TPBTTPW 40 : Spain I

2K 63 6
                                    

CHAPTER 40

Julia

Gabi na rin nang makauwi ako sa palasyo galing sa penthouse nila DJ. Hindi na ako sumama kay Quen sa airport--ayaw niya rin kasi, sa simpleng dahilan na ayaw niya akong mapagod. Besides, two days lang naman siya dun at babalik naman agad.

Isa pa, kailangan ko na ring magpahinga kasi pupunta ulit ako dun sa Children Cancer Care Center para mag-abot ng tulong--two years ago was my last visit there. At this time kasama ko ang Princess Jessy, ang hari at reyna. Kahit once pa lang ako pumunta dun, it was memorable--dun kasi kami nagkabati ni Quen nung nag-away kami sa isang mababaw na bagay, yung trip sa Boston. Hindi ko rin makakalimutan ang dalawang batang nag-inspire sa amin ni Quen--Andrei and Jael.

Hindi ko alam pero parang bumigat bigla ang pakiramdam ko--knowing na kakalipad lang ni Quen an hour ago papuntang Spain. Siguro nga mukha kaming tanga pag narinig niyo o nakita ang usapan namin bago siya mag-board sa plane. Pinag-usapan lang naman namin kung ano ang mga gagawin niya dun at kung ano ba ang gusto kong dalhin niya pagbalik--hindi nakakasawa kahit paulit-ulit na ang pinag-uusapan namin, parang hindi nagkita ng ilang linggo. Sa totoo, kakahiwalay lang at mawawala lang siya ng dalawang araw.

"Ikaw lang ang gusto ko."sabi ko sa kanya.

"Ang corny mo. Nahawa ka na ba sa akin?"tawa pa niya sa kabilang linya.

"Oh siya. Sige na nga. Bahala ka kung ano gusto mong isipin. Bye."sabi ko pa.

"Bye."sagot niya naman.

"Bye."

"Bye."

"Bye."

"Ibaba mo na."sabi niya sabay ngisi.

"You first."I smiled.

"Edi sabay tayo, after three."

"One."bilang ko naman.

"Two."dugtong niya habang nakaupo ako sa couch at kinukulit nila Kath, Laureen, at Jasmine--they're making faces in front of me.

"Three."sabi ko.

Tapos na ang count of three, pero kahit isa, walang nagbaba. We ended the call saying 'I love you' together.

Back to the present--nakaupo ako sa couch namin sa kwarto na nasa harap ng TV nang biglang umakyat si Cupcake sa couch at umupo sa lap ko. She whined accompanied with a short bark--and blinking her eyes constantly.

I hugged Cupcake tight--agad siyang kumalas sa yakap ko at bumaba sa sahig. She rolled over the floor exposing her belly. Oh my! Namimiss niya si Quen--sinanay kasi ni Quen everytime na dumadating siya, binibigyan niya ng belly rub si Cupcake.

I gave her the belly rub she deserves. May napansin akong papel na naka-insert sa collar niya nung tumihaya siya--isang maliit na papel na naka-roll.

Out of curiosity, kinuha ko ito. Hay Quen! Ginawa mo na namang messenger ang aso natin.

It reads. "Take care of yourself. Take care of our baby. I love you."

Napangiti lang ako. Wala pa nga--baby na agad ang iniisip.

Pagkatapos nun, tumayo lang si Cupcake. Yun pala ang wini-whine niya. I decided to take a shower before I sleep para fresh ang pakiramdam.

This is not the first time na hindi ko si Quen katabing matulog--pero parang ito ang unang beses. I can't sleep, hinahanap ko ang presensya niya sa tabi ko. Basta. Parang may kulang.

Nilagay ko na lang ang unan niya sa tabi ko at niyakap para maramdaman na parang nandiyan lang siya kahit wala naman.

Kinaumagahan, maaga akong nagising para maghanda sa pagpunta ko ulit sa Children Cancer Care Center. Excited kasi ako ulit makita sina Andrei at Jael. Naisip ko nga rin kung magkakaanak kami ni Quen, Andrei Javier ang ipapangalan kung lalaki tapos kung babae naman, Andrea  Jael.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon