Chapter 2

20 1 0
                                    

"Your girlfriend?" tanong nanaman  nya.

Nabigla ako sa tanong na yun!

"Dili man oy!" tanggi ko at inalis ang pagkakaakbay ni East saakin. "Hindi kami talo neto, kaibigan ko lang" sabi ko at siniko si Easton ng mahina sa tagiliran.

"Uh okay.." tango tangong sabi nya.

Napalingon kami sa may hagdanan at nakita ko ang isang magandang babae ka edad lang ata sya ni Nanay. Maputi chinita at kulay pink pa ang lips.

"Oh you're here na" sabi naman nya ng makalapit na sya dito sa gawi namin. "And who's this young lady?" Tanong nya at tumingin saakin.

"Ahhh mom si Vivoree nga po pala, sya nga pala yung sinasabi kong magaaply na katulong rito" sagot ni East.

"Is that so?" gulat nyang sabi.

"Ahh opo madam, ako nga po pala si Vivoree Pontelana" magalang kong sabi. "Kaibigan ko po tong si Easton, eh sabi nya daw na kailangan nyo po ng bagong katulong" nakangiting dagdag ko pa.

"Oh thats great!" masayang sabi ng mama ni Easton. "Oh by the way you can call me Madam Celes, so kailan ka na pwedeng magsimula?" Tanong neto, medyo nagulat ako sa tanong nya ha.

Diba ako dapat magtatanong nyan?sa isip isip ko.

"Ahh depende po sa inyo madam kung kailan na po pwede" nakangiting sagot ko.

"Hmmm pwedeng tomorrow na?" Tanong nya. Mas napangiti pa ako.

"Opo naman po madam!" magiliw na sagot ko.

Sabay naman kaming napatingin sa may pinto na may pumasok na dalawang lalaki. Magkamukhang magkamukha sila.

"Oh!you're here na din pala" lumapit si madam sa dalawang lalaki at nakipagbesuhan pa. "And by the way here's my twin sons" lumapit silang tatlo. "This is Nolan and Nicholas" ngumiti ako sa kambal. Ngumiti rin sila saakin.

"Ah,good afternoon mga boss" Sabi ko sa kanila at nakipagkamayan.

"Nolan"

"Nicholas"

"Vivoree po mga boss" nakangiting pakilala ko sa kanila.

"Hmm...mom akyat na po kami" paalam nya Kay madam celes.

"Okay son" nakipag beso namuna Ito bago umakyat sa taas.

Nagsalita Naman Yung si Axus. "Mom akyat narin ako! May aasikasuhin pa ako sa taas" paalam nya. Tumango nalang si madam celes. Tumingin na muna saakin yung Axus kaya nginitian ko sya.

Sya naman ay tumango nalang at umakyat na sa taas.

Rinig kong bumuntong-hininga si madam celes. "And by the way" lumingon lingon si madam celes.

"Yaya Lorde?" pagtawag nya dun sa Isa sa mga katulong.

May lumapit saaming isang babaeng nakaonipormeng pangkatulong. Maganda sya, maputi at medyo maliit.

siniko bahagya si East."Boi chixs oh" turo ko dun sa babae.

"Tss..hindi ako napatol sa katulong" bulong nya saakin.

Sinamangutan ko sya. "Tanga!wag mong minamaliit yang mga katulong nayan boi, ako nagsasabi sayo..." bulong ko rin.

Umiling nalang sya. Hanggang sa lumapit na saamin si madam celes tsaka yung magandang kasambahay.

"Hija meet Lorde" sabi ni madam.

"Ahh...magandang hapon Lorde" nakangiting pagbati ko saka nakipagkamay sa kanya.

"A-Ako nga pala si Lorde.." nahihiyang  pagpapakilala nya.

"Well same lang kayong bago rito sa mansyon ko as a katulong" ani Madama. " At ang gusto ko ay magkakakilala kayo dito sa mansyon ko" nakangiting dagdag pa ni Madam.

"Ay!walang problema yun madam,eh mukang friendly naman po sila" nakangiting sagot ko.

"Ay totoo yan!" pagsangayon ni madam at saka umupo. Sinenyasan din ako na umupo kaya umupo narin ako.

Si East naman ay aakyat na muna daw sya sa kanyang silid at tawagin nalang daw nya ako kapag tapos na kami magkwentuhan ni madam celes.

Yung si Lorde naman ay umalis narin dahil may gagawin daw sya. 'Bagay talaga sila ni East'

"At saka alam mo ba Hija..." kwinento saakin ni madam celes ang mga nangyayari rito sa mansyon nya. Nung nabubuhay pa ang kanyang asawa.

Nakakalungkot lang dahil miss na miss nya na daw ang kanyang asawa. Pinakita nya rin saakin ang picture ng asawa nya. Namangha ako sa itsura nya. Kamukha ni Easton yung daddy nya pati yung Axus.

Gwapo ang asawa ni Madam Celes. At para syang modelo dahil sa laki ng katawan nya. Siguro sa kanya nagmana yung mga anak ni madam celes.

Pero ang mas nakakalungkot pa ay biglaan daw ang pagkamatay ng manyang asawa dahil daw sa stroke. Kita talaga ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Grabe naman po nangyari sa Asawa nyo Madam" sabi ko.

"Oo nga eh..." malungkot nyang sagot. "Pero wag na natin pagusapan baka maiyak pa ako" ngiti nya. Pero kahit nakangiti sya ay kita ang lungkot sa kanyang mga mata. "Oo nga pala Hija hindi ka pa ba uuwi?maggagabi na"

"Ay!oo nga pala madam hehe..." napakamot pa ako ng ulo. "Ahmm madam pwedeng puntahan ko muna si Easton sa kwarto nya?magpapahatid lang po sana ako sa kanya" nahihiyang aniya ko.

"Okay sige hija go ahead" nakangiting sagot ni Madam.

Kaya naman ay umakyat na ako papunta sa kwarto ni Easton. Pero hindi ko inaadahan na maliligaw ako dito!

Ang laki ng second floor nila!at ang dami pang kwarto!kaya hindi ko alam kung saan ang kay Easton.

Lumiko ako sa may parang hallway para hanapin ang kwarto ng kumag nayon!

Pagliko ko naman ay may nakita akonv lumabas sa isang pintuan ng kwarto.

Nagtama ang aming paningin at mukang nagulat pa sya na nakita nya pa ako rito.

"What are you doing here?" takang tanong nya.

"A-Ahh ano kasi sir...hinahanap ko po yung kwarto ni Easton" nahihiyang sagot ko.

Lalo pa atang nagsalubong ang kanyang kilay. "Bakit mo hinahanap ang kwarto nya?" tanong nya ulit.

'Dami namang tanong neto. "Ah sir kasi sabi nya puntahan ko nalang po yung kwarto nya pag tapos na raw po kami magusap ni madam celes" paliwanag ko.

"Oh, okay...andun sa pinakadulo yung kwarto nya" walang ganang tinuro nya ang kwarto ni East.

"Salamat po sir!" nakangiting sabi ko.

Tumango nalang sya at saka nya ako tinalikuran. Pero pansin ko medyo nakangisi sya at hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko nalang yun inisip at naglakad papunta sa kwarto ni East.

Kakatok na sana ako ng bigla akong mag marinig na hindi kanais nais na tunog!

Marrying Axus Laxxamana (Laxxaman Series #1) |On Going|Onde histórias criam vida. Descubra agora