CHAPTER ONE

353 41 18
                                    

#PILY01

Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa'yong mga ngiti

Idinikit ko ang aking kamay at paabante itong pinaglayo. Kinabisado ko ang steps ng kanta at masigla itong sinayaw. Para akong nagpeperform sa stage sa harap ng maraming tao.

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang ng mahigpit aabutin natin ang mga tala

"Energy girls! Kembot pa!" Sabi ko habang nakangiti sa camera. Umiindayog kasabay ng kanta.

Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y nahanap ko sa mga tala

Nagpalakpakan ang mga kaklase namin pagkatapos, habang kami naman ay hingal na hingal.

Sa wakas, makatapos ang ika-anim na pag-uulit nagawa na rin namin ng walang palya!

"Wahh Blaire sisikat na ba tayo ngayon ah!" excited na sabi ni Francesca sa akin habang nagtatatalon pa.

"Hoy gaga sikat agad." Sumama ang mukha nito nang batukan siya ni Jasmine. "Paalala ko lang sayo 29 followers lang meron yang si Blaire."

"Hoy 30 na kaya. Huwag ka baka mamaya sikat na ang mama mo." Pagmamayabang ko dito habang tinitingnan ang video naming pinakuha namin sa aming kaklase.

Lunch time na ngayon at tapos na kaming kumain habang ang iba naman ay wala pa. Syempre sa lakas ba naman naming kumain mauuna talaga kami.

"Hmp kahit na ano, upload mo na dali!"

Binuksan kong muli ang Tiktok app ko at sinimulang i-upload ang sayaw.

#fyp #TalaDanceChallenge #Trio #Dancerist

Napangiti ako nang matapos nang maupload ito.

Aaminin kong hindi ako magaling sumayaw. Sabi nga nila, parang uod ako kung gumiling pero ano naman ngayon? I am confident enough to do everything even the things I'm not actually good at.

Ganiyan ang buhay high school.

Tagisan ng mga matatalino.

Labanan ng may mga talento.

Pero ang lahat ng ito'y tiwala sa sarili ang puhunan.

If you don't have confidence, then high school will be hard for you.  Yan ang palagi kong pinapaalala sa mga kaklase ko at iba pang mga estudyante.

"OMG parating na siya!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng aking kaklase.

Iniwan ko sina Jasmine at dali-daling nakisiksik sa pinto papalabas.

"Ay takte!" sabi ko pa nang muntik na akong matumba dahil sa tulakan namin.

Walangya! Kapag ako nainis pagsisipain ko ang mga ito!

"Yah Julian oppa!" sigaw ng isang babae nang parating na siya.

I gazed my eyes upon him. My heart suddenly raised up and down like the blood inside me is circulating too fast, I cannot endure. All the heat in me goes up to my cheeks making me blush, I almost squeak.

Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon