Fourteen

22 2 0
                                    

Fourteen

Party

SAKIT sa tenga ang naging biyahe namin ni Sanchez, yung tipong mabibingi ka 'di dahil sa sobrang ingay kundi dahil sa sobrang tahimik nito. Tanging ang makina lamang ng sasakyan niya ang namumutawi sa tunog.

Nang mai-park na sa harap ng gate namin ang kaniyang sasakyan ay agad kong inalis ang pagkaka-lagay ng seatbelt. Natutop ako sa kinauupuan at nagdadalawang isip kung paano papasalamatan si Sanchez ngayong gabi.

Nababahala man ay iwinaglit ko na lamang sa aking isipan at matapang na sinalubong ang mga titig niyang kanina pa nakatuon. Marahil pinagmamasdan ang aking gagawin, "Thank you, Sanchez," mahina kong tugon. Dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kaniya.

Well, sino ba ang hindi?

Like what he's usually is, binigyan niya lamang ako ng isang malamig na titig at tumango bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan. Nabigla ako sa mabilis niyang pagkilos kaya't hindi ko na nabuksan ng kusa ang pinto ng shotgun seat.

"Gusto mo pa bang hatakin kita palabas?" gentleman na sana kaso nga lang, walang modo.

Hindi mo malaman kung bukal ba sa puso at saloobin niya ang pagtulong dahil wala kang makikitang bakas ng genuineness sa kaniyang pagmumukha. "Lalabas na po, salamat ha!" pairap at labas sa ilong kong tugon na sinagot niya rin ng pagikot ng mata.

Ang sarap lang dukutin at itapon sa malayo ang eyeballs nitong lalaking 'to.

"Sa susunod, 'wag kang mahihiya humingi ng saklolo dahil marami naman ang handang magbigay ng kamay para tulungan ka. Masyado mong inuuna ang pagiging selfless na hindi mo namamalayang paunti-unti nang nawawala ang mga taong kaya kang tulungan."

Sa ilang beses kong nakasama at nakausap si Sanchez ay ngayon lang siya nakapag-usal ng hihigit sa sampung salita.

Tanging mga ilaw na lamang sa poste, sasakyan at buwan ang nagsisilbing liwanag naming dalawa. Marahang tunog ng mga kulisap at huni ng ibon sa paligid naman ang natatanging ingay.

Mas lalong sumeryoso ang awra niya, "Stop worrying about other people. Start thinking about yourself," huminto siya bago ako binigyan ng isang malamig na tingin.

Napailing na lang siya bago tuluyan akong tinalikuran at dumiretso sa sasakyan niya. "Enough with that kind of thinking. You'll never grow."

Di ko alam kung saan niya kinukuha ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. I can't understand him. He'll stress my eyelashes if ever man magkakausap kami araw-araw. Hindi pa man siya nakakapasok ay nagsalita ako, "Nagpasalamat lang naman ako sa pag-alay mo ng libreng sakay tapos kung ano ano na pinagsasa-sabi mo diyan. This is my nature and I'm not taken for granted by my friends, if that's what you are worrying about." Isang ngiti at kumaway ako bago umatras sa sasakyan niya. "Ingat, Sanchez!"

Pagkarating ko pa lamang sa loob ng bahay ay agad nang hinahanap ng katawan ko ang kama ngunit nilabanan ko ang tukso dahil kina-kailangan ko oang mag-aral. Nakapag-paalam na rin ako sa mga magulang ko na gisingin ako bukas ng maaga dahil may practice na naman kami.

***

"Number six, foul!" malakas na sigaw ng side referee pagka tapos ng isang mahabang pagpito.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bleachers sa field dahil may practice game ang soccer team ng Estrello. Wala naman sana akong balak na sumama dahil mas gugustuhin ko pang mahiga at manatili sa Hut para ipagpatuloy ang binabasa kong novel.

Kaso wala akong choice dahil hinatak na ako ng dalawa kong magagaling na kaibigan na hayok sa mga lalaki.

Si Chelsea na dapat ay may pasok ngayon ay piniling mag-cut dahil gusto raw niyang makakita ng nagbabagang mga lalaki.

MY HEART, DIAMOND (ESTRELLO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon