Chapter 43: Mission Starts

679 41 0
                                    

A/N: Pasensya na at napatagal muli ang update. Naging busy po kasi ulit eh.

***

Chapter 43: Mission Starts

Sasha's P.O.V

"Sasha, are you still mad at me..?"

Hindi ko pa din sinasagot ang lalaking kumag na nasa harap ko. Kanina pa siya tanong ng tanong pero ako naman ay nagpapatay malisya lang dahil sobrang sama ng loob ko ngayon!

"Hey, listen to me..?" Ulit niya pa at sinibukan pa akong kulbitin. Pasimple akong umirap.

Manigas ka dyan! Psh! 

Hindi ako nagtatampo at mas lalong hindi ako nagpapa-bebe. Ayoko lang kumausap sa kanya ngayon lalo na't nakakulong kami sa iisang silid. Hindi lang iyon, nakaposas pa ang kamay namin sa isa't isa tapos sobrang init at masikip pa. 

Kung bakit kami na-end up sa ganitong sitwasyon? Dahil pinilit kami nang mga estudyante dito sa Raging Star Academy. 

Hahanapan ko bali si Thalia kasi yayayain ko siya sa arcade booth, mukha kasing masaya eh kaso namali ng timing. Nagkasalubong kaming dalawa nitong kumag na 'to sa harap ng jail booth at ayun, niyaya kami nung operator nung jail booth kaya ang ending, nakakabadtrip.

Gusto ko ngang umayaw pero nakakahiya naman dahil todo sang-ayon nung kumag samantalang ako tatanggi. Hinayaan ko na lang pero in exchange, hindi ko siya kakausapin.

Tatapusin ko lang ang isang oras dito tapos hahanapin ko na ulit si Thalia.

"Sasha Fernandez.. the students council treasurer of Sun Flare Academy, I ordered you look and listen to your vice president."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Iba na kasi ang tono nun, nakakaloka. Hindi ko alam kung nakikipagbiruan pa din ba siya or what.

Pero, mukhang seryoso siya noh?

Pero ayaw ko namang maging disrespect sa harap niya, gaya nga nang sinabi niya, I am still one of the members of students council. That's why sinunod ko siya bilang bise presidente namin. 

Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Medyo nag jump pa ako dahil pagkaharap ko, sobrang seryoso nga ang tingin niya sa akin. Mukhang napikon ko yata siya ah. 

"I will never talk about that again.." Madiin na patungkol niya doon sa tampo tampuhan ko kuno. "... I just want to ask if, may nagiging progress ba tayo habang nandito tayo sa Raging Star Academy."

Kinabahan naman ako bigla, P-Progress? Kami?, "Ano..?" Hindi ko pinahalatang nauutal ako.

"Yes, progress on our mission." Simple niyang sagot kaya napanganga ako.

Eek, yun lang pala. Akala ko kung ano.

Huwag kang assuming, Sasha!

"Hmm, o-oo nga eh.." Pag-sang ayon ko nalang. ".. Tatlong araw na din ang nakalipas but still no sign of a lost dragon around. Ayoko ding maging kampante kasi baka mamaya, biglang magpa-surprise attack sila sa atin haha!" Biro ko pa at  bahagyang natawa.

Ngunit dahan dahang naging awkward ang tawa ko nang makitang hindi man lang gumagalaw ang bibig. Nanatili pa din siyang seryoso.

Ang KJ naman neto, ayaw na lang tumawa para naman hindi gloomy ang paligid.

"Yeah, you have a point." Maya maya'y sagot niya kaya't tumango naman ako.

Ang tipid naman nyan, bise presidente.

Sun Flare Academy (C.A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon