Taghoy Sa Hatinggabi - Kabanata 10

243 2 2
                                    

ANG KASIYAHANG nakalarawan sa mukha ni Randy habang minamasdan ang pagbabalik sa dati ng kapaligiran ay biglang napalis nang maalala niya si Aleli.

Ang dating takot at pangamba ay nagbalik sa kanyang dibdib.

“Asan siya? Ano na’ng nangyari sa kanya?”

Takbo siya sa gitna ng palanas. Palinga-linga na nakabadya sa mukha ang malaking pag-aalala.

Sumigaw siya. Malakas. ‘Yung sigaw na magagawa niyang pinakamalakas sa buong buhay niya.

“ALELIII! ASAN KA?”

Walang sagot. Bagay na naghatid na naman ng takot sa kanya.

Lakad takbo siya at palinga-linga sa paligid habang sumisigaw.

“ALELI, ASAN KA? SUMAGOT KA!”

Maya-maya ay may narinig na hikbi si Randy. Tinig ng babae ang hikbing iyong. Pero maliit ang hikbing iyon. Tanda ng sa malayo nanggagaling.

Sigaw uli siya habang sinusundan kung saan nagmumula ang hikbi.

“ALELI! ASAN KA?”

Lumakas ang hikbi habang nalalapit siya sa pagsunod dito.

“ALELI, IKAW BA ‘YAN? SUMAGOT KA!”

Wala pa ring sagot. Pero patuloy ang paghikbi at palakas nang palakas habang nalalapit si Randy dito.

“ALELI, SUMAGOT KA!”

Hikbi lang ang naging tugon sa sigaw ni Randy. Pero natunton na niya kung saan nagmumula ang hikbi. Doon sa isang bahagi ng talahib. May mangilan-ngilan na tubo ng talahib sa lugar na iyon. Pero hindi nagkakamali ang tenga niya. Ang talahib sa gawing kaliwa nagmumula ang hikbi.

Patakbong sumugod siya doon. Sa likuran nga ng talahib ay nakita niyang nakalupasay si Aleli at parang wala sa sarili na umiiyak. Dala ng matinding takot sa naganap ay hindi nakayanan ang sarili.

“Aleli,” paluhod niya itong niyakap.

Tumingin sa kanya ang luhaang mata nito habang patuloy na humihikbi. Nakilala siya at mabilis na yumakap.

“Randy, o Randy…” Hagulhol nito ng iyak.

“Tahan na. Tapos na ang lahat. Wala na ang mga bangkay.”

“Salamat, Diyos ko… Salamat.”

Inalalayan ni Randy sa pagtayo ang kabiyak.

“Halika na, babalik na tayo sa bahay kubo. Tapos na ang lagim na naganap.”

“Baka may mga bangkay pa du’n?” Takot nitong tanong sa asawa.

“Wala na… Hindi na magbabalik ang mga ‘yun.”

“Paano mo natiyak? At paano sila bigla na lang naglaho? Kung paano sila dumating, ay gayundin sila kabilis na naglaho?” May pagtataka sa tanong ni Aleli.

Ikinuwento ni Randy ang lahat at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng holy water.

“Salamat naman pala sa holy water na ‘yun.”

MAGANDA ang sikat ng araw ng umagang iyon habang isa-isang isinakay na nina Randy at Aleli ang mga gamit nila sa compartment ng kotse. Lilisanin na nila ng bahay kubo. Hindi na nila ipagpapatuloy doon ang honeymoon. Babalik na sila sa kanila.

Isang lalaking taga kabilang baryo ang napadaan. Huminto na natigilan at minasdan ang ginagawa ng mag-asawa. Hindi nakatiis, nagtanong.

“Kayo ang nagpatayo ng bahay kubong ito?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taghoy Sa HatinggabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon