*sa coffee shop ulet.*

Cassandra's POV
"Sge na girls.. Haha 7 na kailangan ko na umuwi.. Wala sila yaya at sila nana sa bahay baka sabog na yung bahay namin..."
"Yung bahay ba talaga ang inaalala mo o si Boss Kenneth!?" May.
"Mga sira.. Haha sge na see you sa office biukas.."
Nag beso na kami at nagsiuwian na. Sina May at Trice ay magkasama pa din sa bahay. Samantalang si Besie naman ay kasama niya sa bahay si Kuya.
Nag da-drive na ako ng mapadaan ako sa isang pastry shop. Napgisip ko bumili ng pasalubong at dumiretso na pauwi..

10 minutes lang ay nakauwi na ako.. Binuksan ko ang gate gamit ang remote... Pagkapark ko ay pumasok na ako sa bahay.
Ang tahimik ng bahay... Pumunta ako sa kusina. Pagdating ko dun, wala sila. Medyo malinis naman pero may bakas pa din ng konting kalat... Hay nako.. Anong pinagagawa kaya ng mga ito...baka nasa kwarto paakyat na sana ako ng..
"Hahahaha...wAaahhhhh..stop it kuya!!"
"Hahahahahaha...
Yaan ang mga naririnig ko, kaya dumiretso na ako sa kwarto at..
"Oh My Gosh!! Anong nangyare dito?!"
Paano ba naman kasi, may mga bula na nagkalat sa kwarto nila, walang damit ang dalawang bata at si kenneth naka shorts nalang wala ng damit pangtaas,..
"Uhmm.. Dar, ano kasi...pinaliliguan ko lang sila..."
"Oo nga obyus nga eh.. Buong kwarto ginawa niyong banyo... Jusmiyo.. Kids enogh na yan.. Mag banlaw na atbmag bihis. Dun na lang kayo ulit sa kwarto ko matutulog...hay nako ano bang nagyari sa bahay.. I bought your favorite cupcakes pa naman.."
Binanlawan na ni Kenneth ang mga bata at napatingin ako sakanilang tatlo. Nakatingin lang ako sakanila. At ang saya talaga ng aura nila.. Haaaay moments like this... Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako habang pinagmamasdan ko sila.
"Mommy, mommy why awe you cwiying?!"
Kate asked me.
"Nothing baby, i am just happy."
"Ganun na po ba pag happy? You will cry? Kase when daddy po was happy, he cried din po ehh.."
Keith said innocently..
"Babies, its called Tears of Joy..hehehe..." -Kenneth.

45 minutes na ang lumipas and natapos na namin ang pagligpit sa buong bahay... Jusko.. Hindi pwedeng maiwan itong mga to ng walang ibang kasama.. Sabog ang bahay...

Ngayon nga ay kumakain na kami nung cupcakes na binili ko habang nanonood ng Big Hero 6. Ang galing ni Hero, super talino.. Nakakatuwa.. Hehe..
"Mom, i want to be like Hero!! I want to create robots too.!"
Naeexcite na sabi ni Keith..
"Hmm... You have to study hard if you want to create your own robots.."
Sabi ko sakanya at ginulo ko ang buhok niya..
nanonood lang kami hanggang sa natapos ang movie. Naiyak pa ako sa dulo nung nawala si B-Max... Grabe ang sakit sa puso...
Umakyat na kami nung pagkaligpit ko. Humiga na sila at ako naman ay mag shoshower muna para comfortable bago matulog...
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong tulog na silang tatlo. Obyus nga sakanila na sobrang pagod sila. Pasimple ko silang pinicturan. Ang pwesto kasi nila, si Kenneth sa gitna at nasa magkabila niya ang kambal na nakayakap sakanya at siya din nakayakap sakanila. Hindi ko alam kung selos ba ang nararamdaman ko dahil ngayon, hindi na lang puro mommy ang bukang bibig nila. May daddy na din. Haaaayy... Humiga na ako sa right side ng kama since dun ang mas maluwag. At natulog na ako.....

