"Tara na"kinuha ko ang kamay nito at lumaki ang ngiti nito. Napansin ko na madami ang tumitingin kay Lili kaya hinalikan ko ito sa pisngi sabay malamig na tinignan ang mga humahanga sa kanya.


Umiwas naman sila ng tingin at nagulat ako ng halikan ako sa labi ni Lili.

Kinindatan ako nito na ikinatawa ko na lang dahil alam ko na tinignan din nito ang mga tumitingin sa akin.


"Maglalandian pa ba kayo? Halika na pinapatawag tayo ni Ina lalo kana Aya dahil sa Serillo Twins"inis na sabi ni Kenna na ikinatingin ko kay Lili pero umiwas ito.



"Explain ko mamaya"bulong nito kaya sinundan na namin ang ibang kasama namin.


Nakarating kami sa sasakyan at nagkasya kaming lahat dahil mahaba ito at namangha sila dahil sa nakita.


Maraming pagkain, may kwarto na pwede tulugan, may television at kung ano ano pa.



"Ang daya ni Ina, porket kasama natin si Aya kaya pinagamit niya ito"nagtatampo na sabi ni Kenna na ikinatawa nila.



"Alam mo naman paboritong pamangkin ni Tita Heria si Aya dahil lahat ng binibigay niya na dress ay sinusuot nito"sabi ni Juliana sabay tingin kay Lili dahil siya lang ang nakadress sa amin ngayon.



"Nag susuot din naman ako ng dress ah, hindi nga lang araw araw"paliwanag nito pero ikinatawa lang nila. Tinignan ko si Lili na nakasandal sa akin at nakakapit habang nakapikit.



"Bakit ba tamad na tamad yang si Aya ngayon Serene? Pinagod mo ba?"gulat na napatingin kami kay Wina ng magsalita ito na tila may pinahihiwatig.


"Hey, what are you talking about?"sabi ni Arriane dito na tila galit na tinitignan si Wina.



"Pinagod ako ni Nini lalo na magkatabi kami natulog"nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lili ng dumilat ito at ngumisi.



Namumulang napaiwas ako ng tingin sa mga kasama namin. Nakita ko na namula din umiwas ang iba maliban kay Franco na tila kanina pa tahimik.



"Aya magkatabi kayo natulog?"hindi makapaniwalang sabi ni Kenna at natatawang tinignan sila ni Silvia at Krystal.


"Yes, sinabi ko na din kay Tita Tory na sa iisang dorm lang kami titira ni Nini, pinayagan naman ako sa request ko"malamig na sabi nito sabay yakap sa akin at gumanti din ako ng yakap.



"So may nangyari sa inyo?"gulat na napatingin kami kay Julian ng sabihin niya yun.


Sasagot na sana kami ng huminto ang sasakyan. Natahimik ang lahat at ilang sandali binuksan na ang pintuan.


Tahimik na bumaba ang lahat habang kami ni Lili ay namumulang magkayakap na bumaba.


Masyado silang advance mag isip lalo na nagkwentuhan lang kami kagabi ni Lili at syempre hindi din nawala ang laro na ginawa namin.



"Maligayang pagdating sa Atlancia Palace"yan agad ang bumungad sa amin na. Nakita agad namin si Heria at Fiona pasimple sila nagbigay ng galang sa akin na tinanguhan ko lang.



"Aishelle"masayang tawag ni Heria sa pamangkin at niyakap agad ito habang si Fiona naman ay niyakap si Kenna.


Sumunod na niyakap nila ay si Julian hanggang sa lahat ay nayakap na nila at maging ako.



Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now