'Pag ibig nga naman'

"Ehem! Tama na ang titigan, arat ng magkalinawan!" pagbasag ng naunang lalaki kanina sa eksenang iyon. Hindi naman sila nagpapakilala simula kanina kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang mga pangalan nila. 

Normal lamang na bumaling sa akin si Jack.

 At labis kong ikinagulat ang biglaan niyang pag ngiti. Malayong malayo sa mukha niyang hindi maipinta kanina lamang. Ganito pala ang epekto ni Gail sakanya. Kakaiba.

Iniiwas ko ang aking paningin duon dahil hindi ko man aminin ay kahit sino yata ay mapapansing kaygwapo ng pag ngiti niyang iyon. Pero hanggang dun lamang iyon. Wala ng iba pa akong nararamdaman bukod sa paghanga ng kaunti.

"Sorry... for that day miss...?" tanong niya sa akin na kaagad kong tinugonan,

"Aya" tugon ko. Hindi pa rin tumitingin rito.

" Okay Aya. Sorry kung muntik na kitang mabangga noong nakaraan, I'm just a bit in a hurry that time. Ni hindi ko nga natandaang ikaw pala yun. I guess tanda mo pa yung suot ko nun?" tanong niya ulit. 

Nagtaka ako kung bakit ipanaaalala niya pa sakin maging ang bagay na yun...

Paano ko bang malilimutan ang suot niya noong araw na yun? Eh siya pa lang yata ang nakita kong nakapambahay lang pag punta sa school. Ni hindi man lamang nagdamit ng maayos. Mukha naman siyang hindi tag hirap sa damit.

Tumango na lamang ako sakanya bilang tugon.

" So as I was saying...hindi na ako nagkaroon pa ng time na magbihis ng mas desente ng mga puntong yun dahil tinawagan ako ng head office na kailangan daw nila ako't may emergency "

Paliwanag niya sa akin na kahit medyo naliwanagan ako ay may kaunting kalituhan pa rin saking isipan,

Ano yung head office? At kung tama akong medyo may kinalaman yun sa mga nakatataas sa paaralang ito ay bakit siya ang  kailangan at tinawagan nilang gayong may emergency?

"Ah yan ba yung sinabi mo sa amin na bagong problema sa student council?" biglang singit naman ni Abby, mukhang alam niya kung anong nangyare nung araw na iyon

Nagkatinginan silang apat at sa tinginan pa lamang nilang iyon ay nabatid kong alam nilang lahat maliban lang talaga sakin ang dahilan ni Jack

Kung ganon ay mukhang malapit talaga sila sa isa't isa pagkat napansin ko kung gaano sila ka kumportable magsalita't kumilos kanina pa lamang.

"Yun pala yun!"

Nagulat naman ako sa sabay sabay nilang pagsasalita habang nakatingin  sila kay Jack na animoy bigla silang nakahanap ng sagot sa isang napakahirap na katanungang kanina pang naglilikot sa kanilang mga isipan. Parang magkakadugtong ang mga utak nila.

"Ah...pasensya na kung sasabihin ko ito ngayon... kaya lang hindi ko kasi maintindihan ang paliwanag niyang iyon" pag amin ko sa kanila kaya bigla silang natahimik at napabaling kay Jack

Tiningnan nila ito na para bang humihingi sila ng permiso sa pagsasabi sa akin ng tungkol sa bagay na iyon, medyo nakaramdam ako ng hiya pagkat baka ang iniisip nila ay lubha na akong nakikisawsaw sa mga bagay na para lamang sa kanila

"P-asensya na. Sobrang halaga yata ng bagay na iyon at hindi niyo pwedeng sabihin. Ayos lang naman kung hindi niyo sabihin... kung ano man yun ay naiintindihan k-" hindi ko naituloy ang aking paghingi ng paumanhin ng biglang magsalita si Jack na nakapagpaputol sa dapat kong sabihin

"Ang head office ay ang pinakamataas na organisasyon na namamahala dito sa AAA. Tungkulin nilang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa bawat parte o saan mang sulok ng academy. They also have the duty to maintain prosperity in every aspect...whether foods, students supplies, school facilities like buildings and offices. But it's not only about physical structure and building systems, it also includes electricity and power, plumbing, techonological advances, security and safety for all the possible tragedy and calamities, like fire, floods, earthquakes etc., sa madali't sabi, sa head office nakasalalay ang kinabukasan ng paaralang ito" mahabang paliwanag niya sa akin dahil batid kong ako lang naman ang walang ka ide ideya tungkol sa bagay na ito. Ang haba ng sinabi niya. Daming alam ah.

Who Are You?Where stories live. Discover now