2. Second Time Around

Start from the beginning
                                    

I have been haunted by that green eyes for a month now. Ito ang unang beses na ipininta ko ang mukha ng estranghero. He commands people with his green orbs. They were unforgettable that I fainted. It was embarrassing. Sobra, hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang pisngi ko kapag naaalala ko iyon. At least, I don't need to deal with that. Alam kong siya ang may-ari noong sasakyan na sinukahan ko.

The next morning, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang hospital room. Wala akong ideya kung paanong napunta ako roon. Manang was really worried. Akala niya kung anong nangyari sa akin.

I just fainted. Kagagawan ng lalaking may berdeng mga mata.

As much as I wanted to finish the painting, it's impossible. Kuhang - kuha ng isip ko ang kanyang kabuuan, pero hindi ko iyon magawa ng tama ng mga kamay ko. I wouldn't dare to have a chance meeting him again.

Bakit kasi duling? It's frustrating. Napakamot ako sa ulo.

Why was he in my mind, anyway?

_________

"Hoy, Bahaghari!"

My eyes flickered at the side, where Aramis was standing. May dala siyang folders. Pinapaypayan niya ang sarili gamit ang hawak na folder. Namumula pa ang kanyang mukha siguro sa init ng panahon. Malapit lang sa cafe ang The Daily Journal na pinagta-trabahuhan ni Aramis.

Kumunot ang kanyang noo nang mapatingin sa hawak kong kapirasong papel. Pasimple ko iyong itinago. "Napapagod ang ganda ko sa'yo." She rolled her eyes at me.

"Ha? Edi magpahinga ka." Ibinulsa ko ang papel.

"St. Rainbow Zamora, Patron of Slow. Please lang, umayos ka. Mainit ang ulo ko ngayon." Aramis shook his head. Padabog siyang naupo sa harapan ko. Mukhang napag-initan ng kanyang Uncle Lucas. Well, she's just as frustrated every time. "Ang dami ko ng trabaho, kapag pumalpak siya, ako pa ang may kasalanan!"

Nangalumbaba lang ako habang nakikinig sa rants niya sa buhay. I've seen her struggles myself, kung mayroon mang makakaintindi ng lubusan kay Aramis, ako iyon.

"Kapag sakto na ang ipon ko, I'll move out and live independently. O gusto mo, magsama tayo?" she asked.

I pouted and shook my head. "Parati mo naman iyang sinasabi. Hindi mo naman ginagawa."

Kahit naman mayroon siyang ipon o wala. It was still hard for her to move out of the Eduardo's manor. Para sa kanya isang malaking utang na loob ang pagkupkop ng mga ito. Pinagbayaran naman ng kaibigan ko ang pagkupkop nila. They were treating her horribly.

"Isa pa, I need my peace of mind. Masyado kang maingay tapos may boyfriend ka pa at ikakasal na."

"Are you suggesting that I should offer that privilege to Dylan than you? Ayoko makipag-live in 'no? Dalagang Pilipina kaya ako. Bakit ba hindi pa tayo umu-order? Ako na nga." Muli siyang tumayo para pumunta ng counter.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Ngumiti ako nang lumingon siya sa gawi ko. I was really waiting for her to order. Pag-order man, kinahihiyaan ko pa.

Na-divert ang atensyon nang mayroong humagikhik sa gilid ng table. There's a cute little guy laughing at something. He looked like a three year old. Mayroon siyang hawak na papel na mukhang source ng kanyang pagtawa.

Who would let this kid roam around the cafe without proper guidance? Lumingon ako sa ibang parte ng cafe. Mukhang wala siyang kasamang guardian. Kinagat ko ang labi ko bago ako nagsalita. Ayokong mag-freak out iyong bata.

"H-hi, a-are you lost?" Mukhang mas kabado ako kaysa sa batang lalaki.

The boy looked at me, still smiling. "Mi-mine!" He giggled. Ipinakita niya sa akin ang kanyang hawak na papel. Kinapa ko ang aking bulsa. The scratch paper wasn't there. Nakuha na iyon ng bata.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now