CHAPTER NINETEEN

42 12 2
                                    

#PILY19

"Tita Merry Christmas po!" I hugged Tita Micky as I opened the door for them.

"Merry christmas hija. Here take this, regalo ko sayo."

"Wow thank you po!"

Agad kong tinanggap ang regalo kay Tita. Hindi naman nagtagal ay pumasok na rin sa loob si Shan.

Mom invited Shan and Tita Micky to celebrate Christmas eve in our place just like last year.

Dalawa lang kasi sila at hindi rin naman kami kumpleto kaya mas masaya kapag magsama-sama na kami.

"Hoy Mikael regalo ko." sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kaniya.

"Hindi mo pa nga ako ginigreet, regalo agad."

"Merry Christmas Shan hehe." pagpapacute kong sabi.

Sa halip na batiin ako pabalik ay ginulo lang niya ang buhok ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Pagdating sa kusina ay nakita kong nagtutulungan si Mama at Tita Micky sa paghanda ng Aguinaldo samantalang si Kuya at Shan naman ay nasa tabi at may pinag-uusapan.

Bigla ay tumunog ang phone ko na siyang ikinangiti ko.

Dali-dali akong pumunta sa sala at sinagot ang tawag.

"Merry Christmas Pa!"

I heard him chuckled from the other line. "Merry Christmas din anak."

"How are you? Kumain na po ba kayo? Anong aguinaldo niyo?" Sunod-sunod kong tanong.

Everytime Dad called, I get really excited.

"Tapos na anak. Nagkaroon kami ng konting salo-salo dito kasama ng mga kasamahan ko. Kayo?"

"Mom and Tita Micky are preparing the foods. It's already twelve na dito Pa."

"Really? I should call your Mama na then."

"Yes Pa. May utang ka saking regalo ha. Pagbalik mo doble sisingilin ko sayo."

Tumawa si papa. "Oo anak. Mag-ingat kayo dyan lalo na ang prinsesa ko hmm. I love you."

"I love you too Papa. Muah muah!"

When I end the call, I hurriedly went back to the dining because there's only 15 minutes left before Christmas.

Tumabi ako kay Kuya at Shan na nakaupo na sa mesa. Nag-uusap pa rin sila pero ginulo ko ito.

"Kuya regalo ko."

I grabbed Kuya's arm and pouted at him.

"I don't have one."

"Kuya naman eh!"

Paanong wala? Tinanggap na nga niya ang regalo kong sapatos eh tapos hindi niya ako bibigyan. Sa kaniya pa naman ang pinakamahal na regalong binili ko.

Ginulo ni Kuya ang buhok ko habang nakangiti sa akin.

"Just kidding. Kunin mo dun sa ilalim ng Christmas tree."

                                                      
"Talaga? Yes!" Excited kong sabi pero agad na nawala ang ngiti ko nang tumawa si Shan.                             

"Anong tinatawa mo dyan? Alam mo bang no gift no entry dapat ha. Hindi ko rin bibigay regalo ko sayo hmp!"

"Mamaya na nga Alaska. Masyado kang atat, mamaya pa ang Christmas huy."

Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon