Chapter 28

21K 781 177
                                    

Silhouette

"Kuya, uuwi ka na talaga?" malungkot na sabi ni Pow Pow nang makita si Third na sinusuot ang jacket.

Third nodded before smirking, ginulo niya ang buhok ni Pow Pow. "I have to, I need to handle some stuffs."

Agad na ngumuso si Pow Pow bago yumakap kay Third. "Ingat ka, kuya. Teka sandali lang po pala, may ibibigay ako sa inyo."

Pinanood namin si Pow Pow nang bigla siyang tumakbo paakyat sa kwarto. Nilingon ko si Third na bigla na lang lumapit sa akin.

"I want a kiss before I leave, he's not around anymore," galit na demand nito na para bang ako pa ang may utang sa kaniya.

"Boss, napapraning ka na ba? Bakit ba--"

"Shut up and just kiss me!" galit na pagputol niya sa akin.

Aba ayos 'to. Kung makapag-utos akala mo part pa rin ng misyon ang paghalik ko sa kaniya. Ewan ko rin kung bakit nagpapadala ako sa lalaking 'to. Ang landi ko talaga, shet.

Hinigit ko siya sa kwelyo bago patakan nang marahan na halik ang labi niya. I felt how he smirked between our kiss.

Agad ko siyang binitawan nang marinig ang mga yapak ni Pow Pow pababa ng hagdan. May dala dala itong maliit na vase sa kamay niya.

Napangiti ako nang makita kung ano 'yon, nice, cactus. Ano namang gagawin ng boss ko diyan?

"What is that, kid?" takang tanong ni Third kay Pow Pow nang iabot nito sa kaniya ang hawak.

"Cactus po, para kapag gusto kayong dikitan at chansingan ni ate Silhouette, may panangga ka po." Napanganga ako sa sinabi ni Pow Pow.

"Hoy, ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Humagikhik ito kasabay nang pagtawa ni Third sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ka tumatawa diyan? Ikaw nga 'tong lagi akong nilalandi."

He bit his lip slowly. "You're such a tease, Silhouette."

Inirapan ko siya at pinanlakihan naman ng mga mata si Pow Pow na nag-peace sign.

"Bakit magkakampi kayong dalawa? May pinag-usapan ba kayong dalawa behind my back?" nagtatampong tanong ko.

Third chuckled once again. "Aren't we saying the truth?"

Sinimangutan ko siya bago siya ipagtulakan palabas. Naiinis na sinamahan ko siya papuntang kotse niya. "Umuwi ka na! Ang sama ng ugali mo! Pagkatapos mong kuhanin ang first kiss ko, pagkakaisahan n'yo lang ako? Uwi!"

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago ako yakapin nang mahigpit. "Please come to the headquarters tomorrow, baby. We need to do some missions again."

"Si Pow Pow, wala siyang pasok bukas," bulong ko.

Ginulo niya ang buhok ko. "You know I'll always allow you to bring him in the headquarters. I'll gladly accept whatever your reason is."

Napabuntong hininga ako. "Kaya nga, e. Ang unfair mo porke't patay na patay ka sa akin, huwag gano'n. Masyado kang nagpapahalata."

Nakangisi ko siyang kinindatan na sinuklian niya ng iling. "I am not unfair, baby, I just know how to follow my baby's rules. I never want you to get mad at me."

Namumulang tiningnan ko siya.

"Shet, confirmed, patay na patay ka nga sa akin. Gosh, small things," pagmamayabang ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman.

Pinaglaruan niya ang susi sa kamay bago haplusin ang buhok ko. "Yes I am. I am head over heels to you, Silhouette."

Napalunok ako dahil sa intensity ng mga titig niya. Pinagtulakan ko siya papasok ng kotse pero tinatawanan niya lang ako.

Nang makasakay siya, marahan ko siyang tinapik sa balikat.

"Ingat, boss. Huwag kang hahanap ng kabit, kahit wala tayong label, basta mu tayo," nakangiting sabi ko.

Hinapit niya ang baywang ko bago haplusin ang likod ko. "I'll miss you."

Napairap na lang ako. "Gosh, I know naman na deads na deads ka sa akin. Sige na, baka mamaya dito ka na tumira."

Bago niya isarado ang pintuan ay isang linya muna ang pinakawalan niya na dahilan nang pamumula ko.

"We'll definitely live in the same house, soon, baby. I'll make it possible whether you like it or not."

Napamura ako nang malutong. Shet, nakakalimutan ko na ang pagiging asbag ko sa tuwing dumadamoves sa akin si boss.

Bakit ba kasi ang sweet niya kahit wala naman kaming label? Malandi ba siya or malandi ako? Tangina, parang both. Wala akong choice kung hindi sabihin na parehas kaming malandi.

Naiiling na pumasok ako sa bahay, bumungad sa akin si Pow Pow na nakikipaglaro na naman sa pagong ko.

Napatayo siya nang makita ako. "Umalis na ba si kuya, ate?"

Tumango ako at umupo sa sofa. Umupo rin siya sa tabi ko bago ngumisi nang pilyo.

"Ikaw, ate, ha. Para kang may secret na tinatago," pang-aasar niya.

"Kaya nga secret, e, kasi tinatago. Alangan namang one million ang nakakaalam ng sikreto mo?" pamimilosopo ko.

He pouted his lips. "Ate, naman, e! Seryoso nga, anong namamagitan sa inyo ni kuya?"

Pinigilan kong huwag mapangiti nang maalala ang kissing scene namin. Mahina ka Pow Pow, katabi mo lang kagabi noong tinraydor kita habang natutulog ka.

Napabuntong hininga ako para iwasan ang mamula. Ang lambot ng lips ni boss, sarap papakin.

"Ate!"

"Ay masarap!" napasigaw ako sa gulat nang sumigaw si Pow Pow.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang katangahan na sinabi ko. Agad ding nanlaki ang mga mata ni Pow.

"Hala, ate, anong masarap?" panunukso niya.

Gusto ko siyang batukan nang malakas. Bakit alam na nito ang mga bagay na 'yon?

"Bakit alam mo 'yan, Pow Pow, ha?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya nang alanganin. "Noong pulubi pa ako, ate, ang hilig magbiruan ng mga kasama ko. Nalaman ko lang."

Napailing ako. "Buti na lang kinuha kita, hindi talaga gaganda buhay mo kapag nanlimos ka lang. Ang daming taong naghihirap sa bansang 'to."

Yumakap siya sa akin. "Kaya hindi ko pinagsisisihan na lumingkis ako sa binti mo noon, ate."

"Hindi ko rin naman pinagsisihan 'yon," sagot ko.

Akmang yayakapin ko na siya pabalik nang mahagip ng mga mata ko ang pasa niya sa kabilang braso.

Agad akong humiwalay at maingat na tinaas ang dalawa niyang braso.

"Pow Pow, saan mo nakuha ang mga pasang 'to?" galit na tanong ko habang pinagmamasdan ang apat na pasa niya.

"Hindi ko po alam, ate. Baka malikot ako matulog kagabi kaya nahulog ako," saad niya.

Hindi ako naniniwala, kung nahulog man siya, napakalakas ng pandama ni Third, he'll eventually wake up if he heard a mild noise.

Pinagmasdan ko si Pow Pow habang nakikipaglaro siya sa pagong ko.

Why did your guardians died, Pow Pow? Anong sakit nila nang mamatay sila?

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon