TPBTTPW 51 : Please Stay

2.3K 65 14
                                    

CHAPTER 51

Julia

Nakatingin lang ako sa mga pictures namin ni Quen sa kwarto habang naghihintay sa pag-uwi niya. Mula sa picture namin nung kasal na nakasabit sa dingding sa taas ng kama hanggang sa mga pictures na nakapatong sa table  sa mini office area sa kwarto--mga limang frames na nakahilera simula pa nung nag-aaral pa kami hanggang sa pumunta kaming Bali.

I realized how happy we are together kahit na hindi pa kami committed nun sa isa't isa. Those moments that we'll treasure hanggang sa pagtanda namin.

Mag-gagabi na pero wala pa rin siya, napansin ko nung mapatingin ako sa bintana. Sabi ni Manong Victor umalis siya kanina nang hindi nagpapaalam, kanina pa nila siya hinahanap. Hindi ko rin siya macontact pagkatapos kong tawagan nang hindi mabilang na beses. Nasaan na kaya ang asawa ko?

Kumuha ng atensyon ko ang isang picture na nakapatong sa bedside table--picture nung nag snorkelling kami sa Bali. I picked up the picture frame. Napangiti ako nang maalala na medyo nataranta ako nun nung tinanggal niya bigla ang tube sa bibig ko. Saksi ang mga makukulay na isda at mga corals nung nag-kiss kami sa ilalim ng tubig.

I realized I was wrong--hindi ko pinakinggan ang paliwanag ni Quen. The worst, I didn't know kung bakit at paano ko nabitawan ang lahat ng mga masasakit na salita sa kanya at ibalik sa kanya ang wedding ring. Hindi ko alam kung bakit exaggerated ako kung makapagreact sa mga bagay-bagay. The doctor even said it's possible that I'm pregnant pero hindi pa naman confirm.

Hopefully.

Pag nagkataon, madadagdagan na naman ang mga ngiti ng hari at reyna dahil doble ang binigay sa hiniling nilang apo. Mas lalo ring mabibigyan ng kulay ang buhay namin ni Quen--parang naeexcite tuloy ako na makarinig ng mga tawa at iyak ng baby.

Mahigpit naman ang hawak ko sa picture frame pero hindi ko alam kung bakit biglang dumulas sa kamay ko at bumagsak sa sahig--I heard when the glass creaked. Nakataob ito nang makita ko at malamang hati na ang salamin nito.

Biglang lumakas ang pintig ng dibdib ko sa di malamang dahilan. Sakto lang na yuyuko ako para damputin ang picture frame, biglang pumasok si Manong Victor sa kwarto. "Pasensya na po kamahalan kung hindi ako kumatok pero may kailangan po kayong malaman."

Mga ilang segundo rin na hindi ako kumibo. Sana mali ang hinala ko na may nangyari sa asawa ko. Rinig ko na lang ang mga takbo ng mga royal protection officers sa labas ng kwarto--naiwan kasing nakahalf-open ang pinto.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumakbo at lumabas ng kwarto para makuha ang malaking question mark sa ulo ko. At some point, kinakabahan ako na malaman ang totoo.

"Mahal na prinsesa sandali lang po."tawag pa ni Manong Victor sakin.

Habang tumatakbo ako palabas, narinig ko ang sigaw ng hari sa labas ng opisina niya kaya napatigil ako. "Kung hindi niyo sana pinabayaan na umalis mag-isa ang anak ko, hindi sana nangyari 'to sa kanya. Hindi niyo inaayos ang trabaho niyo. Iisang tao nga lang ang pinapabantayan sa inyo, hindi niyo pa magampanan! Mga inutil!"ramdam ko ang pagyanig ng boses niya na may halong galit at pag-aalala.

Pagpasok ko, nandun ang Prinsesa Jessy, reyna, hari at ang mga royal protection officers ni Quen. Natahimik ang buong paligid nang pumasok ako. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

My eyes wanted to burst out of tears pero pilit kong pinipigilan. Nagkatinginan lang silang lahat na parang nagtutulakan kung sino ang magsasalita. Tumayo ang reyna, lumapit sa akin at hinawakan ang mga nanginginig kong kamay. "Hija, ang asawa mo."she burst out of tears.

I sighed, relaxing myself--readying to accept the fact that something bad happened to my husband.

"Naaksidente ang minamaneho niyang kotse. He's in a critical condition."

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon