"Bye uncle Pi, bye tito Rodrigo" magalang na paalam ng anak ko

"Tito Rod na lang"

"Okay tito Rod" sinunod naman agad ng anak ko

"Bye Rod"

"Bye First, Bye Vie!"

Naglakad na kami paalis at kaagad na umuwi sa Mansion, sabi ko kay Mama ay saglit lang pa naman kami

Nang makarating sa Mansion ay tinulungan ako ni Vierre na magbitbit sa mga pasalubong sa Granmy and Dy n'ya

Nang makita kami ng mga kasambahay ay hindi sila magkamayaw sa pagtulong sa amin.

Medyo busy din sila sa paghahanda sa birthday na ito ni Pierre

"Akala ko ba ay saglit lang kayo, maraming tao sa mall fire, paano kung nawala mo si Vierre? Hindi ko na kayang mawalan pa. Anak naman" emosyonal na bungad sa amin ni Mama

"I know, I'm so sorry"

"Look, I bought you something granmy!" matining na boses ng kan'yang apo

"Milktea ba 'yan?"

"Yes granmy!"

"W-Wow let's go, inumin natin sa kusina, apo"

Naiwan ako dito sa sala para magpahinga. Magiging mahaba na naman ang araw namin

Gaya ng inaasahan naging nakakapagod ngunit masaya kami, parang bumalik ako sa pagka bata dahil kinagabihan ay nag set up si Papa ng tent sa labas para maka barbeque at tignan ang mga stars

Growing up I'm an avid fan of stars and moon. Papa did a great job he reminds me of my happy childhood. Memorable experience, may ma-add kami sa bucket list

Ganoon na lang ang bilis ng oras, sana ay mas marami pa kaming panahon sa isa't-isa pero kailangan na talagang mamaalam

Malaki at engradeng pintuan ang nasa harapan namin, dalawang araw ang nakalipas kung saan kami pumasok ay siya ring labasan.

"Anak pwede pa naman kayong mag stay" malungkot na sambit ni Mama

"3 p.m pa lang" alma naman ni Papa

"Even i wanted too meron klase si Vierre and matagal ang byahe pauwing Manila"

"You should come over, granmy. Sa manila kayo na lang po pumunta" pag-aalu ng bata

"Really?"

"Yes don't be sad"

"Kaya nga naman Ma, Pa ingat kayo dito. Thunders na kayo so dapat extra care na" pagbwisit ko sa kanila

"Kalabaw lang ang tumatanda, Fire. In fact kaya pa kitang bigyan ng kapatid eh"

"Papa! May bata dito" sigaw ko

Katanda na nila may plano pang sundan ako, tsss.

"Ingat kayo anak

"You too!" Hinalikan ko sila sa pisnge at yinakap pagkatapos ko ay si Vierre naman

Pinaharurot ko na ang kotse at dumaan sa mga short cut. Dahil pauwi na ay naging mabilis na ang byahe.

Si Vierre ay nakamasid lang sa paligid hanggang sa makauwi kami ng bahay

Inabutan na kami ng dilim sa byahe alam kong gutom na si Vierre kahit ako naman pero konting tiis na lang

Nasa loob na kami ng village

Bumusina ako na dahilan ng pagka gulat ni Vierre matapos ng ilang busina ay pinagbuksan na kami ni Ayo

"Sandalee! Shuta ikalma mo yang pwet mo!" kahit malayo ay naririnig ko ang pagsigaw n'ya sa akin

HIDING THE HEIRESS Where stories live. Discover now