Chapter 9: A Beautiful Mess

590 36 2
                                    

N/N: 


Hello, guys!  It's been so long simula nung huli kong update, yes po, hindi naman ako nag-hiatus dahil medyo naging busy lang ako sa work nitong past month at buti na lang nagkaroon kami ng short break ngayon.  Yay!  Thank you for reading this story kahit alam ko na most of you ay inaantay lang na matapos 'to bago nila basahin.  :) 


Chapter 9: A Beautiful Mess


"What a beautiful mess this is."


RUSSELL:


Nagmamadali akong pumunta sa hospital kinabukasan nang mangyari ang insidente. Habang naglalakad ay naisip ko na baka pakana na ito ng mga taong may kinalaman sa tatay ni Casey. Hindi ako maaring magkamali dahil isa rin siyang prinsipe at maraming magtatangka sa buhay nito.


Naalala ko tuloy na agad kong binaba ang tawag ng nanay ko nang marinig ko ang sigaw ni Casey. Simula kahapon ay nakatanggap ako ng higit 20 missed calls at sandamakmak na text galing sa kanya. Bakit kaya? Alam ko naman na alam niya ang lahat ng tungkol sa akin dahil sa marami nitong alagad na nagbabantay. Hindi naman lingid sa kaalaman ko pero alam ko na binabantayan ng nanay ko ang bawat galaw ko. Isa 'yan sa rason kung bakit ako umalis sa bahay nito at nagsarili.


Pumasok na ako sa kwarto kung saan naroon si Casey. Ganoon pa rin at wala pa rin itong malay pero kahit na ganito tiwala pa rin ako sa sinabi ng doctor na hindi naman magtatagal ay magigising na rin ito. Tinignan ko ang cellphone ko at basta na lang rin binura ang mga messages at missed call ng nanay ko. Nasabi rin pala ng mga kaibigan ko na dadalaw sila rito sa ospital para magdala ng pagkain kaya nauna na ako sa kanila.


Speaking of the "devils".


Narinig ko na ang katok sa pinto kaya agad ko itong binuksan. Sumalubong sa akin ang prutas na dala ni Jester at iilang mga grocery items na dala naman nung dalawa.


"Kumusta na si Casey?" Tanong ni Carmela matapos nitong ilapag ang dala nito sa lamesa.


Ngumiti ako rito as a sign na mabuti naman ang lagay niya. Ayaw kong magising si Casey dahil sa ingay ng pag-uusap namin. He needs to rest lalo na at hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip ko kung sino ang gumawa nito.


"Pero you still don't know who did this? Wala bang nakakita sa mga CCTV cameras ng office?" Sunod-sunod na tanong ni Karl at tinanguan ito ni Jester.


"Wala, I can't find anything kahit na sa mga eyewitness mukhang wala ring nakakita."


Umupo si Jester at Carmela sa maliit na sofa sa loob ng kwarto pero hindi natinag si Karl at lumapit ito sa akin, "If that is the case, Russ, iisa lang ang meaning niyan... malapit kay Casey ang gumawa nito."


Napangiti ako dahil isa rin ito sa pumasok sa isip ko. There are a lot of possibilities kung sino pero hindi naman rin ako nawawalan ng suspetsa.


"Most of the time pare ang ganitong cases sa court and madalas gumagawa ay ang sekretarya." Dagdag pa ni Jester.

The Other Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon