The lost chapter

47 4 0
                                    

5 years ago

Matamang tinititigan ni Ezra ang kaibigang nakahiga sa hospital bed.
Mahigit tatlong buwan na ang kaibigan sa ganoong sitwasyon,at di siya pumapalya para bisitahin ito.
Panay rin ang sisi niya sa sarili dahil sa paniniwalang kasalanan niya ang lahat kung sana'y di niya na ito tinulungang takasan ang arrange marriage na di naman pala itutuloy.

Dok,ano po ba talagang nangyayari sa kanya.”

Malungkot na tanong nito sa doctor na siyang nag momonitor sa lagay ng kaibigan.

Hijo!maayos naman ang katawan niya wala kaming nakikita na kahit anong sign na may sakit ito.”

Sagot ng doctor habang tinuturukan ng likido ang kaibigan,vitamins raw yon para kahit papano'y magiging masigla ang katawan nito,nang makaalis ang doctor inayos niya ang dalang pagkain para kapag nagising ay mabilis niya itong maibibigay.

“Rancid.”

Malungkot siyang ngumiti ng tinatawag na naman nito ang pangalan ng pinsan niyang mahigit ilang buwan ng namayapa dahil sa sakit na leukemia,ang pagtawag sa pangalan ni Rancid ang una nitong ginagawa sa tuwing nagigising siya,ngingiti ngiti ito habang kumakain pero di siya nito nakikita,walang kahit ni isa sa kanila ang kinakausap nito sa di malamang dahilan.

Vile kumusta ka na ano ba talagang nagyayari sayo.”

Malungkot na tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.
Wala siyang natangap na kahit anong sagot pero patuloy niya itong kinakausap.Pagkatapos kumain babalik na ito sa higaan at muling matutulog kaya kapag ganoon ang pangayayari'y umaalis na siya,hindi na niya rin kaya pang tiisin ang sitwasyon ng kaibigan kaya kahit walang permiso galing sa mga magulang ni vile ay pinuntahan niya ang albularyo na kakilala niya sa lugar kung saan nag simula ang lahat.

“Ano ba talagang nangyayari sa kaibigan mo hijo.”

Tanong ng albularyong si tatang Sid.
Medyo may katandaan na ito at siyang caretaker sa bahay na tinirhan ni vile.

“Parang nawawala po siya sa sarili,gigising ho siya at tatawagin ang pangalan ni Rancid pero parang di niya po kami nakikita minsan po masaya ang ekspresyon niya minsan malungkot at minsan galit.”

Pag kukwento niya dito habang nilalakbay nila ang kahabaan ng matarik na daan.

“Hindi ba't matagal ng namayapa si Rancid.”

Malungkot na kumento ng matanda dahil napamahal na rin dito ang dating alaga.

Oho,pero malabo pong ibang Rancid ang tinutukoy niya dahil noong araw na nagsimula ang lahat naabutan ko itong natutulog habang yakap yakap ang picture frame ni Rancid.”

Muling paliwanag nito habang iniiwasan ang mga asong bigla bigla na lamang lumilitaw sa daan.

“Sige hijo isalaysay mo ang lahat mula sa umpisa,pati narin ang oras kung naaalala mo pa.”

When love reach its horizonWhere stories live. Discover now