TPBTTPW 54 : I Knew I Loved You

3.8K 66 22
                                    

CHAPTER 54

Enrique

Mahirap pala makipaglaban kay kamatayan pero nagawa ko, iba ang nagagawa ng pagmamahal. Akala ko katapusan ko na. Akala ko hindi na ako bibigyan ng pagkakataon para muling makita ang mukhang nasa harap ko ngayon. I enjoyed the view while she's asleep habang nakasandal sa kaliwang windshield ng kotse. Gustuhin ko man na sumandal siya sa balikat ko at yumakap siya sa dibdib ko--hindi pwede, medyo masakit pa kasi ang katawan ko. Ako lang ang pwedeng yumakap sa kanya, basta yung hindi ako magbubuhos ng lakas, bawal pa kasi akong magpamigat.

Dapat kasi pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital, eh, umalis na kami, kaya lang nirerehab pa ko nung mga panahong yun.

Halos ilang oras na ang nakalipas simula nung bumiyahe kami. Di ko nga alam kung saan kami pupunta. Di ko rin alam kung ano ang plano ni Julia. Basta daw magrerelax kami ng ilang araw o baka nga linggo biro niya. Kasama namin ang baby naming si Cupcake na dumudungaw naman sa bintana habang nakalabas ang dila at halatang ineenjoy ang ihip ng hangin habang mabilis na tumatakbo ang kotse. 

Dahan-dahang lumiko ang kotse sa isang kanto. Napansin kong rough road na ang dinadaanan namin at puro na lang mga puno sa paligid ang mga nakikita. Sobrang bago sa paningin ko ang lugar pero masasabi kong nakakagaan sa pakiramdam na puro green ang makikita.

Unti-unting dumilat ang mga mata ng asawa ko, siguro naramdaman niyang umaalog na ang kotse dahil sa mga malalaking mga batong tinatahak ng gulong. Ngumiti lang ako pagdilat niya. Siya naman, binalikan ako ng ngiti.

Pagkatapos niyang tuluyang dumilat, sunod siyang dumungaw sa bintana. "Malapit na pala tayo."

"Great! Kasi kanina pa ako naiinip dito."

"Bakit naman? Hindi ka ba nakatulog?"

"Hindi. Nainip na ako sa kakaupo pero naaliw ako sa kakatitig sa dyosang kaharap ko."

"Nang-uuto ka pa."

"Sus! Hindi kaya ako nang-uuto."

"So, what are you trying to say?"

"Compliment, my wife."

"Compliment ba tawag mo dun? Pumapangit at tumataba na nga ako dahil sa ginawa mo."hawak pa niya sa mukha niya na kunwari may kulubot na siya.

"Are you blaming me? Sino kaya ang nang-akit at naligo ng ilang beses sa isang gabi? Buti na lang hindi ka nagkasakit."

Sa totoo lang, ayoko siyang patulan. Ayokong masira ang araw namin sa ganun kababaw na bagay pero simula nung dumating ang blessing sa amin lalo na nung magising ako two weeks ago, parang umiba na siya. Minsan nga, hindi ko maintindihan—mood swing ba tawag dun?

I can't explain the feeling nang malaman kong magiging ama na ako.

Tumahimik na lang siya--natamaan yata. Ako naman, tumawa lang nang tahimik. Bigla ko lang kasing naalala nung pumunta kaming Bali, inaantok na ako nun pero nang-akit pa, mga babae talaga.

Hindi na siya makatingin sa akin at nagsalita pa pagkatapos nun. Nakakainis! Ganyan ba talaga ang mga buntis? Mabilis mairita kahit sa simpleng bagay, hindi nga mapuri, iniisip pang inuuto. Sana talaga hindi maubos pasensya ko hanggang sa manganak 'to--hindi talaga kasi sobrang mahal ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin siya sa malayo. Inabot ko ang kamay niya pero kinalas niya agad. Isa pa, nakasimangot pa siya. Sabi niya, mag-eenjoy talaga ako pero sa nararamdaman ko ngayon baka ang lugar na 'to ang maging saksi ng pagtitimpi game namin.

Hindi ko napansin na nandito na kami kung hindi pa tumigil ang kotse. Una siyang bumaba at medyo napaaray ako nung inapakan ni Cupcake ang binti ko. Hayop nga talaga siya--ansakit. Bigat ni Cupcake, may dala-dala pa kasing puppies sa tiyan nito.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon