Chapter 7

2 0 0
                                    


"So anong plano?"

Napaisip naman ako kung anong pwedeng gawin para kahit papano ay matulungan namin si Tyro na malimutan sandali ang problema nya.Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nag-iisip kung anong magandang gawin.

Nagtaas nang kamay si Shawn dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"Di ba school-break na natin next week?"tanong nya at tumango naman kami "What if,we go on a beach?or camping?or mount-climbing?o kaya mag-out of the country tayo?"he suggested.

Napatango-tango naman si Maya "That's a good idea."she agreed.

"So..alin sa apat na yun ang gagawin natin?"nakangiting tanong ni Jaja.

Natigilan naman si Maya at napaisip,ganun din kami "Let's go to the beach nalang."aniya.

Umiling naman si Jaja "Mas bet ko mag-camping tapos magtatakutan."she laughed.

Napangiwi naman si Shawn "Mas maganda magmount-climbing,may thrill,tapos gagawa tayo nang game na 'Kung sino maunang mahulog,siyang panalo'."proud na sagot nya.

Binatukan naman sya ni Jaja "Mamamatay tao ka din eh,no?"napailing-iling ako nang makitang umiiral nanaman ang pagkabayolente nya.

Napatingin naman kami kay Chase na komportableng nakahiga sa kama ko at nakaunan sa mga braso nya.

"We should go out of the country,like Singapore,Thailand,Hongkong,or even Korea."suhestyon nya habang nakapikit.

Umiling naman si Maya,hindi agree sa sinabi ni Chase "Sa beach nalang,mas ok pa,tsaka mas maeenjoy pa nya kase calm."pumikit sya saka kunyaring nagmemeditate.

Umismid naman si Jaja "Camping ang mas maganda!ang pangit kaya pagbeach,nakakaitim nang balat sa sobrang init."aniya at umiling-iling.

"Mount-climbing nga kase...para may thrill."pakikipagtalo naman ni Shawn.

"Out of the country nga."hindi naman nagpatalo si Chase.

Napasapo ako sa noo ko nang magsimula na silang magtalo kung saan ba kami magbabakasyon at kung san namin dadalhin si Tyro.You know,this should be for Tyro pero ang nangyayari ngayon parang sa kanila na.Hayy buhay,pagganto ba naman barkada mo,tatanda ka nang bata.

"Saglit nga—teka lang!"awat ko dahil sa sobrang ingay nila,naghahalo-halo na ang mga sinasabi.

Natigil naman sila at napatingin sakin "What if ganto nalang...what if lahat nalang nang yun,gawin o puntahan natin?para di na kayo magtalo-talo?ok ba?"suhestiyon ko.

Napaisip naman sila dun at di kalaunan ay mga nagsitango din,sinyalea na agree sila sa suggestion ko.

"Ok!now that we know what to do...magsiuwi na kayo dahil inaantok na ako,shupeh!"pagtataboy ko.

Nagsitayuan naman sila at kinuha ang mga bag na nakalay sa sofa.Akala ko ay uuwi na sila ngunit nagulat ako nang bigla silang mag-unahan papasok nang banyo.

"Ako nauna!"sigaw ni Jaja at tinutulak palayo ang dalawa.

"Gaga!ako kaya ang nauna!"ani naman ni Shawn at pilit sinisiksik ang sarili para makapasok sa loob.

"Aray!ano ba!yung ilong ko naiipit!"sigaw ni Maya nang siksikin sya nung dalawa.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sobrang ingay nila "May banyo pa sa guest room saka sa baba,wag kayong mag-unahan at magsiksikan jan dahil baka mamaya magiba yang pinto at tumakbo palayo yang cr."ani ko.

Hindi naman sila nahinto sa pag-uunahan hanggang sa makapasok si Jaja sa loob dahil sa pang-uuto.

"Ano yun?bird?"tanong nito.Napatingin naman ang dalawa kung saan nakaturo si Jaja dahilan para makapasok ito at masara ang pinto.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Dec 20, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Ever since we're kid(Barkada Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