"1!" Bilang nila kuya.


"2!"



"3! Open your eyes" Sabi nila kuya.



Sakto naman na pagbukas ng mata niya ay ang pagdampi ng labi ni Zayen sa pisngi niya. Habang ako nasa harapan niya. Agad naman na nanlaki ang mata niya ng makita ako sa harapan niya. Mukhang nagkaroon siya ng idea kaya agad siyang tumgin sa gilid niya at nakita doon si Zayen na naka-nguso pa.



"What the fuck!" Sigaw niya.



Pinagtinginan tuloy siya ng mga tao. Habang kami nila kuya ay tumatawa dahil sa itsura niya. Panay ang punas niya sa pisngi niya, mamasa masa na rin ang mata niya. Mukha siyang kinuhanan ng dignidad sa itsura niya.



"Tangina mo bro!" Maluha luhang sabi ni Nef.



Hala! Iiyak ata talaga siya. Naawa naman ako kaya nilapitan ko siya. Kumuha ako ng wipes sa bag ko at pinunasan ang pisngi niya na namumula na dahil sa pagpupunas niya gamit ang mga kamay niya.



"Sorry Nef napagtripan kita." Hingi ko ng tawad.



"May magagawa pa ba ako e nangyari na." Sabi naman niya.



"Sorry talaga, peace na tayo please?" Sabi ko habang nagpapa-cute.



"Oo na, tara ililibre pa kita ng ice cream." Sabi naman niya.



Ice cream!



"Talaga?! Hala thank you!" Sabi ko at niyakap siya.



"Para-paraan kayo sa kapatid ko ah." Biglang sabi ni kuya.



"Tara na!" Masayang sabi ko at hinila ang kamay ni Nef.



Pagdating sa DQ agad na sinabi namin yung mga gusto namin. Medium lang yung sa tatlo at large naman ang akin. Syempre libre kaya lulubusin ko na.



Nang makuha namin yung order namin ay naghanap muna kami ng pwedeng upuan, napapagod na kasi ako saka masakit na yung paa ko kanina pa kami nakatayo at lakad ng lakad.



"Grabe nakakapagod!" Bulalas ko ng maka-upo kami.



"Ginabi na pala tayo." Sabi naman ni Acel.



"Kung hindi na kasi kayo naghabulan ng ilang oras edi sana hindi tayo ginabi." Sabi naman ni Nef.



Hindi nalang namin siya pinansin at kinain nalang namin yung ice cream namin. Nakarinig naman kami na may firework daw maya-maya kaya napag-desisyonan namin na hintayin na muna iyon. Para makapag-pahinga pa daw kami ng matagal.




Tulad ng plano namin kanina, nanood nga kami ng fireworks. Grabe ang gaganda ng mga napili nilang fireworks, nakaka-relax tignan. Pinatapos lang namin iyon at naglakad na kami papunta sa parking lot.



"Thank you sa pagsama sa 'kin!" Masayang sabi ko sa kanina saka hinalikan sa pisngi si Nef at Acel.



"Nice." Sabi naman ni Acel habang nakangiti.



"Yung akin?" Singit naman ni Zayen.



"Wala na binigay ko na kanina sa loob ng mall diba?" Sabi ko naman.



"Iba yun, thank you mo sa 'kin yun sa pagkuha ng stuff toy eh." Reklamo niya.



"Yun na rin yun." Sabi ko.



"Hindi." Sabi naman niya.



"Oo."


"Hindi."


"Oo."



"Hindi."



"Tama na yan, mag-aaway pa niyan kayo eh." Sabat ni kuya.



"Ang kulit kasi niya eh." Sabi ko kay kuya.



"Iba nga kasi yun." Pagpipilit niya.



Isa nalang talaga sa 'kin to tataman na talaga siya. Baka hindi na makauwi 'to pag tinuloy pa niya yang pangungulit niya.



"Isa nalang talaga sasamain kana sa 'kin Zayen ha." Pagbabanta ko.



"Isa lang din namang kiss." Sabi pa niya.



Sinamaan ko naman siya ng tingin.



"Isa lang sa kabila naman." Nakangiting sabi niya.



Tinignan ko naman si kuya para humingi ng tulong.



"Ikiss mo na yan at ng maka-uwi na tayong lahat." Sabi niya.



Akala ko pa naman hindi siya papayag. No choice na, para maka-uwi na rin dahil masyado akong napagod ngayon.



Hinalikan ko nalang siya sa pisngi at nagpasalamat ulit sa kanila.



"Thank you ulit! Sa uulitin! Ingat kayo." Sabi ko.



Maglalakad na sana kami papunta sa kanya-kanya naming sasakyan ng may biglang nagsalita.



"Where's my kiss?"

-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz