan ko ulit ang batang babae na nakita ko.



Namulang umiwas ito sa akin at naramdaman ko na kumapit sa akin si Lili at hinalikan ako sa labi na ginantihan ko naman.



Napansin ko na naging selosa ito na ikinatatawa ko na lang din dahil alam niya na mas malala akong mag selos.



"Alis na tayo"naputol ang paghalik nito ng tawagin kami ng lolo niya. Nakita namin na namula ang mga nandoon ng makita ang ginawa ni Lili sabay tingin ng masama sa batang babae.



"Matakot mo yun"biro ko dito pero kumapit lang ito sa akin at yumakap na lang din ako ng makasakay na kami.




Hindi nawala sa isipan ko ang napansin ko sa batang iyon, lalo na sq kulay itim na aura na bumabalot sa kanya.



---

Uunahan ko muna yung sa mission nila Aya at Serene then susunod yung sa iba pa. Same day din sila hehehe.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum