Sweet sabi ni Kim

Nice sabi ni Julia

Sexy sabi ni Sarah

Delectable sabi ni Empress

Adorable sabi ni Maja..

Ay! Bakit naman adorable? sabi ng emcee nacurious din ata.

Kasi Sweet and nice pwedeng ipilit o magpanggap. Sexy - diet at exercise lang to achieve. Delectable pang R rated yan.. pero ang adorable kahit mataba ka o pangit ikaw pa rin ang center of attention ng mahal mo. 

Ayiiiiiii kinilig ang mga tao kay 'Maja'. Parang kilala ko boses nya ah.. pero hindi din pwede.. baka magkaboses lang sila nun..

Grabe ka naman sister!  haha! o sya dahil yan ang gusto mo panindigan mo yan till the end!

Nagtawanan ang mga tao. Simple ang banat ni "Maja" pero sapul sa puso. Meaning simple din sya na babae.

Enzo ano sa tingin mo may nag stand out na ba?

oo wala pa naman..tignan naten.

that ends round 1! and dahil dyan kelangan naten magtanggal ng 2 girls. Enzo sino unang matatanggal? 

Sana nga wala pero kelangan talaga mag tanggal. "Kim" and "Empress" I'm sorry but you're out.

Cute naman sina 'kim' at 'empress'. nakatanggap sila ng rose at hug.

Okay time for round 2! naku sina 'Julia' 'Sarah' at 'Maja' ang natira! sino kaya susunod na matatanggal? tignan naten! Enzo next question please.

Kung ma-stuck tayo sa isang deserted island at kelangan mong magdala ng isang bagay para masalba tayong dalawa dun...ano ang dadalhin mo at bakit?

Ako dadalhin ko lubid para may magamit tayo na panali para sa boat naten. Sabi ni 'Julia'

Ako dadalhin ko waterproof na satelite phone para makakatawag tayo ng tulong. Sabi ni 'Sarah'

Ako...uhhh... magdadala ako ng survival bag!sabi ni 'maja'

ANSAVEH?!bakit naman survival bag?

Kasi may dala ka ngang lubid wala ka naman pang putol. May dala ka ngang waterproof na satelite phone kelan naman darating ang tulong? Mas maganda nang survival bag at least my pagkain , damit at gamot kahit konti.

Well said 'Maja'...nakakatuwa yung mga sagot nya. simple pero may banat talaga.

So ayan tapos na ang round 2. Enzo kelangan mo nanaman mag tanggal ng isang girl para magharap sa final round. Ready ka na ba?

Ready na...I'm really sorry pero tanggal ka na.. 'Julia'

Ay! sayang bet ko pa naman sya! well better luck next time ate! Ayan na! ang final two naten ay sina 'Sarah' at 'Maja' sino kaya mananalo? simulan na naten para magkaalaman na!Ready ka na ba Enzo?

Yes!

Ready na ba kayo girls?

Yes!

Okay! so for the final round ako na magbibigay ng rules.Since Enzo is a versatile performer try to perform with him na nakablind fold sya. May it be dancing, singing, acting o kahit ano pa yan kelangan mag jive kayo ni Enzo on stage!

Dance at act ng naka blind fold ako?? Panu yun??

HEP HEP!

Stop ko na muna sya sa part na to.

Tingin nyo mananalo kaya si Alex a.k.a 'Maja' dito? And anong talent kaya gagawin nya?Abangan!!!

<AUTHOR'S NOTE>

Thank you thank you thank you talaga sa mga nagbabasa ng Idol Loves Fangirl! Alam ko medyo rough pa rin yung flow ng story pero sana maintindihan nyo.

Ano tingin nyo kina Alex at Enzo? Let me know sa comment box! At pag umabot na 200 reads ang Chapter na to post ko kaagad ang Chapter 4!or pag madaming nangulet saken ipost na yung chapter 4.. CHOZ! HAHA!

Much Love!

xx Alice

Idol Loves Fangirl ~~~~Completed~~~~Where stories live. Discover now