Kinabukasan, pagkagising ko ay 6:30 am na. Tulog pa din ang kambal pero wala na din dun si Kenneth. Siguro nag gagayak na siya since may pasok sa office ngayon... Pagpasok ko ng banyo ko may nagsho-shower ata, lumingon si Kenneth at
"Ahhhhhh!!" / "shit!!" Sabay na sigaw namin.
"ano ba yan! Bat di ka nag lolock ng pinto! Atsaka bat dito ka gumamit ng banyo?!"
"Sorry.. Kasi naman po, walang sabon dun. Kaya sabi ni nana dito nalang ako maligo."
Paliwanag ni Kenneth. Nailang ako nang mapatingin ako sa sahig ay may nahagip ang mata ko... Jusmiyo!!!
"Ano ba yan! Mag tapis ka nga!!"
Singhal ko. Pano ba naman kasi walang suot na kahit ano... Syemay!!
"Ang arte! Wag ka nga jan! May kambal na nga tayo aarte ka pa!"
Nag smirk pa siya at unti-unting lumapit papunta sakin at naramdaman ko nalang na nasarado yung pinto sa likod ko at nacorner na nga niya ako.
"Letse ka umalis ka jan!"
Lalo pa niyang inilalapit ang katawan niya pero itinutulak ko pa din siya.
"Isa.. Lumayo ka... Sisigaw ako dito.."
"Sumigaw ka... Ok lang sakin..."
"Dalawa Kenneth. May pasok pa sa opisina kaya umalis ka jan!!"
"Ako boss mo ok lang na malate ka!"
palapit na sana ang labi niya sa labi ko ng biglang...
"MOMMY!! DADDY!! Huhuhuhuhuhuhuhu.. Whewe awe you po?! Huhuhuhuhu..
Naitulak ko na siya sawakas. At nakatapis lang siya nung lumabas kami sa banyo.
"What awe you doing in thewe po?! Youw taking a bath at the same time po ba!?"
"Yes"/"no baby" sabay namin na sabi ni Kenneth. Siya yung nag Yes..
"No baby. Daddy's taking a bath, and he asked for a towel, i just handded it to him that's all..."
"Ahhh... I thought po you went to wowk na without waking me up..."
"Sge na. I'll just take a bath for a while. You and kuya go downstairs na and pa prepare na kayo ng breakfast."
Lumabas na ang kambal at naiwan si Kenneth dito.
"Oh ikaw ano pang ginagawa mo dito.?!"
"Maliligo pa tayo di ba?! *smirk*"
"At sinong may sabi na tayo ang maliligo. Atsaka wag kang malandi jan hindi pa tayo 100% na bati. At hindi pa tayo Mag-jowa."
"Mag-asawa na tayo Dardar ko... At naglalambing lang naman ako baka makalustot... *wink*"
"Shut up!! Labas ka na nga!!"
At lumabas na siya ng kwarto ko....
*sigh*
Agad akong nag ayos para sa pag pasok ko sa opisina mamaya...
Pagkababa ko ng hagdan, nakapang office attire na si Kenneth at nasa lamesa na at inaantay ako..
"Let's eat na po mommy! Were hungry na.. Medyo ka po matagal.." Keith..
"Sorry babies ahh.. Sana nauna na kayo mag eat kung hungry na kayo."
"Daddy said po na sabay nalang po daw ehh.."
"She.. Thank you. Come on let's eat na!"
"Nga pala Dar. Sabay ka nalang sakin papasok sa office para tipid sa gas."
Tumango nalang ako at kumain na kami...

After 20 minutes, we're ready to go.
Sa kotse..
"Uhmmm Kenneth, di ka pa ba uuwi sa bahay mo?"
"Ahhh...ehhh...wala naman akong bahay dito.. Naka Check in lang ako sa hotel. Bakit, ayaw mo na ba ako sa bahay mo?"
"Ahh.. Hindi naman sa ganun, baka lang kase nakakaabala na kami sayo."
"Kahit kelan Dar, hindi kayo abala sakin. Tandaan mo yan. Atsaka gusto ko nga bumawi diba? Sana wag mo ako paalisin."
"Hindi naman kita pinapaalis ehh.. Sge dun ka na sa bahay hanggang pag alis natin pauwi ng Pinas."
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na siya sa pagdrive...at bigla na lang tumahimik sa loob ng kotse at sa buong byahe namin papasok ng office.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi guys!! UD for today.. :)
Enjoy reading..
Sorry po pala sa mga wrong grammar at typos.
Thanks guys!

Lavyaaall!!

VoMments po?! 😊

❤️A

My Twins' Father is My BossWhere stories live. Discover now