Taghoy Sa Hatinggabi - Kabanata 9

161 0 0
                                    

SA GINAWANG paglundag-lundag ni Randy upang makalayo sa humahabol sa kanya, tulad din ng kanina ang naging proseso. Ginaya rin ng mga bangkay ang ginawa niya. Nagsampahan din ang mga ito sa ibabaw ng nitso at nagpalundag-lundag na nagpalipat-lipat.

Subalit iba na ngayon kesa kanina. Pagod na pagod na siya. Hapo na. Pagal na ang katawan niya.

“Wala na akong itatagal,” pag-amin niya sa sarili.

Sa kanyang palagay, mahaba na ang labing limang minuto na itatagal niya sa ginagawang paglundag-lundag na palipat-lipat sa mga nitso.

Tanging ang pagnanais na makita at mailigtas si Aleli ang nagbibigay sa kanya ng panibagong lakas upang ipagpatuloy ang pagtakas na iyon.

Subalit ang lakas ay unti-unti na ngang nauubos. Bumibigay na ang katawan niya.

“ALELI, NASAAN KA? SUMAGOT KA MAN LANG!” Sigaw niya habang tumatakas sa pagbabakasakali na marinig pa siya ng asawa.

Tulad ng dati’y nilunod lang ng katahimikan ang sigaw niya. Walang naging katugon.

Nawawalan na siya ng pag-asa na makikita pa muli ang asawa, tulad din ng kawalan niya ng pag-asa na makakalayo pa sa mga humahabol sa kanya.

“Wala na, ito na talaga ang katapusan ko,” nasabi niya nang maramdaman na hindi na halos niya magawang makalundag ng malakas sa bawat nitso.

Ilang lundagan pa siguro sa mga nitso ay hindi na niya magagawa. Parang naninigas na ang mga hita niya’t binti sa pagod.

At ‘yun na nga, tuluyang sumuko ang kanyang katawan. Pabagsak na dumapa sa ibabaw ng nitso. Wala ng lakas na itatagal pa ang katawan niya. Naubos na ang lahat ng energy niya.

Sa pagkakadapa sa ibabaw ng nitso, pinakikiramdaman na lang niya ang pagdating ng mga bangkay na humahabol sa kanya at ang mga gagawin ng mga ito kung anuman.

Narinig niya ang ragasahan ng mga paa ng mga bangkay sa ibabaw ng nitso na palapit sa kanya.

Pumikit siya ng mariin.

Mga Pah

“Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin…”

Pagkasabi niya nu’n, may malamig na kamay siyang naramdaman na humawak sa magkabilang braso niya. Umangat siya sa pagkakadapa sa ibabaw ng nitso nang angatin siya ng dalawang malamig na kamay. Bibitbitin siya.

“Aleli, sa’n ka man naroroon, paalam…” Naibulong niya. Nakaramdam siya uli na may dalawang malamig na kamay ang humawak sa magkabilang paa niya. Binitbit siya ng apat na bangkay na parang robot sa magkabilang braso at magkabilang paa. Tapos noon sa ibabaw rin ng nitso sila dumaan. Palundag-lundag din sa bawat nitso habang bitbit si Randy na parang baboy.

Pumikit na lang siya at hihintayin kung ano ang mangyayari.

Sa ganu’ng kalagayan ni Randy naisip niyang wala na talaga siyang ligtas. Hindi na niya kayang isalba pa ang sarili. Sa ilang sandali lang ay darating na sa kanya ang kamatayan. Hindi na mapipigilan ‘yun.

Gayunman, sa kabila nang napipintong kamatayan ay sumagi pa rin sa kanyang isipan kung saan naman siya dadalhin bago patayin.

Kakainin ba siya ng mga ito na tulad nang ginagawa ng mga aswang? O ipapasok kaya sa ibang bukas na nitso at doo’y tatakpan hanggang sa mamatay? O baka naman simpleng kamatayan lang ang ibibigay sa kanya. Sasakalin siya.

Anu’t anuman, isa lang ang patutunguhan niya. Kamatayan!

Ginawa na lahat niya ang makakaya upang iligtas hindi lang ang sarili kundi pati na rin ang mahal na asawa. Ngunit nawalan lahat ‘yun ng saysay. Hindi ordinaryo ang kalaban niya. Supernatural! Walang uri ng sandata na makapipigil sa mga ito. Mga kampon ito ng dilim. Mga alagad ni Satanas!

Taghoy Sa HatinggabiWhere stories live. Discover now