CHAPTER 22

16.2K 466 15
                                    

CHAPTER 22







AGAD kong tinago ang papel sa aking bulsa at nang makabalik si Klaus ay tinanong niya kung bakit may bato doon.







"Hindi ko alam, baka may gusto lang mantrip." Binuhat ko ang box ng mga bato upang dalhin sa hardin ngunit agad niyang hinablot sa akin.






"Let me, it's heavy." Wika niya.






Tumango na lamang ako at hinayaan siyang dalhin ang box sa hardin, nang makabalik siya siya agad siyang naupo sa sofa at tinuloy ang pagtatrabaho gamit ang kanyang laptop.






Mukhang malalim ang iniisip niya kaya mas makakabuti kung sasarilihin ko muna ang papel na kasama ng mga bato.






Baka kase mamaya ay totoo lamang ang hinala ko na may gusto lang mantrip sa amin kaya may nagpadala ng ganoon.






Sasabihan ko na sana si Kris na sumama na sa akin sa taas upang mapaliguan ko na siya bago kumain nang dumating si kuya Cassius.






Seryoso ang kanyang mukha walang bahid ng pagbibiro, agad na nalihis ang atensyon ni Klaus nang maupo si Kuya Cassius sa kanyang harapan.






Ngumiti muna ito sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ni Kris bago sumulyap kay Klaus.






"I've got a report from Spain." Panimula niya.






Lumingon sa akin si Klaus at sinenyasan na ipaakyat si Kris kaya agad kong tinawag ang kasambahay na nag-aalalaga sa kanya upang ipaakyat sa taas.






"Paliguan mo na para mamaya ay kakain na lang." Utos ko, sumunod ito agad at inakyat si Kris na hindi malayo kay Skippy.






Nang kaming tatlo na lamang sa sala ay tumingin sa akin si kuya Cassius ng may pagtatanong ang mga mata.






"You can't still remember?" Tanong niya sa akin.






Umiling ako, miski ako ay napu-frustrate na rin dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala kahit isang pangyayari man lang sa naging buhay ko noon.






"She can't, and I don't force her to remember fast. Makakasama sa kanya kaya hayaan nating makaalala siya ng mag-isa." Tugon ni Klaus.






Tumango si kuya Cassius, "You have a point but your memories is what matters now. Ikaw lang ang nakakaalam kung sino ang na——" agad na pinutol ni Klaus ang balak sabihin ni kuya Cassius.






"Cassius," may pagbabanta sa kanyang boses at matalim ang tingin pinupukol ito.






Bumuntong hininga si kuya Cassius bilang pagsuko, "Fine, but she needs to know. Habang tumatagal ang oras na wala siyang maalala, mas humahaba ang panahon ni Cortez na gumawa ng plano para pabagsakin ka." Paliwanag ni kuya Cassius, kumunot ang noo ko sa pagtataka.






"Sino ba talaga ang Cortez na 'yon?" Tanong ko.






Tinignan ako ni Klaus na parang sinasabing hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ko ang lahat kaya napabuntong hininga na lamang ako.






"By the way, as what I've said earlier, I've got a report from the organization from Spain. Someone spotted Cortez' men roaming around Madrid as if they're searching for someone." Wika muli ni kuya Cassius, inilapag ni Klaus ang laptop sa center table at seryosong bumaling muli ng tingin kay kuya Cassius.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz