Twelve

42 4 2
                                    

I still suck at writing so thank you for bearing with it...

------

Twelve

Kiss

"TEKA nga," pagtutol ko habang patuloy parin akong hinihila ni Diamond. Kasalukuyan kami nandito sa beach front, nakikinita ang nagnining-ningan na mga bituin sa kalangitan.

Huminto siya sa paglalakad at patuloy ang kaniyang malalim at mabilis na paghinga na hindi pa rin ako nililingon. At hanggang ngayon ay magkalapat pa rin ang aming mga kamay.

Nakatingkayad ako at nagpupumilit na makasilip sa mukha niya. "Hey, okay ka lang?"

Nakapagtataka lang na matapos niya akong ilayo sa restobar na kung saan kami nagkakasiyahan ay bigla niya akong hahatakin palabas at wala man lang sinabi ng kahit ano.

Maingat kong hinawakan ang braso niya gamit ang kaliwang kamay at buong pwersa ko siyang hinarap sa'kin. Diretso kung tumingin sa aking mata si Diamond, hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman.

Sumasabay sa bilis ng paghinga niya ang pagtibok ng sarili kong puso. Mabilis kong itinapat ang kamay sa dibdib upang pakiramdaman ang tibok nito.

Hindi ko mawari kung paano bang sa isang sulyap ng lalaking ito ay siyang biglang sumabay sa pagtambol ng puso ko sa malalim niyang paghinga. At tila ba'y ayaw magpatalo sa isa't-isa, nagpapabilisan.

Tatlumpung segundo. Walang kumakalas sa titigan namin na dalawa.

Nakakalunod masyado ang mga mata niya. Nakakapanghina. Ayaw magpatalo sa mga bituin ang dalawa niyang mata na kumikinang, isang malawak na kalawakan. Nakakainggit ang mahahaba at maitim niyang pilikmata.

Halos gusto ko pang titigan ito ng malapitan nang matutok ang sariling paningin sa labi niyang inaasam ng bawat kababaihan.

Mapula, makapal at kahit hindi ko hawakan ay alam kong malambot ito. Sabayan pa ng mahalimuyak niyang amoy na sumasama sa hangin. Nakakapang-akit siya.

Ang kaniyang matangos na ilong. Poreless.

Totoong tao ba 'tong nasa harapan ko ngayon? Ang gwapo niya lalo sa malapitan. Mukha siyang anghel sa mga oras na ito, ibang iba sa Diamond tuwing umaga.

Bigla 'kong napaiwas dahil naalala ko na hindi ako nakapag skin care kanina, kaya sigurado akong nakita niya ang mga blackheads at ang kulang sa alaga kong balat.

Hindi ko alam kung ano ang dapat iakto dahil mas lalong naging awkard ang sitwasyon namin ngayon. Pero nanatili siyang nakatingin sa akin na dumagdag sa kaba ko. Hindi na magkandaugaga ang utak sa sasabihin para matigil ang pagtitig niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili at lumuwag ang dibdib ko dahil kumalma na ang kaninang mabilis na tibok ng puso.

Samantala ang lalaking kaharap ko ngayon ay humahangos pa rin ng mabilis. May asthma ba 'to?

"Uhm, are you okay? You're breathing-" magtatanong pa sana ako ng sa wakas ay umiwas siya ng tingin. Ngunit, patuloy pa rin siya sa paghinga ng mabilis kaya kinuha ko ang dalawa niyang kamay at kinulong sa sariling mga kamay.

Marahan ko itong pinisil, isa... dalawa... tatlo... apat... lima...

Bumagal ang tempo ng paghinga niya kumpara kanina, sinasabayan ang bawat pagpisil ko kaniyang kamay. Kumalma at nawala na rin ang tensyon na makikita sa mukha niya ngayon at bumabalik na rin sa dati ang blanko niyang ekspresyon.

"Kalmado ka na ba? Gusto mo ba ng tubig na maiinom?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Naghihintay ako na sagutin niya ang tanong ko ngunit wala akong makuha na salita mula sa kaniya, "Uhm, teka lang, ibibili kita ng tubig."

MY HEART, DIAMOND (ESTRELLO SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon