Niyakap ko siya ng mahigpit at pinugpog ng halik ang kanyang noo.




"Papa, ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya.




I smiled and pinched her cheeks, "Ayos lang ako." Tugon ko.




I sniffed her hair and the familiar scent lingers in my nose.




"Ang bango-bango naman ng prinsesa ko." Wika ko at patuloy na kiniliti siya.




She giggled, "Papa, kailangan tayong maaga sa school dahil unang tatawagin ang section namin." Paalala niya habang patuloy na sinasalag ang bawat kamay ko.




I laughed before nodding my head, "Yes, ma'am." I replied.




"Maligo ka na, papa. Igagawa kita ng paborito mong almusal." Aniya.




Tumayo siya at nagmartsa papuntang pintuan ng kwarto na nakabukas, ngumiti muna siya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.




Tumayo na ako at dali-daling nagtungo sa shower, walang saplot akong tumapat sa malamig na tubig upang bumalik sa sistema ang isip ko.




Kahit paulit-ulit kong isipin wala akong ibang maramdaman kung hindi ang kakulangan ng parte ng pagkatao ko. 




Tila malaking porsyento ng isip ko ang lumilipad habang patuloy na naglalayag sa isip ko ang napapanaginipan ko tuwing gabi.




Mga panaginip na kasama ko siya at punong-puno ng pangarap at pangako sa isa't-isa ang mayroon kami.




"Christine..." I whispered her name.




Even though I know that she can't hear it, even though I know that I can't get a reply because I know that she's gone.




She left.




I'm still hoping, I'm still wishing that she'll come back rushing to me, to us.




Because that's what she said always.




"MERRY CHRISTMAS DE LEON, WITH HONOR." The woman said as we climbed up to the stage where the principal holding a tons of medals are waiting for us.




Isa-isa kong sinabit kay Kris ang lahat ng medalyang natanggap niya.




Lahat ng bunga ng pagsisikap at pag-aaral niya.




After the graduation and recognition ceremony, we headed to the place where Kris chose to celebrate.




Not in the place where crowded people are congratulating her but in the place where her heart is always at peace.




"Mama, tignan mo oh." She raised the medals in her hand as she wipe the grave of her mother.




"Si papa ang nagsabit sa akin nito, dapat dalawa kayo pero dahil iniwan mo agad kami ni papa, si papa na lang." Nakita ko kung paano unti-unting bumuhos ang luha sa kanyang mapulang pisnge.




"Para sa inyo 'to ni papa, mama. Mag-aaral akong mabuti dahil sabi mo noon may mga bagay na kailangang paghirapan lalo na yung gustong-gusto kong makuha basta lagi lang magpray kay God." Aniya habang patuloy na hinahaplos ang lapida.




"Pero bakit ganoon? Ilang beses ko ng hiniling kay God na bumalik ka, bakit hindi niya binibigay? Ito oh, pinaghirapan ko 'to, mama. Kaya pakisabi kay God ibalik ka na sa'min."




PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin