"W-Why? Doc akala ko ba, magiging ayos siya? Bakit may s-seizures? Hindi ba at imposible 'yong mangyari dahil wala naman siyang ibang sakit bukod sa cancer?" naguguluhang tanong ko.

"Leukemia is a type of a disease that can also cause symptoms in organs that have been infiltrated or affected by the cancer cells. Chemotherapy can also trigger the cancer cells. Sa isang madaling salita, if the cancer spreads to the central nervous system, it can cause headaches, nausea and vomiting, confusion, loss of muscle control and seizures. We witnessed those things na naranasan ng kapatid mo," he explained.

Mas lalo akong nalula sa napakinggan. Pow Pow's condition is getting worst as days passed by, hindi siya gumagaling. Walang improvement sa mga kilos niya. Wala. Lahat ng inaasahan kong mangyari, parang nababaliktad.

I can't help but to cry loud. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Third na nasa gilid ko.

"You promised me, d-doc, you promised me that he'll recover soon. Wala n-na akong maintindihan sa mga nangyayari," umiiyak na bulong ko.

"I'm very sorry Miss. Montevero, gagawin namin ang lahat para maging ligtas ang kapatid mo."

"Baby, hush now. It's gonna be alright, stop stressing yourself," Third whispered to me.

'Yon na lang ang tangi kong narinig bago ako mawalan ng malay.

I WOKE up on a Hospital bed, ramdam ko rin ang malaking kamay na nakakapit sa kamay ko.

Napangiti ako nang makita si Third sa tabihan ko. He smiled at me back when he saw me smiling at him.

"Hey, you're awake. How's your feeling?" he asked me.

"I'm good, medyo masakit lang ang likod ko pero kaya naman. Dati nga nagkakargador pa ako, huwag ka masyado mag-aalala sa akin, napaghahalataang patay na patay ka sa akin," mayabang na saad ko.

He chuckled mischievously.

"I'm really head over heels to you, baby. Bakit ka pa nagtataka? You're not supposed to make it a joke because that's one hundred percent true," nakangising sabi niya.

Pinamulahan ako ng mukha. "Tangina, shet, sapul na sapul puso ko. Para ka talagang datu puti na suka, asim kilig ako lagi sa 'yo. Kiss mo nga ako."

Nanggigigil na pinisil niya ang ilong ko bago ako patakan ng halik sa labi.

Hmm, yummy.

"Saan ka galing kanina? Pagkagising ko, umalis ka raw. Akala ko nga may babae ka na," nagtatampong saad ko.

"Silly, I went somewhere," diretsyong sagot niya.

Tumango-tango ako. "Talaga? Tinanong kita kanina kung saan ka nagpunta, sabi mo nakalimutan mo," pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "What?"

"See? Makakalimutin ka nga! Nag-usap tayo kanina!" saad ko.

"What are you talking about, Silhouette? Hindi ako makakalimutin," matigas na saad niya.

"Talaga? Kung hindi ka makakalimutin, saan ka nagpunta?" tanong ko.

"Inside that abandoned place, somewhere," mabilis niyang sagot.

"Anong ginawa mo?"

"I eliminated three--" He stopped talking when he realize what he just said.

Tumawa ako nang malakas habang tinuturo siya. "Huli! Sabi na nga ba at ikaw ang kausap nila Thunder kanina. Wala kang matatago sa akin, Third, tell me, anong ginawa mo?"

Dumilim ang mukha niya.

"I killed then, I only took those three dahil sila lang ang naabutan ko," malamig na sagot niya.

Hinaplos ko ang mukha niya para pakalmahin siya.

"What did you do to them?"

"I stabbed someone on the stomach and took his orgnans from his body, I stabbed someone's eyes, and I killed someone also using a hammer," diretsyo niyang pag-amin.

Natulala ako.

Hindi naman ako ganoon kabrutal pumatay.

"Huwag kang matakot sa akin, please? I was so mad at them, they hurt you," naiiyak niyang sabi.

May humaplos sa puso ko nang makita ang luha sa mata niya.

"Hindi ako galit, hindi rin ako natatakot sa 'yo. Sana sinama mo ako para maranasan sila kung paano mamatay sa sobrang pagkapikon, sana pala t-in-rash talk ko na lang sila," pagbibiro ko.

He just laughed at what I said.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now