Chapter 17: Specialist

1.2K 72 1
                                    

A/N: Happy New year everyone!

***

Chapter 17: Specialist

Thalia's P.O.V

"Welcome to the underground of Sun Flare Academy, Arthalia Zin Garcia!"

Hindi ko maiwasang humanga sa nakikita nang dalawang mata ko ngayon. Lahat yata ng compliment words ay masasabi mo, dahil sobrang napakaganda ng loob! 

Para akong nasa underwater. Kitang kita ko ang mga naglalanguyan na iba't ibang uri ng isda dahil ang lahat ng wall at floor nito ay clear at don mo talaga masisilayan ang ganda sa ilalim ng karagatan. 

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapunta dito. 

At napakaganda talaga. Hindi maiwasan ng mga mata kong, hindi tumingin buong paligid. 

"Ganyan ang reaksyon mo?" Natatawang sabi sa'kin ni Sasha at nakangising tumabi sa akin. "Sabi sa iyo eh, worth it yung pagbaba natin. So, what do you think? Anong masasabi mo?" 

Sinulyapan ko siya saglit bago sumagot. "Ang... ganda... sobra." Marami pa akong gustong sabihin pero iyon na ang overall.

I heard her chuckled. Mas lalo tuloy siyang naging cute.

"Haha, tara na nga! I'm so excited to do my mission with you. Let's go!!!" Aniya at nagsimula nang maglakad na parang natural na lupa lang ang kanyang inaapakan.

What the...? Hindi ba mababasag ang glass floor na yan?!

"Let's go Thalia...?" Aniya at tumigil siya sa palalakad para lingunin ako. Kita ko agad ang pagtataka niya nang makita niyang nakatingin ako sa kanyang inaapakan. 

"Oh, this..?" Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tumalon ng dalawang beses. "Matibay ang glass floor at wall nito at hindi basta mababasag kahit nakailang beses pang talon. You know, some magics ang nakapalibot dito sa academy natin.." Paliwanag niya. 

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na ang sigurado diba?

"Tara na.." Sumunod na ako sa kanya. 

Kahit sinabi niya na wala na dapat akong ipag-alala ay maingat pa rin ang aking mga hakbang. This is the first time I'm doing this and it feels weird to me. Hindi siya madulas at hindi rin siya rough, sakto lang para lakarin mo. 

Pero kahit ganon ay kakaiba pa din sa akin. Para ka kasing naglalakad sa ilalim ng tubig dahil kitang kita mo ang mga naglalanguyang iba't ibang uri ng isda sa paligid. 

At ang mas hindi kapani-paniwala ay pati ang mga hayop sa tubig ay lumalangoy pasunod sa akin. What the hell!? 

"Bilib na bilib na talaga ako sa iyo, Thalia. Hindi lang ang mga alaga dito sa quadrangle ang kaya mong pasunudin, pati din ang mga alaga dito sa underground. You are really amazing!" Ani Sasha habang naglalakad kami. 

Tinignan ko ang kanyang likod dahil nauuna siya sa akin. Yeah you're right but, 

I am not the one you supposed to be amaze of, it is all because of my presence. 

You want to know why? Dahil wala naman akong ginagawa, sila ang kusang sumusunod sa akin at gaya nga ng sinabi ng isa sa mga estudyante kanina ay dahil iyon sa kakaiba akong presenya. 

"At ikaw lang ang unang nakilala kong estudyante sa Sun Flare Academy na nakakagawa non. Halos lahat sa amin ay kailangan pa namin silang i-tame bago sila sumunod sa amin." Dagdag niya pa. 

I know, but still, I didn't do anything to do it. 

"Kaya mas lalo akong nacu-curious sayo eh and I'm sure hindi lang ako, madami kami.." She glance at me once at pinagpatuloy ulit ang paglalakad. 

Sun Flare Academy (C.A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon