Unting unti naman nakatulog ito sa ginawa ko. Napansin ng driver na gising pa ako kaya nagsalita ito.




"Ma'am tulog din po muna kayo, mga dalawang oras pa po ang byahe natin"sabi nito pero nginitian ko lang siya. Hindi ako makakatulog dahil gusto ko maging alerto lalo na nasa ibang mundo kami.




Habang tumitingin ako sa labas ay may napansin ako, tila may sumusunod sa amin na mga anino.



Una hindi mo ito mapapansin dahil tila nagtatago ito sa mga puno pero dahil matalas ang pakiramdam ko ay alam ko may iba.



"Carl, ihinto mo ang sasakyan. May sumusunod sa atin"sabi ko dito at napansin ko na natakot ito pero hininto din.



"Carl dito ka lang sa loob at bantayan mo si Lili"utos ko dito at tumango naman ito. Dahang dahan ko hiniga si Lili at bago ako lumabas ay hinalikan ko ito sa noo.




Nang makalabas ako ay nilagyan ko ng barrier ang sasakyan. Naglabas ako ng light ball sa kamay ko.



Alam kong mga shadows ang sumusunod sa amin, hinagis ko pataas ang tatlong light balls at unting unti lumiwanag sa buong paligid.



Nakita ko na tatakas pa sana ang mga ito ng naghagis pa ako ng light ball hanggang sa naging usok sila at nawala.




Alam kong napatay ko na ang lahat ay pumasok ulit ako sa sasakyan, nilagay ko sa hita ko ang ulo ni Lili.



"Tapos na po ba maam?"tanong nito sa akin kaya nginitian ko siya.




"Oo, kaya pwede na tayo tumuloy"mabilis na pinaandar nito ang sasakyan.



----

Aya Arcavia

"Hmmm"napadilat ako ng maalala kong bumabyahe pala kami. Nakita ko agad ang nakangiting mukha ni Nini.



Hinawakan ko ito sa mukha na mas lalong ikinangiti niya. Kaya napangiti din ako dito.




"Good morning Lili"bati nito sa akin. Umayos ako ng pagkakaupo at napansin ko na medyo maliwanag na sa labas.




"Good morning Nini, natulog ka din ba?"tanong ko dito at nakita ko na umiling ito.





"Pinanood lang kita matulog hehe"sabi nito sa akin na ikinatawa ko lang.



Yumakap ako dito at tumingin sa bintana ng sasakyan hanggang sa lumaki ang mata ko sa gulat.




"Woah, Nini look ang tataas nun"turo ko sa mga nakikita ko at napansin ko na halos may mga salamin ang mga nakikita ko.




"Hahaha, building yang matataas na nakikita mo Lili"sabi ni Nini sa akin at tumingin pa ako sa labas. Nakita ko na maraming sasakyan din at iba't ibang klase iyon at hugis.




May mga mortal akong nakikita na naglalakad at kumakain din sa paligid na ikinamangha ko.




Napansin ko ang mga damit nila, halos kapareho ng sa amin ngunit iba ang tela ng sa kanila.





"Nini, ano yun?"turo ko doon sa may nakatusok na pagkain habang may napapaligiran ng mga tao.




"Ms. Aya mga street food po iyon, yung kulay puti na bilog po ay chicken ball, tapos po yung marami naman po na nakikita niyo sa ibaba ay fishball"namangha sa ako sa sinabi nito at nakita ko na may araw na din pala.





Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now