Chapter 41: Days

708 45 3
                                    

Chapter 41: Days

Thalia's P.O.V

Who is she? Bakit ganyan siya kung makatingin sa akin? Kilala niya ba ako?

Pero imposible! Ngayon lang ako nakapunta dito at hindi ko pa nakikita ang mukha niya kahit noon, ngayon pa lang. Pero kung makatingin siya sa akin ngayon... iba eh.

"Sorry Ms..." Aniya at inalalayan niya akong tumayo. Inayos ko ang aking suot at hinarap siya.

Muli ko siyang tinignan nang mabuti. Maganda siya at mukhang may lahi dahil sa kutis at kulay ng buhok. Bagay sa kanga ang suot niyang uniform dito sa school na ito at mukha siyang yayamanin. And again, kung makatingin siya sa akin ay parang nakita na niya ako noon.

Marami pa sana akong gustong malaman tungkol sa kanya pero hindi ito ang panahon para dyan.

Hanapin ko muna si Sasha..

"I-Ikaw yung---"

"S-Sorry Miss pero... kailangan ko nang umalis. Hahanapin ko lang ang, kaibigan ko. Pasensya na!" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya dahil tumakbo na talaga ako paalis.

Misyon ang ipinunta ko dito, at iyon dapat ang maging prayoridad ko.

Hindi ko na alam kung saan na ako dinala ng aking mga paa. Madami na din akong nadaanang hallway ngunit hindi ko pa din nahahanap si Sasha. Isa pa, sobrang daming estudyante kaya pahirapan talaga.

At ang malala, hindi ko kabisado ang lugar na ito!

Oo, alam kong hindi ito panahon para mahiyang magtanong tanong sa iba pero bawat estudyanteng nakikita ko ay may kani-kanilang ginagawa kaya ayoko nalang abalahin. Wala din akong masyadong nakikitang mga teachers dito.

Nang mapagod ay umupo ako sa malapit na bench na aking nakita. Habang nakaupo ay pinagmamasdan ko ang mga estudyante dito sa Raging Star Academy na busy-ng busy sa kani kanilang booth kuno.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang enjoy na enjoy sila. Talagang pinaghahandaan nila ang araw na ito.

At tsaka, nacucurious pa din ako kung bakit tinawag itong Sensitive School. Although, may namumuo ng conclusion sa isip ko pero ayoko munang mag-assume.

Baka madisappoint lang ako haha.

Hindi na ako nag-isip pa ng marami. Akmang tatayo na ako para magpatuloy sa paghahanap ngunit nagulat na lang ako nang mapansing may dalawang estudyanteng lumalapit sa gawi ko.

Bumalik ako sa pagkakaupo at pasimpleng tumingin sa gilid. Baka naman liliko yan.

Ngunit maya maya'y nagpanic na ang isip ko nang makitang papunta nga sila sa direksyon ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nang tumigil na sila sa harapan ko.

Calm down and act normal, Thalia..

"Hi, Ms. You're one of the students council from Sun Flare Academy, right?" Napatayo ako nang magsalita na ang isa sa kanila tungkol sa akin.

I smiled and tried to act formal. "Y-Yes. I am the student council secretary, A-Arthalia." I introduced as I formally offer my hand to them. Nangiti naman silang nakipagkamay sa akin.

Nagpakilala naman sila bilang Nikki at Beam. They were both girls and nice people.

"Can I invite you to our booth? I heard that your abilities are to tame animals, right? And we all are grateful to feel your presence here so why don't you enjoy a bit for today's celebration here in our school...?" Ani Nikki at hindi ko alam kung suggest ba niya iyon or request.

Sun Flare Academy (C.A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon