TPBTTPW 29 : Later-- Proposal

2.7K 81 17
                                    

CHAPTER 29

Enrique

"Aray! Aray!"reklamo ko pa habang ginagamot ng asawa ko ang sugat ko sa mukha.

Nakaupo kami ngayon sa kama habang nakasandal ako sa headboard at siya naman nasa tabi ko sa bandang edge nga lang."Sakit Juls."dagdag ko pa at napahawak ako sa kamay niya na nasa pisngi ko. 

"Sino bang nagsabi sa'yo na makipag mortal kombat ka?"I didn't answered her but instead I bit my lip to look more seductive kahit masakit ang labi ko. Ang flirt ko talaga pero wala namang mali dun--asawa ko naman eh. I smiled and squeezed her hand tightly.

Umiwas lang siya ng tingin sa akin. Sa hindi na mabilang na pagholding hands ko kay Julia, ngayon ko lang talaga naramdaman na malambot ang palad niya--at kasyang-kasya ang mga daliri niya sa gaps ng sakin. Para bang perfect puzzle na nabuo. Kung tutuusin, simpleng holding hands lang 'to, pero masarap sa pakiramdam at sasabihin mong sana hindi na matapos 'to.

Napatingin lang siya sa kamay naming magkahawak. "Sorry kanina, nadala lang ako."

"Wag na nating pag-usapan yun, Quen. Actually, hindi ko alam--hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nalilito ako."I directly look into her eyes.

"Hhhhmmmm."napasisip lang ako kung anong isasagot.

Dahan-dahan akong umusog sa kanya to reach her lips pero hindi ko siya maabot . "Yung later ngayon na." Umikot lang ang mga mata niya sa sinabi ko tapos binitawan niya ang kamay ko. To be honest, sa kotse pa lang gusto ko na siyang i-kiss. Siguro kasi, tempting ang pabango niya o dahil sa simpleng dahilan na siya si Julia, si Princess Julia na asawa ko.

Napaubo na lang kaming dalawa at ngumisi. Tumayo na siya at naglakad papuntang coffee table para ilatag ang bitbit niyang first aid kit. Ayoko kasing dalhin sa ospital, ako mismo ang nagpumilit na dito na lang dahil  kaya ko pa naman--na hindi na kailangan pa ng doktor. Simpleng sugat lang 'to kaya simpleng kiss lang o hug ang gamot nito.

Tumawa lang ako sa isip ko, dumugo na nga ang labi, kiss pa rin ang iniisip.

I ended up standing para sundan siya. Yes, I reached her. I didn't hesitate to hug her on her back, good thing--hindi siya pumiglas. Inabot niya rin ang mga kamay ko na mismong nasa bewang niya.

Unti-unti ko siyang pinaharap and I ended up hugging her tightly. Ramdam ko ang bilis ng paghinga niya, siguro ganun din siya. Hindi nagtagal ay bumitaw na rin kami sa pagyakap. We smiled at each other.

"I love you." nagkataon lang na sabay kami talagang nagsalita.

She grabbed my hands at sumunod naman ako para maupo kami sa couch. "Magpahinga ka na nga muna. You need rest."

Pero bago pa man kami maupo ay hinablot ko siya at we stared each other intensely--much closer na tipong dinig at amoy namin ang hinga ng isa't isa.

Sa wakas, naabot ko na rin ang kanyang mga labi. Her soft lips that makes me more crazy whenever I kiss her. Napapikit lang ako. That kiss didn't last long but resembles forever. "Sa kiss at hug okay na talaga ako. Maya-maya wala na 'tong sugat at pasa sa mukha ko."biro ko pa sa kanya. Pinagpatuloy niya ang paghila sa akin para maupo kami sa couch.

"Yun na ba ang later?"curious na tanong pa niya.

I aggressively answered. "Yes, Juls."

Kita ko nung ngumiti siya.

"Good. Akala ko kung ano na. Maka sige naman ako kanina sa'yo sa text." 

Sa totoo lang, kahit anong sakit pa ang maramdaman ko basta't nandiyan lang si Julia sa tabi ko ay okay na ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito na para siyang drugs na kung matry mo eh hindi mo na mabitawan. She's my sweetest and most addictive drug  I've ever tried I think.

Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon