"Wala akong oras makipaghulaan sa'yo, Rin. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at habang tumatagal ay pakati ng pakati ang kamay ko, parang gustong manakal." Kunot-noong sabi ko.

"Inhale... Exhale... Mag-relax lang tayo, Mate. Baka magkakapera ka lang kaya nangangati ang palad mo." Pagpapakalma niya sa'kin.

"Sabihin mo na lang kasi, Rin! Umiinit lang ulo ko lalo." Pigil ang inis na sabi ko.

"P-Pupunta na kasi rito iyong client natin na nagreklamo. Kapag daw hindi niya na naman nagustuhan, maghahanap na lang daw siya ng ibang gagawa na mas may kakayahan." Kabadong sabi niya.

"Kung ayaw niya, okay lang." Tipid na sabi ko kahit sa loob-loob ko ay pinapatay ko na ng ilang ulit ang kung sinumang client na tinutukoy niya. Aba, ilang gabi akong walang beauty sleep tapos mag-iinarte lang siya?!

"Hindi okay, Mate! Sabi kasi ni Mommy kapag may nawala tayong client ngayong month ay bibitbitin niya tayong dalawa at iuuwi." Nahihintakutang sabi niya. Hindi ko naman masisisi si Tita dahil ngayong buwan ay dalawa ang nawalang client sa'min. Inaway ni Rin iyong isa tapos ako naman ang dahilang kung bakit nawala ang ikalawa. Ang bastos naman kasi.

"Oh, bakit ka naman kinakabahan? Wala ka bang tiwala sa employees mo?" Chill na tanong ko kahit na pati ako ay na-bother sa sinabi niya.

Si Tita Remi kasi ang dahilan kung bakit ako pinayagang bumukod ng bahay noong HS ako kaya kahit na nasa tamang-edad na ako ay hindi imposibleng mapauwi niya talaga ako.

And when I said 'mapauwi' it means, I don't have any choice but to live with my parents again. I love them and all but I still can't face them. I don't want to go back. I'm not ready. I don't know if I'll ever be ready.

"May tiwala." Nakayukong sabi niya.

"Iyon naman pala, huwag ka nang mag-drama diyan. Hindi tayo mawawalan ng client." Confident na sabi ko. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."

"Wait lang, nasabi ko naman na pupunta na ang client natin hindi ba?" Tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot.

"Bukas na siya pupunta at ikaw ang haharap. Okay?" Sabi niya na tatanguan ko na lang sana ulit para makaalis na ako. "Wait, anong ibig mong sabihin sa ako ang haharap? Ayoko! Bahala ka d'yan." Agarang pagtanggi ko.

"Pero ikaw ang ni-request ng client natin na 'yon, my favorite cousin." Sabi niya habang nakangiti ng alanganin. Alam niya kasing ayaw kong kumakausap ng kahit sinong client namin, kahit big time pa sila. "A-yo-ko." Sabi ko at diniinan ko pa talaga ang pagkakasabi ko sa bawat syllable para mas maintindihan niya. Wala ako sa mood makipag-plastic-an sa matatanda.

"Pero hindi raw siya papayag kung iba ang makakausap niya. Ikaw ang gusto niya, Iniko." Pagpilit pa niya.

"Tsk! Paano ba ako nakilala ng matandang hukluban na 'yan?!" Inis na tanong ko. Kapag talaga kulang ako sa tulog ay wala akong sinasanto at walang pasensiya sa mga bagay-bagay.

"H-Hindi ko rin alam. Sorry, Mate, pero dito nakasalalay ang freedom natin kaya pagbigyan mo na 'to. Just this one, please." Pagmamakaawa ni Rin.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? He better be not a perverted old man or else I'm gonna put him six feet underground earlier than he expected.

Pagkalabas ko naman ng office ni Rin ay walang nagtangkang kumausap sa'kin. Tumitingin lang sila pero nag-iiwas din agad ng tingin kapag tumitingin ako sa kanila.

Dapat lang na umiwas sila sa'kin ngayon dahil sa kanila ko talaga maibubunton ang pagkaasar ko.

Pagkarating ko naman sa office table ko ay may iced coffee sa ibabaw na may nakadikit na sticky note.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now