I don't want to talk about it but I guess naman, mapagkakatiwalaan sila at hindi naman gagawa ng noise ang sasabihin ko.

"She's the daughter of my dad's fiance.. It's so magulo so let's not dwell on it, alright?" I smiled at them.

Buti nakuha kaagad nila so hindi na sila nagtanong. They keep talking and talking about certain people in the school. Celeste, Buenvenidez, Villafuerte, Cuerva, Fontana, I can't follow. Ang dami at nabukas lang ang tenga ko kapag nababanggit si Cai.

"Sayang 'no, hindi natin kaklase si Cai," Napatingin ako kay Andrea.

"Kaklase mo dati?" I curiously asked.

"Nung grade 7, last year magkaklase sila ni Marj." Sagot niya.

"What does it feels like to be his classmate?"

Marj pouted. "Dami admirers kasi sikat! Suplado! Favorite ng teachers!"

"Suplado?"

"Very. Si Faith, Rich, Amanda lang ang closest friend niya na babae.." Turo ni Julia. "Bakit ka nagtatanong? Crush mo din?"

I smirked and shrugged.

Amanda laughed. "Nako, Keesh! Mahaba ang pila! Bawal sumingit!"

"Hindi naman ako pipila. Naka VIP ako," I laughed and they all laughed too. "Kayo ba crush niyo? Let me know so I would not befriend you."

Lalong natawa si Julia. "Almost all the girls in this school once had a crush on him. Kahit kaming apat pero hanggang dun lang. I mean, nakakakilig siyang panoorin tuwing tumutugtog o hindi kaya nagsasalita sa harap ng mga students, but he's not the guy who give chances.."

"Siya 'yung lalaki na dapat mong tanggapin na hindi mapapasayo kahit anong gawin mo." Si Andrea.

"What's not to like from Caius Fontana, right? Sobrang ugh! Gwapo, matalino, talented! Lahat na! Pero hindi mo talaga makukuha, e," Marj chuckled.

Caius Fontana, huh.

"Yeah. No one tried too hard. Siguro kasi, nakakapang hina talaga kapag inilingan ka ni Cai. I've seen the same scenario for over three years." Si Amanda. "Kaya ikaw Keesh, kung gusto mo siya, enjoyin mo nalang. Don't invest too much. Iisang babae lang ang gusto noon."

"Sino?"

"Sofia. Lumierre Sofia Garcia." Si Andrea.

Ah, initials naman pala noong crush niya ang nasa notebook niya. Napaismid tuloy ako. Iniwan ko sa bahay 'yung notebook. Hah, mamaya papalitan ko ng initials ko.

"And that girl liked him?" I asked again.

"Bata pa nun, sis." Si Amanda.

"Mahilig siya sa bata?" Ano ba 'yan. Mag ka age ata kami, e?

Amanda chuckled. "Crush niya na 'yun dati palang. Hindi niya pinopormahan. Crush lang naman kasi."

"Huh? So iba ang gusto at crush niya?" Gulo kong tanong.

Nagkibit balikat lang si Amanda. "Basta Keesh, if you'll gonna try, kita mo na 'tong red flag na winawagway namin, ha? Apat 'yan."

"Wala naman?" Nag iillusion ata ang mga 'to.

Amanda pouted at me. "Gaga! Imagine mo nalang na kami mismo ang red flag! We've witnessed Caius turned down surprises even from the girls of the top pinnacle."

I shrugged. "Okay fine. Babalitaan ko nalang kayo kapag kami na." I chuckled.

The first period teacher arrived. Homeroom so we just introduced ourselves infront of our classmates. Nang ako na, nagtataka siya.

sunrise no sunshine | Buenvenidez Series #3 [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now