Taghoy Sa Hatinggabi - Kabanata 8

160 1 0
                                    

NAGAWA ni Randy na masuntok sa mukha ang isa sa dalawang bangkay na nakakubabaw sa kanya. Umigtad ito sa lakas ng suntok niya. Naging pagkakataon na ‘yun upang mabilis na tumayo bagaman nakayakap pa rin sa beywang niya ang isa pa sa mga bangkay.

Sa pagtayo niya, ang pagtakbo ang nasa isipan niya agad. Subalit hindi niya magawa dahil nakayakap sa kanyang beywang ang natirang bangkay.

“Ang hayup na ito, ayaw bumitiw!”

Pinagsusuntok niya.

Sa ginawa niya, ang magkabilang braso nitong naaagnas na nakayakap sa kanyang beywang ay pilit na inalis ang pagkakayakap noon.

Nagawa naman niya, lamang, ang ilang bahagi ng naaagnas na lang ay naiwan sa kanyang palad. Diring-diri siya. Subalit binalewala na lang niya ‘yun sa kagustuhang makatakbo.

Bahagya siyang nakatabo ng ilang dipa mula sa bangkay na pinagsusuntok niya. Ngunit ang ilang bangkay pa na natitira na nasa balkonahe ay nag-uunahang lumundag pababa upang habulin siya.

Nagka-umpug-umpog si Randy sa mga nitso sa kanyang pagtakbo. Nasa loob pa lamang siya ng bakuran ng bahay kubo nila noon at sa pagitan ng mga nitso, doon siya pilit na dumaraan para makalabas at hanapin kung nasaan ang kanyang asawa.

May bahagyang kasiyahang nadama si Randy nang makalabas siya ng bakuran at makalayo ng ilang dipa sa mga bangkay na humahabol. Subalit hindi niya malaman kung saang direksiyon dapat magpunta upang matunton ang pinagdalhan sa kanyang asawa.

Puro nitso ang buo niyang kapaligiran. Wala siyang kalsadang makita. Litung-lito siya kung saan magsisimulang tumakbo.

“Anak ng… sa’n kayang direksiyon dito dinala si Aleli?”

Lumingon siya. Nasa likuran niya ang apat na bangkay na humahabol. Dahil sa bahagyang pagkakatigil at pagkalito kung saang direksyon dapat magpunta ay nakalapit ng kaunti sa kanya ang mga bangkay. Ilang dipa na lamang ang layo ng mga ito sa kanya.

Lumundag siya sa ibabaw ng isang nitso at nagpalundag-lundag pa sa mga kasunod na nitso doon. Malaking tulong ang liwanag ng buwan.

Kitang-kita niya ng mga nitsong nilulundagan.

Ang apat na bangkay na humahabol ay nakasunod pa rin sa kanya. Ginaya ng mga ito ang ginawa niya. Nagpalundag-lundag din sa mga nitso.

“Ang mga hayup na ito a, hindi parang mga patay. Parang buhay at nasa hustong kaisipan,” galit na bulong ni Randy sa sarili habang nakalingon at nakita ang ginawa ng mga bangkay na humahabol sa kanya.

Higit niyang binilisan ang paglundag sa bawat nitso. Gusto niyang makalayo ng husto sa mga humahabol. Doble effort ang ginawa niya.

Sa bawat paglundag niya sa mga nitso ay palinga-linga pa rin siya sa pagbabakasakali na makakita ng kalsada para doon na siya tumakbo nang mapabilis.

Sige lundag. Kahit hingal na hingal na siya ay hindi siya tumitigil. Ang masidhing hangaring makalayo sa mga humahabol ang nasa kanyang isipan, at makita ang asawa.

Ngunit may humaging sa kanyang litong isipan. Tama ba itong direksiyon na tinatahak niya patungo kay Aleli kung saan ito naroroon?

Sumigaw siya.

“ALELI, NASAAN KA? SI RANDY ITO ANG ASAWA MO! SUMAGOT KA!”

Nilamon lang ng katahimikan ng gabi ang sigaw niyang iyon. Walang tugon siyang narinig.

Sigaw siya uli. Paulit-ulit.

“ALELI, SUMAGOT KA! SUMAGOT KA! ASANKA!”

Naglalabasan na ang mga ugat niya sa leeg sa kasisigaw ay wala pa ring sumasagot.

Taghoy Sa HatinggabiWhere stories live. Discover now