Chapter 1

25 4 1
                                    

"Tangina kinakabahan ako man!" sabi ko kay Easton.

Kasalukuyan kami andito sa sasakyan nya at papunta na sa mansion netong gunggong nato.

"Wag kang kabahan mabait yan si mama" sagot ni East ang mata nya ay nakatingin sa kalsada.

"Kahit pa Aba! Malay mo hindi ako magustuhan nun" takot na sabi ko.

Natawa sya. "Ayaw pa maniwala, ako na nagsasabi sayo mabait yan si mama, mas mabait pa sa mabait"

Hindi nalang ako sumagot. Tumingin nalang ako sa bintana at iniisip kung anong itsura ng mansion netong kumag na to.

"Boi malayo paba?" tanong ko. Inaantok na kasi ako. Maaga rin ako nagising.

"Malapit na..." mahinahong sagot nya.

Tumango nalang ako at saka tumingin ulit sa bintana. Nagulat ako ng iliko ni East yung sasakyan sa isang malaking bahay. Ito na siguro ang mansion nila.

"Okay andito na tayo" sabi nya nung mapark na nya ang sasakyan.

Nauna syang bumaba saakin at saka pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Salamat" sabi ko at saka bumaba na ng sasakyan.

"Laki no?" tanong ni Easton.

"Oo nga man!" pagsangayon ko. "Ilang lang kayo nakatira rito?" Tanong ko habang naglalakad.

"Hmmm, mga nasa ano kami pito nakatira dito" sagot nya, tango tango nalang ang tugon ko.

Ang Laki talaga ng mansion nila. Parang palasyo. Sabagay mayaman naman talaga kaya afford nila yung gantong mansion.

Ang pagkakakwento ni Easton saakin is. Marami raw silang nabili na lupain hindi lang daw dito sa manila pati narin sa ibang probinsya. Marami rin daw gustong maging asawa ang mga Laxxamana kaso ang sabi naman saakin ni Easton, ay alam nya lang daw eh pera lang daw ang habol nila sa mga Laxxamana.

Pero kung magaasawa ako ng mayaman, gusto ko yung magdededate lang kami sa isang Lugar na hindi masyadong magastos. Ayoko na nasasayang ang mga pera para lang sa isang bagay na mawawala rin naman.

"Aling Nena" pagtawag nya sa isang katulong. Lumapit naman saamin ang isang matandang babae kasing edad lang sila ni Nanay.

"Ano yun East?" tanong nung Aling Nena.

"Ahh pakitawag po si mommy, tsaka po pakisabi na rin po na andito na yung sinasabi ko na magaaply na katulong" sagot ni Easton. Umakyan naman yung Aling Nena para tawagin yung amo nya.

"Upo ka muna dun man" sabi saakin ni Easton at tinuro yung malaking sofa. Tumango nalang ako at saka umupo.

Nagpaalam muna saakin si Easton na pupunta muna daw sya ng kusina para kumuha ng maiinom kaya pumayag na ako. Hindi naman aalis yung kumag na yun.

Ako naman ay nilibot ng paningin ko ang buong sala. Ang ganda ng mga gamit puro mamahalin. Kung ako man ang titira rito eh hindi na ako lalabas para na kasi akong nasa mall.

Ang ganda din ng mga display na halaman. At pansin ko sa mga katulong ay malinis rin silang maglinis, alam mo yun yung walang alikabok na natitira sa sahig.

Malamig pa dito sa loob. Pero sanay na ako sa malamig. Yung sofa rin dito malambot parang kama lang ng mayayaman. At malinis rin ang sofa.

Makikintab ang mga vase at may nakikita rin akong mga display na trophy sa isang aparador. Merong ginto na trophy meron ring silver.

Ako naman ay tahimik lang na nililibot ng aking paningin ang sala. At napatingin ako sa may pintuan ng may pumasok na isang lalaki na naka grey na polo at pantalon. Napatingin rin sya dito sa gawi ko at kumunot ang noo nya.

Napatayo ako at tumango bahagya. Nakakahiya naman no kung uupo lang ako.

"Uh, who are you?" Takang tanong nya.

"Ahh ako nga pala si Vivoree" sagot ko.

"And why are you here?" tanong nanaman nya.

"Uh kasi...mag--"

"Yow!" naputol ang sasabihin ko ng sumulpot si Easton. "Buti naman andito kana!sakto may papakilala pala ako sayo" umakbay si Easton dun sa lalaki at lumapit dito sa gawi ko.

"Vivoree eto nga pala si Axus" sabi ni Easton. Lumapit naman saakin si Easton at inakbayan ako. Sanay na ako sa mga ganyan ni kumag. "Axus this is Vivoree" pinakilala nya pa ako.

_________________________________________

Marrying Axus Laxxamana (Laxxaman Series #1) |On Going|Where stories live. Discover now