Chapter 54

17.1K 746 563
                                    

Silhouette

"Pow, come here. Manonood na tayo ng request mo," nakangiting sabi ko sa kaniya bago tapikin ang kama.

Napansin ko ang pangangatal ng tuhod niya bago dahan dahang tumakbo sa akin.

"Ano p-pong papanoorin natin?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang pag-utal niya.

Pinili kong ngumiti sa kaniya bago siya yakapin nang mahigpit.

"Itong Fly me to the Moon na pinili mo. Halika na, tabi ka na kay ate. Sigurado ka bang ayaw mong nandito sila?" paniniguro ko habang nilalagyan siya ng kumot.

Bumigat ang paghinga niya. "Ayoko po ate, gusto ko pong tayo lang ang manood ng movie."

Ngumiti siya nang matamis sa akin, sinuklian ko siya ng halik sa noo bago i-play ang movie.

I was smiling the whole time habang nanonood kami ng movie. It's a movie about a gifted child na inampon ng dalawang matanda.

Maganda ang daloy ng kwento, pero hindi ko maiwasang lumingon kay Pow Pow tuwing naririnig ko ang mabigat niyang paghinga.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kalagitnaan ng movie.

Agad siyang lumingon sa akin bago ngumiti nang matamis. "Ayos lang po."

Ginulo ko nang bahagya ang buhok niya bago muling ibaling ang tingin sa movie.

Nagdaan pa ang ilang minuto, mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa daloy ng storya.

Austin, a gifted child has to donate his heart. Wala nang choice dahil may taning ang buhay niya.

"Oh God," I whispered before wiping my tears away habang nasa scene na kung saan nag-uusap ang mga bida.

"Saan siya pupunta, ate?" mahinang tanong ni Pow Pow bago hawakan ang kamay ko.

"He's gonna go to heaven, Pow Pow. Kasi, k-kailangan niya," nauutal na kwento ko.

"Maganda po ba sa heaven?"

Nawala ang atensyon ko sa movie na pinapanood. Ngumiti ako nang mapait bago tumango. "Oo, maganda. S-Sobra."

"Doon po ba napupunta ang lahat ng mga taong namamatay?" he asked while breathing heavily.

"Yes, lalo na kapag mabait ka," I answered.

Saktong paglingon ko kay Pow Pow na mariing pumikit ay ang pagtugtog ng musika mula sa pinapanood namin.

"I'm gonna move to the moon
I'm leaving everyone soon
But before I do
I gotta see you"

"Ate?" Pow Pow called me. Hindi ko siya nilingon.

"Bakit?" tanong ko.

"Kapag ba umalis ako, magagalit ka?"

"I'm writing letters to friends
Calling enemies to make my amends
But before I fly
I gotta see you one last time."

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "H-Hindi, hindi Pow Pow. Hindi magagalit si ate."

Bumuga siya nang malalim na hininga.

"G-Gusto kong... Gusto kong umalis ate. Ayos lang ba sa 'yo? Magiging ayos ka pa rin ba?"

Hindi ko na naiwasan ang lumingon sa kaniya. Natatarantang bumangon ako sa kinahihigaan.

"Pow, may n-nararamdaman ka ba? Sabihin mo kay, ate. Tatawag lang ako ng doctor--"

"Gusto kong umalis, ate."

"Is it too late to come by your window
'Cause I just have you on my mind
I'm making some room here inside
Of my rocket
Maybe you wanna go with me?"

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now